"Uy Eca sama ka samin?"
"no thanks"
"Ay ganun ba sige" Umalis naman sila pero dinig ko pa rin ang bulungan nila tungkol sakin.
"Ang sungit niya talaga"
"oo nga, hindi na ulit ako lalapit sa kanya."
"kala naman niya kung sino siya. Pwe! Nasayang lang yung laway ko sa kanya."
Di ko naman sila sinungitan pero grabe sila kung makareact. Pinapakita lang talaga nila kung gaano sila kaplastic. Niligpit ko nalang ang mg gamit ko saka lumabas. Uuwi nalang ako ng bahay mas masaya pa run.
***
"Nakauwi kana? ang aga pa ah" tiningnan ko naman ng bored si ate saka lumapit sa kanya.
"Maagang natapos yung klase ko tsaka ano pa ba yung gagawi ko sa labas?"
"shopping, o di kaya makipagbonding ka sa mga kaklase mo." bonding daw yoko nga
"Tinatamad ako" tiningnan niya naman ako ng masama saka kinurot ang pisngi ko.
"Hoy babae magpakasaya ka nga kahit minsan lang. You only lived once kaya sulit sulitin mo na ang mga nalalabing araw mo dito sa mundo." makapagsalita naman tong si ate parang mawawala na ako dito sa mundo ah.
" Matutulog muna ako" pumunta naman ako sa kwarto
"TATANDANG DALAGA KA NIYAN!" di ko naman siya pinansin at tuloy lang ako sa paglalakad. Alam ko naman yun sino ba namang matinong lalaki ang magkakagusto sakin.
tingnan mo nga ang mukhang to, haggard pa sa haggard. Tsaka hindi naman talaga ako masungit. Sadyang ganun lang talaga yung tingin nila sakin. Gusto ko din namang makipagkaibigan sa iba pero tinataboy ko sila tuwing lumalapit sila sakin. Nakakatuwang isipin na parang baliw ako sa part na yun.
"pwede bang pumasok?" Napatingin naman ako sa pintuan kung nasan si ate, ano naman kaya kailangan niya.
"Nakapasok ka na nga eh" nakita ko naman siyang sumimangot kaya napatawa nalang ako.
"Ano ba kasi ang kailangan mo ate?" umupo naman siya sa kama at tiningnan ako ng seryoso. May sakit ba to?
"Wala Gusto lang kasi kitang makausap, matagal-tagal na rin kasi simula ng magka-usap tayo ng MATINO"
"sa pagkakaalala ko ni minsan hindi kita nakausap ng matino." nakakuha naman ako ng isang kurot mula sa kanya at mas masakit ito keysa kanina. Sadista talaga to.
"Che! sa tingin mo pano tayo mag-uusap ng matino ha!"
"ok ok highblood ka masyado. Segi, ano ba yung pag-uusapan natin."
"tungkol sa ugali mo, sama na din natin yang lovelife mo" ano daw? wala naman akong lovelife ah
"Kapatid ko mag-enjoy ka naman kahit minsan lang. Tumatanda kana pero ni minsan di ka nagsaya tsakamalapit ka nang maging matandang dalaga kaya kilos kilos din pag may time."
"Ate unang una mas nageenjoy ako dito sa bahay keysa sa labas. Pangalawa 18 palang ako ang layo layo ko pa sa pagiging matandang dalaga. Tsaka sating dalawa ikaw ang kumilos na dahil 25 kana. Ikaw yung magiging matandang dalaga sating dalawa at hindi ako ok" natahimik naman siya sa sinabi ko kaya natawa ako.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan. Ho-hoy! madali lang humanap nu tsaka ba't napunta sakin? yung lovelife mo yung pinag-uusapan natin dito hindi yung sakin."
"Ate babae ako dapat yung lalaki yung naghahanap sakin hindi ako." sinisira nito yung pagkadalagang piipina ko eh.
"well may point ka naman run. Pero kailangan mo pa ring lumabas ng bahay ayokong nagmumukmok ka lang dito."
"Ate sinabi ko na sayo to, mas masaya ako kapag nandito lang ako sa bahay. Walang stress mula sa labas" Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko
" Kung wala na talaga akong magagwa diyan edi hahayaan nalang kita sa gustomo
BINABASA MO ANG
Make It Real
De Todo"Tapos kana ba diyan sa ginagawa mo?" "Patapos na Ate" "Segi bumab ka kaagad ha wag magpapalipas ng gutom." tumango naman ako sa kanya saka ibinalik ang pansin ko sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako humahawak ng lapis pa...