Start-End

48 2 1
                                    

NAGHINTAY AKO

ALEXA POV

Lumaki na tayong magkasama. Umulan, umaraw, sa putikan o arawan di tayo naghihiwalay. May tagpuan pa nga tayo. Dun sa may balon malapit sa bahay namin. May swing din dun at padulasan. Nag-aaway pa nga tayo kung sino ang mauunang gumamit nun. Natatandaan mo, lagi tayong pinapagalitan ni Nanay dahil umuuwi tayong kundi basa sa ulan, basa sa pawis at nanlilimahid. Ikaw, tatakbo dahil parating ang Nanay mo na may dalang pamalo.

Nakakatuwa kasi ang saya-saya natin noon..... Noong mga bata pa tayo. Pero dumating ang pagbabago. High school na tayo. Nagkaroon na ako ng ibang kaibigan, ikaw rin ang dami nang barkada. Nabawasan na ang oras natin sa isa't isa kahit nagkikita pa sa eskwelahan. Pero madalas nakikita kitang nakatingin sa akin. May sasabihin ka ba? Sana sinabi mo na.

Ang dami mong pinagbago, pero ako, ganun pa rin pero mukhang di mo yun nakikita. At masakit para sa akin yun. Masaya ka habang kasama mo ang iba, masaya ka kahit di tayo nagkakausap. Pero ako, andito pa rin naghihintay na kausapin mo.

Dumating ang oras na kailangan na ninyong mag-migrate sa Korea. Successful na dun ang ate mo. Masaya ako para sa iyo. Pero iba ang saya ko kasi naalala mo ako. Nagpunta ka agad sa bahay para magpaalam sa akin. Naaalala ko nun, ang saya ko, pero ang lungkot mo. Di ko alam kung bakit, suguro dahil maiiwan mo ang barkada mo. Maiiwan ako. (hoping pa rin ako alam mo ba yun?)

             “Hintayin mo ako ha, babalik pa rin ako, babalikan kita,” yun ang sabi mo sa akin. At tumango ako. Ang saya ko, umasa na naman ako.

            After 5 years, bumalik ka. Ang gwapo mo kaya nung una kitang nasilayan sa airport. Mamula-mula ang balat mo, mas makinis pa nga yata ang kutis mo. Nahiyang ka dun alam ko. Pero para sa akin ikaw pa rin yung Alex na nakilala ko. Alex na kalaro ko. Alex na halos kapangalan ko. Ako nga pala si Alexandria. Alexa for short.

            Pumunta ka sa bahay. Ang saya-saya mo. Pero malungkot ako. Eksaktong pagbalik mo, paalis naman ako. Kami pala ng pamilya ko. Kailangan naming mamalagi sa Amerika dahil may importanteng aasikasuhin sila nanay at tatay. Nalungkot ka.

            Pero bago kami umalis, inaya kitang mamasyal. Gusto kong sulitin ang ilang araw na nalalabi para sa pag-alis namin. Nagpunta tayong EK, first time ko pumunta dun. Ang daming rides. Halos sakyan na natin lahat kaso di pwede eh. Hinihingal ako lalo na dun sa mabibilis na rides. Pero okay lang sa iyo kahit di na tayo sumakay. Ang importante basta masaya ako sabi mo.

            “Bakit ang putla-putla mo? May masakit ba sa iyo?” tanong mo sa akin. Sabi ko wala, baka sa sobrang pagod lang. At binalewala na natin yun. Umuwi tayong masaya. Inihatid mo ako sa bahay. Halos magtatalon ako sa tuwa kahit pa nga wala ka namang kinu-confirm sa akin. Masaya na ako dun. Naramdaman ko yung pagmamahal mo. Hinintay mo pa akong makapasok ng bahay namin saka ka umalis.

            Pagpasok ko, napangiti na naman ako, pero biglang nag-black out.

            Paalis na kami, inihatid mo kami sa airport. Ang higpit ng hawak mo sa kamay ko. At titig na titig ako dun. Kanina ka pa buntung-hininga ng buntung-hininga. May gusto kang sabihin alam ko. Pero pinipigilan mo. Ayokong kulitin ka kaya nagsawalang-kibo na lang ako. Bago kami sumakay ng eroplano, inipit mo ang isang sulat sa kamay ko, may kasama yung locket. Nagulat ako kasi piktyur nating dalawa yung nasa locket. Pero di ko muna binasa yung letter. Suspense ika nga. Siguro sa eroplano na lang.

            “Hihintayin kita ha, babalik ka di ba? After two years simula ngayon ha, sa dating tagpuan. Huwag mong kalimutan ang chocolates ko ha,” pahabol mo pang bilin sa akin. At muli nangiti ako.

Naghintay Ako (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon