South's POV
EIGHT pm na pero nandito pa ako ng bahay. Hinahanap na talaga ako ni North ngayon. Kailangan kong makalabas na ng bahay.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Tumingin-tingin ako from left to right para masigurong wala si Dad. Lagot ako kapag nahuli niya ako. Rule na kasi ng dito sa na walang lalabas kapag gabi lalo na kapag hindi ko kasama sina Mom at Dad lalo na kapag walang celebration na kailangan nilang umattend.
Good thing nakapatay na ang mga ilaw sa hallway at sa sala namin. Nasa bedroom na sila. Dahan-dahan akong naglakad pababa at maingat na binuksan ang main door. I made sure walang ingay ang magagawa.
Bago ako umalis ng tuluyan ay nilagay ko muna sa ilalim ng isang flower pot, na nasa gilid lang ng pinto, ang susi.
Rinig ko na ang malakas na tugtog kahit nasa labas pa lamang ako ng gym. Nagsimula na siguro ang battle dahil malapit nang mag eight thirty. Eight pm kasi ang nakalagay sa ticket na magsisimula ang battle. Nagmadali akong pumunta ng entrance ng gym. Inabot ko yung ticket sa nagbabantay. Hinati niya lang ito sa dalawa at ang kalahati ay binalik niya sa'kin.
~I am titanium~
"And that was our second contestant of the night. Are you ready for more bands?" masiglang sabi ng host.
"Yes!"
Ang daming tao. Grabe ang daming nanuod. Hindi lang kasi ang student ng school ang pwedeng manood, pwede rin kahit tagalabas basta may ticket. Hindi ko inexpect na ganito karami ang manunuod.
"Excuse! Padaan po," sabi ko habang nakipagsiksikan para makapunta sa harap. Hindi ako nahirapan since may upuan sa gitna ng gym na nakaharap sa stage. Bale yung gilid ang daanan pero may nakatayo pa rin. Sa dami ba naman ng tao.
Kinawayan ako nina Ate Chika nang makita nila ako na nakatayo lang sa may gilid. "South, dito! Upo ka rito. May bakante pa!" sigaw ni Ate Angel.
Lumapit ako sa kanila. Nasa pinakaunang row sila nakaupo. "Buti nalang po may bakante pa rito," pasalamat ko sa kanila. "Wala yun, South. Buti nagkita ulit tayo," si Ate Chika.
"Long time no see, South! Kamusta?" Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Ate Anne na nakangiti na makita ako. Di ko inakala na nandito silang lahat, ang mga nakasama ko sa bar.
"Ok naman po."
"Mas gumanda ka, South, ah. May nanliligaw na ba sa baby namin?" si Kuya Efren na nakaakbay kay Ate Anne.
"Ahh eh ewan. 'Di ko po alam." 'Di ko naman kasi talaga alam. 'Di ko alam kung nanliligaw na ba talaga sa'kin si North. Haha! Ang assuming ko.
"Hahaha hindi ka pa rin nagbabago," ginulo gulo ni Kuya Efren ang buhok ko.
"Kuya naman. 'Wag mo guluhin buhok ko," pagmamaktol ko.
"Let's welcome Nameless Band!"
Lumingon ako sa stage nang tinawag niya yung banda nina North. Grabe ang gwapo niya sa suot niya. Blue and white shirt siya na tinernuhan niya ng blue pants at blue and white shoes.
"Go, North!" sigaw ko pagkalabas pa lang nila. Ako nga ang unang sumigaw kaya sigurado akong rinig yun ng lahat.
"Waah!"
"Ang gwapo mo talaga, North! Pwedeng akin ka nalang?"
Nagsigawan din ang ibang manunuod. Sikat na pala si North ng hindi namin namamalayan. Sa gwapo ba naman niya, sinong hindi magkakagusto at magkaroon ng crush sa kanya. At ngayon ko lang naisip na marami rin pala akong kaagaw sa kanya. Napa-pout ako sa isip ko.
BINABASA MO ANG
More Than Words [Complete] (EDITING)
Romance[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok siya sa isa sa pinakasikat na music school sa kanilang bansa. Magagawa kaya niyang sundan ang yapak...