Chapter 04:Basagulera

173 9 0
                                    

Basagulera

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"W-wag mo po akong hahawakan." Nauutal kong saad. Alam kong namumula na ako ngayon dahil sa mga nangyayari. I can't believe what I see now. Nasa harapan ko si Mama at hindi ako natutuwa.

Namula ang mga mata niya ay pinipilit akong hawakan pero inilag ko ang sarili ko. "Anak, patawarin mo ako." Nagsusumamong sabi niya. Hahawakan niya sana ako pero parang may puwersang nag kontrol sa akin na itulak ko siya papalayo. Napaupo siya sa grass at pilit akong hinahawakan.

Nag tago ako sa likod ni Don Pablo at napahawak sa laylayan ng kanyang polo. "Godelaine, lumapit ka sa mama mo." Saad ni papa mula sa kabilang banda. Umiling lang ako.

"Triana, makinig ka sakin anak ko. Iuuwi na kita sa atin. Marami ka doong magagandang damit. Diba gusto mo iyon?" Pumatak ang luha niya sa pagsusumamong sumama ako sa kanya. Mas lalo akong nag tago sa likod ni Don Pablo. "Gusto mo rin ng mga kaibigan at kapatid? Doon sa atin meron." Tugon niya. Kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi ako sumusunod sa kanya.

Umiling na lamang ako at nag tago lalo sa likuran ni Don Pablo. Hindi na ako yung batang uto uto noon na basta na lang niyang iniwan. "Sige na, please. Marami kang magiging kaibigan doon." Nag mamakaawang saad niya.

Hindi nakaligatas sa paningin ko si Luis na gulat na nakatingin sa akin ngayon. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang tumakbo dahilan para mapabitaw ako kay Don Pablo ay habulin si Luis.

Rinig ko pag tinawag nila ako pero hindi ako nag abalang tumingin sa kanila. Hinabol ko si Luis na ngayon ay patuloy sa pag lalakad. "Luis, wait!" Nanginginig kong sigaw dahilan para tumigil siya sa pag lalakad.

"Ano yun, Godelaine?" Malamig niyang tanong. I'm guilty. Nanginginig ang kamay kong tinakpan ang bibig ko.

"I'm sorry. Nag sinungaling ako sayo, sa inyong apat." Kunot noo niya akong tinignan.

"Mahigit isang taon kang nag sinungaling sa amin, God. Hindi mo sinabi na anak–"

"Dahil ayaw kong mawala kayo at yan ang totoo! Lahat ng taong nakasalamuha ko noon ay hinuhusgahan nila ako." Umiiyak na sabi ko. "Hinuhusgahan nila na parang kilala na nila ako. Kung ano anong masasakit na salita ang mga naririnig ko na parang alam na nila kung ano ang totoo kong naramdaman." Saad ko.

"Pero hindi kami ganon, God. Wala kaming karapatang husgahan ka dahil hindi mo ginusto ang lahat." Malumanay niyang sabi. Tinignan ko siya sa mismong mga mata.

"Hindi ko alam." Yun lang nasabi ko.

"Hindi ka namin huhusgahan dahil wala kaming karapatan." Sabi niya. Kumunot ang noo ko at pinahid ang luha ko. Natulala ako dahil sa sinabi niya. Duwag ako. Napakaduwag ko dahil natakot ako. I was afraid that if they knew the truth they would judge me for not knowing the truth.

"Please Luis wag mo namang sabihin sa kanila ang totoo." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya. "Magagalit sila sa–"

"Hindi ko alam, Godelaine." Aniya sabay bawi ng kamay niya. "Alam mo bang nahihiya ako sayo ngayon." Saad niya. Sa totoo lang hindi ko maitatanggi na gwapo talaga si Luis. Lalo na kung nakasuot siya ng salamin. "Para kang prinsesa na nakikisama sa mga dukhang katulad namin na walang ibang ginawa kundi ang idamay ka sa lahat ng kalokohan namin–"

"Pero ginusto ko iyon. I chose that. Natatakot ako na baka pag nalaman ninyo ang totoo ay baka mawalan ako ng kaibigan." Tumulo ang luha ko. Kita ko ang awa sa mukha niya.

Tumango siya. "Ililihim ko ito. Pero hindi ako sigurado kung kaya ko pa itong pagtakpan sa oras na malaman na nila ang totoo." Aniya sabay hinga ng malalim. "Pero tandaan mo hindi ko ginagawa ito dahil gusto kong mag sinungaling ka pa. Ginagawa ko ito dahil hiling ito ng isang señorita na gaya mo."

"Na kaibigan mo." Pagtatama ko. "Kahit anong mangyari mag kaibigan pa rin tayo, Luis." Saad ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Parang may kung anong nakaharang sa dibdib ko ang natanggal. Parang biglang nag bago si Luis. Parang hindi na siya yung jolly na nakilala ko.

Alam kong mag iiba na yung trato niya sa oras na malaman niya kung sino ba talaga ako. Ito yung araw na kinatatakutan.

*********

Sa tuwing uuwi ako galing paaralan ay minamabuti ko na lang na kumain sa labas kasama sina Austin. Si Luis ay parang naging awkward sa akin dahil sa nalaman niya. Natutulog naman ako agad paggaling ko ng school.

Mas minamabuti kong wag munang kumibo lalo na pag andyan si Mama. Sa tuwing maiimbitahan kaming kumain sa hacienda ay hindi ako sumasama.

Nandito ako ngayon sa loob ng cr habang inaayos ang sarili ko. Tinititigan ko ang repleksyon ko sa salamin habang isa isang inaalala kung paano nila sabihin sa akin ang hindi natatanggap ng sikmura ko.

'Mas mabuting habang bata pa si Godelaine ay ayusin na natin ang kanyang galawan.' Saad ni Mama. 'Ang babaeng dapat maging tagapagma ng isang hacienda ay dapat umakto na parang isang prinsesa.'

Napangisi na lamang ako. Balak balak pa nila akong ipasok sa isang sitwasyon hindi ko na pwedeng labasan a. Nakakatawa.

Balak nilang ipamana sa akin ang hacienda ng mga Montreal at Narvaez. Bahala sila jan.

*********
Simula nang dumating dito sa bansa si Mama ay kung ano ano na ang ginagawa niya ay dapat kasama ako. Puro sila turo sa akin pero puro lang naman ako tango at irap.

Maaga pa lang ay agad na akong naligo at nagbihis dahil ayaw kong maabutan nanaman niya. Nag paalam agad ako kay Ate Nimfa. Sabado ng umaga ngayon kaya wala naman akong gagawin. Mamaya ay isama nanaman nila ako doon sa hacienda Montreal at Narvaez.

"Godelaine!" Napalingon ako nang tawagin ako ni Irish. Nakasuot siya ngayon ng short at puting blusa. Samantalang ako naman ay naka 2 lines pants at black sando. Bitbit ko ang Korean bag ko na naglalaman ng pera at camera ko.

Pansin kong pawis na pawis siya at magulo rin ang buhok niya. "What happened to you?" Kunot noong tanong ko. Hahawakan niya na sana ako pero rinig ko ang boses ni Bong mula sa likuran niya. May kasama itong tatlong tropa niya at mukhang pagtutulungan pa kami. "Oww! HAHAHAHA andito pala si Godelaine!" Tawa ni Bong sabay ngisi. "P*tangina mo Godelaine! Hanggang ngayon naalala ko pa rin ang pagsipa mo sa akin." Nanggagalaiti niyang sabi.

Tss. As if naman na may pakialam ako. "P*tangina mo din." Ani ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Irish sabay tawa. Pilit niyang inilabas ang baba niya saka pinasadahan ito ng palad niya.

"Matapang ka ah. Ang akala mo ba once na mahawakan kita hindi kita papatulan. Mukha mo!" Sigaw niya sa akin sabay tawa. Nagkatinginan ulit kami ni Irish sabay tawa. Napawi ang ngisi niya at masama kaming tinignan.

"Oink! Oink!" Saad ni Irish sabay tawa ng malakas. Pumalakpak pa ito at pinaulit ulit ang tunog ng baboy. Napahawak naman ako sa tyan ko dahil sa tawa ko pero nagulat kami ng may tubig na sumaboy sa amin.

Nilakihan ko siya ng mga mata at akmang susugod sa kanya pero napaatras ang mga kasama niya. Tumawa ako ng malakas. Natigil ako sa pagtawa ng bigla niya akong binasa ng tubig. Napapikit ako sa inis at agad siyang dinamba.

Kakaibang tuwa ang raramdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan sa bawat suntok ko. I feel like I'm recovering from all the pain I feel. Nang makonteto ako ay lumayo ako sa kanya. Pero nagulat ako nang makita ko ang imahe ng ina ko na nakatayo sa likuran kasama ang mga personal body guards niya. Dinampot ko ang bag ko at agad na hinila si Irish.

Buti at hindi nakatingin si Irish kaya naman naging panatag ako. Nilingon ko ulit si Mama. Nakatingin lang sa akin at wala akong mababasang reaksyon mula sa kanyang mga mata.

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon