KAIBIGAN
Ito yung taong handang pasayahin ka.
Yung taong san ka man magpunta ay sasamahan ka
Kahit ang kapalit ay sermon pag-uwi nila.
Ito yung taong handang mapahiya
Upang mapasaya ka.
Yung mga taong handang batukan kaUpang ika'y matauhan na.
Ito yung mga taong dapat iniingatanDahil pwedeng mawala ng biglaan
Parang kasintahan
Na pwedeng maagaw ng kalaban
Pero kailangan mong ipaglaban.
Hindi masamang magkaroon ng bagong kaibigan
Basta't ang nauna'y huwag mong kalimutan
Pero bakit humantong sa di pagpapansinan?
Anong nangyari oh aking kaibigan?
Paano na ang ating pinagsamahan
Tuluyan mo na bang kakalimutan?
Hindi ka na ba namin mapipigilan
Kami ba'y tuluyan mong iiwanan?
Salamat sa ating mga pinagsamahan.
Sana masaya ka na sa Bagong Kaibigan.
******************************
Pavote naman po thank you😚