“Heneral Eduardo, gumising ka na. Dalawang oras na lang bago ang kasal,” inalog-alog ni Manong Pedro.
“Ha? Dalawang oras na lang?” napabigwas ako ng tayo at natumba, mabuti at nasalo ako ni manong. Ang sakit ng ulo ko, mukhang puyat na puyat ako.
“Nakahanda na po ang inyong susuotin sa salas gayun na rin po ang inyong kalesa sa labas. Mag-ayos na po kayo heneral,” aniya.
Nagmamadali ako tumungo sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili. “Manong, ihanda ang almusal ko sa ibaba,” bilin ko pa.
Nagmamadali akong maligo at magsipilyo. Halos liparin ko ang palapag dahil sa huli na akong nagising. Pati na yata ang plato ay aking lulunukin sa bilis kong kumain.
“Maghulos-dili ka heneral, inayos ko na po lahat dito. Hindi ko lang po magawa na gisingin kayo dahil mukhang wala kayong tulog,” naglagay ng tubig sa baso si manong saka iniabot sa’kin.
“Maraming salamat manong, maghanda na rin kayo sa pag-alis natin. 40 na minuto na lamang ang nalalabi,” ani ko na agad naman s’yang kumilos.
“Komander Juan!” tawag ko at agad naman s’yang lumapit mula sa labas.
“Ano po ‘yun heneral?” sumaludo s’ya sa’kin.
“Handa na ba ang lahat? Nakapuwesto na ba?” tanong ko.
“Lahat po ay nasa puwesto na, h’wag po kayong mag-alala,” tugon n’ya.
“O sige, maaari ka nang lumabas.”Bakit ba ngayon lang ako nagising? Nagmamadali tuloy ako. Grabe ang sakit ng ulo ko. Umaga na pala nang makatulog ako. Halos lahat abala sa kasal, hindi ba nila natatandaan na kaarawan ko rin ngayon.
“Heneral, suotin n’yo na ang inyong magarang uniporme at aalis na po tayo,” ani Pedro.
Agad akong tumayo at umakyat sa silid ko. Suot ko ngayon ang puting uniporme na kumikinang ang medalyang nakasabit. Itinaas ko ang aking buhok upang maiba naman ang aking mukha.
“Manong! Pumasok na kayo sa karwahe, susunod po ako,” utos ko.
Ano naman kayang itsura ni Rose ngayon? Siguradong maganda s’ya sa suot n’ya. Pero sa ngayon, nararapat kong isipin na kailangan ko nang umalis at baka mahuli ako sa sarili kong kasal.
“Sige na patakbuhin mo na,” utos ko pagkasakay sa kalesa.
“Ang ganda ninyong lalaki heneral,” ngiting puri ni Manong Pedro sa’kin.
“Maraming salamat. Bagay po pala sa’yo ang magbarong,” pabalik na puri ko. “Huli na ba tayo?” pahabol kong tanong.
“Hindi pa heneral, h’wag kayong masyadong masabik at baka matalisod kayo mamaya,” napahalikhik kami sa isa’t isa.
“Parang noon lang ay tinutulungan mo akong ligawan s’ya pero ngayon ay dalawa na kaming haharap sa altar at ikaw rin ang aking katabi sa paggunita sa kanya. Maraming salamat Manong Pedro,” nakangiting sambit ko.
“Kinasisiya ko ang paglilingkod,” tugon n’ya.
--------------
Dumagungdong sa buong simbahan ang kampana at bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Nakatayo ako katabi si Manong Pedro at pinuno ng mga kilalang personalidad ang buong simbahan.
Iniluwa ng pintuan ang isang babae na maputi, medyo kulot na kayumanggi ang buhok at nababalot ng puting mahabang saya na mukhang mamahalin dahil sa magarbo nitong dekorasyon.
Papalapit s’ya sa pamamagitam ng kanyang maliliit na hakbang katabi si Kapitan Henry. Hawak n’ya ang isang kumpol ng bulaklak at siya ay walang iba kundi si Binibining Rose.
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Любовные романы"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...