Maraming mga gabi na ang dumaan
Subalit hindi parin mawala sa aking alaala
Ang mga nakaraang kasama kita
Lubos ang kasiyahan kong nadaramaTinatanung ko ang aking sarili
Bakit ba tayo pinagtagpo ng tadhana
Kung magkakalayo rin naman pala tayo
At hindi magkakasamaMasakit isiping
Hangang ngayun naruon pa
Naruon pa ang hapdi at kirot
Na aking nadaramaNasan kana
Kamusta kana kaya
Anu kaya ang iyong ginagawa
May pumalit na ba sa akin diyan sa puso moNung nagpaalam ka
Nakatawa lang ako
Nakangiti nagpapa cute sayo
Pero isang bagay ang hindi mo alamIsang bagay na ayaw kong malaman mo
Masakit sa puso ko
Ang gagawin mong paglayo
Pero wala akong magagawa yan ay para sa kinabukasan ng mga mahal moAng tagal nating nagkasama
Ilang taon din yun
Kaytagal
Kaytagal ng pagmamahal na dito sa puso ko kailan man ay di mawawalaNangako ka
Pero ang pangako mong iyon ay nauwi sa wala
Ilang buwan lamang ang lumipas
Ramdam ko na nagbago kanaKung dati rati madalas tayong magkausap
Ngayun ay hindi na
Lagi ka ng galit at tila umiiwas na
Bakit! Bakit ka nag ibaGanun ba talaga ang mga lumalayo
Nag babago
Dahil ba hindi ako ang kapiling mo
Dahil ba wala ako sa tabi moAng akala ko panaman
Hawak natin ang ating mga pangakong binitawan
Na ikaw at ako ay maghihintayan
Upang tuparin natin ang ating mga nasimulanMasakit dahil isang araw dina kita matagpuan
Binlock mo na ako
At di naman ako tanga para di malaman kung anung ibig sabihin nito
Tapos na! Tapos na at tinapos mo na ang ikaw at akoWala nang ikaw wala ng ako
Wala ng tayo
Alam mo kung ganu ito kabigat sa puso ko
Mabigat sing bigat ng mga katagan sinabi moHindi kita masisisi
Sa kabilang parte merun din akong mali
Pero mali bang magtampo ako sayo
Mali bang magtampo ako sayo sa tuwing dika sumasagot sa mga chat koPero wala na
Wala ng dapat sisihin
Tapos na tayo
Tinapos mo na at hindi na ako ang parte ng buhay moNgayun ang tanung ko nalamang
Magkikita pa kaya tayong muli
Ibigay pa kaya ng pagkakataon na muli tayong magkasalubong
Upang ayusing muli ang naudlot nating kahaponOo aaminin ko
Hangang ngayun ikaw parin ang aking gusto
Dahil sayo nabuo ang aking mundo
Dahil sayo dahil ikaw ang mahal koPero palagay ko
Wala ng pagkakataon
Dahil ang sakit ay mananatiling naroon
Pero ang pagmamahal tutunawin na ito sa paglipas ng panahonSiguro ngayun ay masakit pa
Pasasaan ba ito ay maghihilom na
Lalaya ako sa sakit na nadarama
At makakalimutan kitaPero ikaw hindi ka nakatitiyak
Kung makalalimutan mo ako ng ganap
Dahil sa buong buhay mo wala ka ng mahahanap
Ng tulad sa pagmamahal ko ng lubos at tapatSana dumating ang araw
Na kapwa tayo magpatawad
Na kapag nagkasalubong tayo may ngitiang maganap
At di magkaiwasan ng bawat landas