——————————————
CHAPTER 11ALDI'S POV
Lumipas ang ilang araw ay mas naging malapit pa kami ni Gab. Ang gentleman niya, maalaga, ma-aalahanin at clingy. Siguro gano'n talaga ang personalidad niya.
Sinet ko ang alarm clock na eleven dapat mag-aalarm. Pupunta kasi kami ng church mamaya. Excited na ako. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi ma-excite sapagkat makikita kona naman si Gab.
Araw ng linggo ngayon kaya natulog muna ako kasi alas syete pa naman. Napagod kasi ako dahil may pinagawa sa'kin ang Principal at binigyan ako ng sangkaterbang school papers na dapat gawin.
~•~
Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock. Tange! Ang sakit sa tenga. Pinatay ko agad ito at inayos ang aking kwarto. Pumunta ako sa banyo dahil ramdam kong 'di ako fresh this morning.
Sampung minuto makalipas ay natapos kona ang pagligo at pumatoon ako ang kusina sa baba. Nahagip ng aking mata ang kulay dalandan na note na naka-dikit sa fridge. Lumapit pa ako dito para mas mabasa ko.
Nak, pupunta muna kami ng palawan. Biglaan lang ang desisyon namin. Gusto kasi ng Papa mo na mag unwind at nang makapag-relax kami. Hindi pa namin alam kung kailan kami babalik, siguro isang linggo kami dito. Hindi kana namin ginising dahil alam naming pagod ka. Ikaw nalang mag-luto o kung gusto mo ay mag order ka nalang. H'wag mang-lalaki ah. Pinapatingnan kita kay Cree baka may mga lalaki kanang dalhin d'yan. I love you, i-lock mo ang bahay kung aalis ka.
-Mama Marya
Si mama talaga. Dinamay pa si Cree sa kanyang mga pa-ispiya sa'kin. Alam niya naman na abala 'yun since bago lang din namang tayo ang restaurant ng kababata ko. No'ng pumunta pala kami ni Ricardo do'n sa Gold Plate ay ilang araw palang sila no'n nag grand opening. Sayang! Naka-discount sana kami.
Umalis pala sila. Nag-order nalang ako ng pagkain dahil hindi rin naman ako nasasarapan sa sarili kong luto. Nang dumating na ang order ko ay nagsimula na akong kumain.
Nanood ako ng isang animated series matapos kong kumain. Tiningnan ko ang aking relo, malapit ng mag ala una ng hapon.
Tinext ko si Ricardo at tinanong siya kung pupuntahan niya ba ako o doon sa simbahan nalang kami magkikita. Tumunog ang telepono ko kaya sinagot ko agad ito.
"Hello Aldi, sorry hindi ako makakasama sayo ngayon," bungad niya sa'kin.
"Ha? Bakit?" nanghihinayang kong tinig.
"Tapos na kasi kaming nag-church ni Zeke at may pupuntahan kami ngayong hapon. Sorry," wika niya.
"Gano'n ba? Sige, ingat kayo," bigkas ko. In-end ko ang call at agad na nagbihis. Hays.
Mahigit limang minuto lang akong nagbihis dahil tapos na din naman akong maligo. Umalis ako ng bahay at nagtungo sa God's Kingdom.
~•~
Malapit ng matapos ang worship service.
"Brothers and sisters, let's unite to transform LGBT members and change for the better. We know that homosexuality is a sin. We are not discriminating them, we are not condemning them because they are also human. We are doing this because we love them and we want to save them. Hindi sinasabi ng bibliya na ang pagiging bakla ang pinakamalaking kasalanan kumpara sa ibang kasalanan pero ang lahat ng kasalanan ay kinamumuhian ng Diyos, maliit man o malaki. Ang kabaklaan ay isa lamang sa maraming mga kasalanan na nakalista sa 1 Corinto 6:9-10 na nagsasabing ito ang isa sa mga dahilan upang ang isang tao ay hindi makabahagi sa kaharian ng Diyos," mahabang sermon ni Pastor Sam.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
General FictionMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...