CHAPTER 4

55 42 6
                                    

3rd person:

Habang nasa hapag kainan si Brie, inis niyang tinitingnan ang nakangising si James, nakababata niya na may gusto sakaniya sa lugar nila sa probinsya.

"Pwede ba lumayas ka nga sa harapan ko!" Singhal niya sa lalaki sa gitna nang kaniyang pagkain na sinagot rin lang naman nito ng ngisi dahilan upang mas lalong maasar si Brie. Ilang na ilang siya sa paraan ng pagtitig nito sakaniya dahilan upang mapilitan na lamang siyang kumain dahil alam niyang hindi rin lang naman ito titigil kapag pinatulan niya pa ang pagiging isip bata nito.

Nang matapos siya kumain ay para siyang bomba na nagtitimpi para hindi sumabog gaya nang maasar kay Diego kapag naaalala ang sinabi nito at mapapatingin kay James na napapangisi lang naman sa kaniya. Hindi niya lubos malaman kung bakit lapitin siya nang problema sa oras na ito.

'tama sigurong umuwi na lamang ako' Saad nang isipan niya nang naiiling

'tapos ano, tatalikuran mo ang problema mo' sabad naman nang isa

'isa kang duwag' Saad uli nang naunang nagsalita sa isipan niya

'hindi' sabad naman ulit nito na ikinailing na lamang niya.

Nang dahil sa mga pagtatalo sa isipan niya mas lalo lamang siyang naasar sa sarili niya.

"Pwede bang umalis ka nga sa harapan ko." Naaasar niyang saad ulit. Si James ay nakababata niya. Alam niya ang nararamdaman nito sa kaniya pero hindi sila parehas nang nararamdaman na alam rin naman nito. Closure bilang magkaibigan lang ang meron sila.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa sayo ah!" Natatawang saad pa ni James dahilan upang layasan siya ni Brie at pumasok sa kuwarto nitong asar na asar.

"Badtrip naman oh. Mukhang sa walang modo pang lalaki napunta ang First Kiss ko. Aissst, kaasar! " Nagdadabog niyang saad pa. Kalaunan ay nakarinig siya nang sunod-sunod na katok mula sa pinto.

"Brie, mag - usap tayo. " Rinig niyang saad ng lalaki sa kanilang pinto. Walang iba kundi si James.

"Bakit?" Galit niya pang sabi rito.

"May kailangan lang akong sabihin saiyo." Sabi ni James mula sa labas ng pinto nang kuwarto ni Brie. Asar man ang babae ay binuksan niya parin dahil kababata niya parin ito kahit kuta na sakaniya ang mga pang-aasar nito.

"Tungkol saan ba yun?" Tanong niya at agad nang buksan ang pinto saka naupo sa kama niya.

"Kasi Brie, tungkol sa pamilya mo sana." Saad pa nito nang nag-aalangan na ikinakunot nang noo niya.

"Bakit ano ba kasi yun?" Tanong niya ulit na nagsisimula na naman siyang maasar dahil hindi niya parin makalimutan rin ang nasabi ni Diego sakaniya.

"Eh kasi Brie. Aishh pano ba to." Naaaligaga niyang sabi habang kinakamot ang ulo.

"Ano? Sasabihin mo ba o tatadyakan kita palabas nang bahay ngayon din? Mamili ka!" Naaasar na sabi ni Brie dahil nauubos na talaga ang pasensiya niya.

"Aishh, huwag na nga lang. Sige alis na ko." Saad nito bago tumalikod at hawakan ang pihitan nang pinto pero agad rin namang humarap kay Brie. "Nga pala. First Kiss pala tayong dalawa. Hahahaha" natatawa pa nitong sabi dahilan upang batuhin siya nito ng unan, tumigil lang si James nang tingnan siya nang nanlilisik ni Brie bago umayos at seryoso siyang harapin nito.

"Brie, marami ka pang hindi nalalaman sa pamilya mo. Hayaan mong ibahagi ko yun sayo kapag handa ka na sa maaaring kalabasan nito sa buhay mo. Basta tandaan mo na nandito lang ako sayo. Sasaluhan kita kung sakaling mahirapan ka sa sitwasyon mo. Sige kita nalang tayo sa sunod na araw." Sabi nito sakaniya bago umalis. Naiwan naman siyang naguguluhan dahil sa mga sinabi nito sa kaniyang hindi niya lubos maintindihan kung ano ba talaga ang dapat niyang malaman sa pamilya niya.

'psh' usal niya sa hangin.


Dumaan ang maghapong nasa loob lang si Brie nang kaniyang kuwarto hindi na alintana pa ang nasasayang na oras dahilan upang mayroong kumatok ulit sa kaniyang kuwarto.

"Brie, kakain na. Hindi ka ba lalabas? Gusto mo ihatid ko lang sayo?" Narinig niyang sabi nang familiar na tinig nang lalaki, si Diego dahilan upang maguluhan siya dahil naroon ito sa kanilang bahay. Nang buksan niya ang pinto bumungad nga ito sa kaniyang harapan.

"Teka, bakit nandito ka pa? Anong kailangan mo ba talaga?" Hindi maitagong inis niya dito.

"Hay" naulinigan niyang sabi nito.
"Hindi mo ba alam. Nakuha ako bilang guard dito sa bahay niyo tutal wala kayong bantay dito kaya nag - apply ako at sa kabutihang palad ay nakuha ako. Bakit hindi ka ba masaya? Hahahaha. Araw - araw na tayo magkikita tutal ikaw naman talaga ang babantayan ko. " Saad pa nito bago siya nito igiya palabas nang bahay. Na akala mo naman ay lumpo ang babae

"Hays, Wala akong ganang kumain. Umalis ka na nga." Inis niyang sabi dahilan upang matigilan to sa paglalakad.

"Oh, ano nanaman ang naiisip mo? Bakit ka tumigil?" Tanong niya pa.
"Bakit ba asar na asar ka sakin?"  Sunod na tanong niya kay Brie.

"Hays, sa ilang araw ko ba naman dito. Palagi mo nalang ginugulo ang buhay ko. Ano ba talagang problema mo sa pamilya ko?" Nagagalit niyang saad naman rito.

"Sorry Brie. Pero hindi mo pa kailangang malaman sa ngayon. Malapit mo narin namang malaman ang lahat kaya hayaan mong pamilya mo ang magsabi sayo."

"Ano ba kasi yun Diego? Tell me!" Sigaw ni Brie kay Diego.

"I'm sorry Brie." Nagsusumamo aniya nang lalaki na ikinailing na lamang ni Brie.

"Fine! Kung ayaw mo di huwag." Dismayadong saad ni Brie

"Brie!" Sinusubukan naman siyang hawakan nito pero iniwas niya ang kaniyang braso sa pagtatangka nito.

"Diego please! Please! Kung nandito ka lang para gawing komplikado ang buhay namin, mabuti pang umalis ka na ngayon palang." Naiiling niyang sabi pa binata.
"You're ruining our lives. So please, please just leave me alone. Diego, stop this nonsense, it's not funny." mga katagang tumatak sa isipan ni Diego habang hindi makapaniwalang nakatingin sa dalaga na nangangalaiti sa galit.








_____________________________________________

Hey mga KaCalibsta 👋.

Long slow update... Maraming gawain kasi eh!...

But by the way, what can you say?

Enjoy reading!😊

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon