North's POV
HINDI man kami ang nagchampion sa battle of the bands ay okay lang sa'kin na second place lang kami. At least nasa top three pa rin kami.
Ang mahalaga naamin ko na rin kay South ang nararamdaman ko. Masaya na ako roon. Pero mas pinasaya niya ako dahil pumayag siya na maging girlfriend ko. Kahit na hindi talaga ako marunong manligaw at hindi mo talaga mahahalata na pinupormahan ko na pala siya.
"Nakikita mo ba yung buwan?" turo ko sa buwan habang nakahawak pa rin ang isang kamay ko sa kamay niya.
Nasa labas kami ng university sa gilid ng daan nakaupo. Wala na namang dumadaan na sasakyan dahil kanina pa natapos ang battle.
"Oo naman ang laki kaya niyan at liwanag pa."
"Malaki nga siya pero subukan mong itapat ang thumb mo." Ginawa nga niya ang sinabi ko. "Diba ang liit niya na parang mahahawakan mo siya ng buong buo." Tumango lang siya. "Ganyan ang pagmamahal ko sa'yo. Ang laki pero mahahawakan, ay hindi mayayakap mo pala siya ng buo," seryoso kong sabi, nakatingin pa rin ako sa kalangitan.
"Aray! Para saan yung sapak? Sakit ah," nag-pout ako at humarap sa kanya.
"Bakit ang sweet mo? Atsaka saan mo napulot yang sinasabi mo? May comparison pa talaga sa moon."
"Bawal na pala ngayon maging sweet sa girlfriend? May batas na bang ganun?" Niyakap ko siya. Hindi naman siya pumalag at hinayaan niya lang ako.
"Ehh kasi..."
"Kasi?"
"Kasi... never mind. Tara na. Inaantok na ako," tumayo siya kaya natumba ako.
Tumayo na rin ako. Hinawakan ko uli ang kamay niya at sabay kaming naglakad.
"Ohh ano nga? Hindi mo naman sinasagot," pangungulit ko.
"Ehh wag na kasi. Nakakahiya."
"Nahihiya ka pa sa'kin? Boyfriend mo naman ako."
"Yun nga ehh. Nakakahiya kung malaman mo. Hatid mo nga ako sa'min. Hindi naman napakalayo ng bahay namin dito.
♪♪♪
"Northy, nakikinig ka ba?" bumalik ako sa katinuan ko. Kinaway-kaway niya ang kamay niya sa harap ko.
Nagspace-out na naman ako. Napaka-familiar talaga ng necklace na palaging sinusuot ni South. Hindi ko lang alam kung saan at kailan ko 'to nakita.
"Ahh o-oo."
"Kung nakikinig ka nga, anong sinabi ko?"
Napakamot nalang ako sa batok ko. Hindi ko naman talaga narinig ang sinasabi niya kanina. "Hehe!"
"Sabi ko na nga ba ehh."
"Ulitin mo nalang kaya." Inakbayan ko siya. Parehong vacant time namin ngayon kaya naisipan naming tumambay dito sa gilid ng grassfield. Hindi naman mainit dahil may mga malalaking puno sa gilid ng field.
Niyaya ko ang tatlong ugok na tumambay din dito pero tumanggi sila. Si Michael at Vam may importante pa raw silang gagawin. Si Timothy naman ewan ko doon sa isang yon, palaging wala sa mood. Baka naunahan na.
"Naisip ko lang kasi kung sino kaya ang magpi-play sa lead rule ng Les Miśerables."
"Baka gusto mo na tayong dalawa ang mag-play," pang-aasar ko.
"Ayoko nga. Nakakatamad kaya magmemorize ng script."
"Sabagay."
Pinakiramdaman lang namin ang simoy ng hangin ng ilang minuto. Ang sarap sa pakiramdam na katabi ang taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
More Than Words [Complete] (EDITING)
Romance[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok siya sa isa sa pinakasikat na music school sa kanilang bansa. Magagawa kaya niyang sundan ang yapak...