Reese's POV
"Akala mo kung sinong gwapo. Ang ingay tuloy sa classroom ng dahil sa kanya. At iyong mga fans niya?! Walang patawad, pati kaming mga kaklase ng Bluster na iyon, inuusisa!"hindi pa rin napapagod si Aure sa kakareklamo ng tungkol kay Blake kahit nakalipas na ang ilang araw.
"Hindi ka naman ata tinatanong ng tungkol sa kanya."sabi ko at napailing dahil takot lang nilang magtanong dito kay Aure. Napaisip pa siya kaya natawa ako ng mahina.
"Kita mo na."sabi ko at inilingan siya.
"Aba! Kahit na! Basta nakakaistorbo sila!"sabi niya at napairap pa.
Hindi ko na gaanong napakinggan ang mga hinaing nito nang mapatingin ako sa gawi nina Mia kasama niya ang mga tropa nila sa room pati na rin si Cain.
Nagtatawanan ang mga ito. Iritasiyon ang nanguna lalo na nang mapatingin siya sa akin. Inirapan ko siya at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papasok sa room.
"Hoy, nabadtrip ka ata bigla?"tanong ni Aure sa akin.
"Naalala mo iyong kinukwento kong lalaki na nakakita sa akin noong natapilok ako?"tanong ko.
"Oh?"tanong na tugon niya. Interesado ako nitong tinignan.
"Siya si Cain, yung kasama kasama ni Blake."sabi ko at tinuro si Cain na nakatingin pa rin pala sa amin.
"Ano--"susugurin na niya sana ito kaya lang ay hinila ko siya.
"Tapos naman na iyon. Naiinis lang talaga ako kapag nakikita ko siya."hindi ko mapigilang sambitin.
"Kalimutan mo na kasi iyon, Reese."sabi niya sa akin. Magsasalita pa lang sana ako nang lumapit sina Mia sa amin.
"Nagsama nanaman ang dalawang atribida."pagpaparinig niya.
"Ahh. Nagsama kayo?"natatawang tanong naman ni Aure na tinignan pa ang alipores ni Mia.
Gigil naman siyang tinignan ni Mia. Magsasalita na sana oto ngunit tinapik ni Cain ang kanyang balikat.
"Huwag ka ng pumatol, Mia."sambit nito sa kanya. Natahimik naman siya dahil kay Cain at inunahan na kami sa pagpasok sa loob ni Aure.
"Ano ba yan? Dami naman kasi kalat dito sa room niyo."natatawang sambit ni Aure sa akin kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Pumasok ka na nga sa room niyo, manggugulo ka lang dito e."natatawang sambit ko. Tumango naman na siya dahil saktong pagkabell na rin.
"Bye, Reese!"pakaway kaway pa na sambit ni Aure at patalon talon pa na umalis sa tapat ng classroom. Napailing na lang akong pumasok sa loob at pumwesto sa dati kong pwesto.
Rinig ko naman ang malalakas na tawanan sa gawi nina Cain.
"Boys, tumahimik kayo, padating na si Ma'am!"hindi ko mapigilan pagbawalan ang mga ito dahil iyon naman na talaga ang nakagawian mo lalo na't ilang years naman na akong nagiging president ng classroom.
"Pakiminimize naman ang mga boses niyo, hindi naman na kayo mga bata para pagsabihan pa."maayos na pagbabawal ko sa mga ito.
"Sorry, Reese. Hinaan niyo na kasi mga tukmol!"natatawang pagbabawal ni Lim sa mga kaibigan niya. Tumango na lang ako at nanahimik na sa kinauupuan. Nabawasan din naman ang ingay, sakto naman na pagpasok na ng adviser namin.
"So class habang wala pa tayo gaanong ginagawa ngayon at kilala niyo na rin naman ang isa't isa, magstart na tayo sa election dito sa classroom."sabi ni Ma'am pagkapasok pa lang sa loob. Sumang-ayon naman na ang lahat dahil ganito rin naman ang nakagawian noong mga nakaraang taon.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (Completed)
Teen FictionBluster Blake Eliezer decided to lie low by transferring in another school and house but he ended up meeting his number one basher, Aurelis Mateo, with her twin sister, Archer, his greatest fan. Khalid Cain, Blake's closest friend, find himself go...