Ngayong umaga, kailangan kong mag-ikot sa buong bayan. Kailangan kong mag-obserba kung nagagawa ban g mga sundalo ang kanilang tungkulin.
“Kamusta ang liwasan?” tanong ko kay Commander Leomero Hidalio ang nakatalaga sa Liwasan.
“Wala pong umaaligid heneral, hinigpitan namin ang pagbabantay sa bayan. Kada-walong oras ay nag-iikot kami sa labas ng bayan para tingnan kung may umaaligid,” sagot nito.
“Bueno, asegurar el garantia de ciudad (Good, reassure the security of town)” bilin ko.
Paglingon ko nakita ko si Rose na may kausap na lalaki. Lalapitan ko na sana nang makita ako ni Rose saka umalis ang lalaking kausap n’ya. Lumapit s’ya sa’kin saka sinalubong ako ng yakap.
“Sino ‘yun?” tanong ko.
“Magsasaka lang ‘yun na pilit akong binibentahan ng kanyang panindang gulay,” sagot n’ya.
“Mamaya na pala ang paligsahan sa pagbaril, pupunta ka ba?” tanong ko.
“Oo naman, syempre lalaban ka dapat naroroon ako at sinusuportahan ang mahal ko,” ngiti n’yang sambit.
Hindi ko ba alam kung bakit nagkakaganto ang puso ko. Lagi na lamang tumitibok ng mabilis ngunit itinatago ko sa aking mukha. Napapangiti na lamang ako sa aking naririnig sa kanyang labi.
“Babalik na ako sa mansion Eduardo, mag-ingat ka,” hinalikan n’ya ako sa labi at para bang naistatwa ako.
Nang bitawan n’ya ang labi ko ay hindi pa rin ako makagalaw. Nakikita ko s’yang nakangiting umaalis ngunit ako hindi pa rin mawala ang titig sa kanya. Ano bang mayroon sa halik n’ya?
“Heneral, ang bayan ay walang anumang banta. Lahat ng sundalo natin ay nasa kanya-kanyang mga puwesto na. Wala ni isang Hapon ang makakapasok dahil sa ating seguridad,” ani Leomero.
“Mabuti, ipagpatuloy n’yo ang inyong trabaho, ang seguridad ng mga tao sa bayan na ito ang pinaka-importante,” bilin ko pa.
“Naiintindihan ko heneral,” sumaludo s’ya at gumati rin ako ng saludo.
Kahit na gan’un na lamang ang impluwnsya ng amerikano. Mga kastila pa rin ang itinatalaga ko sapagkat maaaring traydurin kami ng mga dayuhang ito. Nakikisama na lamang ako para ‘di magkagulo.
----------
Naririto ako ngayon sa plaza dahil magsisimula na ang paligsahan sa pagbaril. Halos puro sundalo ang aking mga kalaban. Bawat isa ay binigyan ng limang bala para sa mga baril na gagamitin.
“Ngayon, ang unang laban ay pataasan ng puntos sa pagbaril. Ang makatama sa gitna ay may sampong puntos habang ang malapit sa gitna ay siyam at ang malapit sa bilog na may siyaw na puntos ay walo, maghanda na,” anunsyo ng lalaking tagapagsalita.
Hinawakan ko ang baril kong may bala saka itinutok sa papel na babarilin. Limang bala lamang ang gagamitin para makatungtong sa susunod na laban.
“Iputok n’yo na!” hudyat ng tagapagsalita.
Walang mintis at walang tigil kong ipinaputok ang baril ko at lahat ng ‘yun ay isang direksyon lang ang tinamaan, ang gitnang bilog. Lahat ay nagpalakpakan sa galing ng bawat isa. Naglakad ang tagapagsalita upang tingnan ang mga binaril na papel para kumuha ng limang manlalaro na tutungtong sa sunod na laban.
Matapos ang pag-obserba sa mga natamaan ng manlalaro, sinabi na ang mga nanalo. Nangunguna ako na may 50 na puntos, sumunod ang isang sundalo na may 39 na puntos, isang amerikano na may 38 na puntos at ang dalawang lalaki na parehong may 35 na puntos.
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romance"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...