Look Away (Oneshot)

54 3 1
  • Dedicated kay Noemi Eloisa Baldon
                                    

Lagi na lang…

hindi ko naman inaasahan na mangyayari ito eh. Halos kalahating taon ko rin siyang nakatabi, nakasigawan, nakapikunan, nakaasaran, nakahampasan at nagging magseatmate din kami.

“Hoy! Baka matunaw yan!”  bulong na sabi nito.

Lumingon siya sa katabi niya. She grimaced right after she heard those words. Hindi naman talaga niya tinitingnan si Rico--- na mula sa kinaroroonan nila ay tanaw nila ang covered court kung saan nagpapractice ang mga ito ng basketball. Ang tinitingnan niya talaga ay ang mga babaeng nagbabadminton na katabi lamang ng basketball court.

“Tss. Tigilan mo ko Ana. Yung jared mo na lang ang intindihin mo.” pagbabalik-asar niya sa kanyang kaibigan.

Namula naman ito at idine-ny ang sinabi niya.

Kay Ana niya lang sinabi na crush niya si Rico.

Bago lamang niya naamin sa kanyang sarili… at maging kay Ana na may gusto siya sa lalaki.

Kung kelan…malayo na ito… sakanya.


Ibinalik niya ang tingin sa mga babaeng naglalaro ng badminton…

Tsaka niya pasimpleng tiningnan si Rico sa malayo.

“Alam mo, sigurado akong may gusto yan sayo… close kaya kayo last year! Nung magkaseatmate pa kayo!” ngiting-ngiti na sabi ni Ana na sinabayan pa ng pasimpleng sulyap nito kay Jared.

Haay… ito ang mali eh.

Umaasa sya sa prediction ng kaibigan nya. Ni hindi nga pumasok sa isip niya ang mga ganyang mga romantic ideas patungkol kay Rico. Sapagkat simula nung naging magseatmate sila, puro pang-iinis lang ang ginagawa ng antuking lalaki sa kanya. Wala siyang naisip kundi ang batukan ito at kung pano patitigilin ang ingay niya.

Hindi niya na naisip na dadating sa punto mamimiss niya ito…

Na makakaramdam siya ng atraksyon dito na lubos niyang ipinagtataka kung bakit…

Eh hindi naman niya ito type!

Napailing na lang siya sa sinabi ni Ana. Binibigyan na naman siya nito ng “false hope”.

Napatuwid siya ng tayo ng mapansin niya ang classmate niya na si Mari na nasa rooftop rin kung saan sila nakatambay ngayon ni Ana.

She looked away at lumayo kaagad sya sa railing then lumapit siya kay Mari.

“Uy, Mari! Nandito ka pala! Halika dito tayo!” nakangiti niyang sabi sabay hinila ang kaibigan papunta sa kung saan sila nakatambay ni Ana at kumukuha ng nakaw na sulyap.

“Ah… eh…” maalinlangang sabi ni Mari at tumingin sa covered court.

Nakita niya kung saan napadpad ang paningin ni Mari…

Kay Rico

It was not a big deal right? Crush lang naman niya si Rico… So it’s not really a big deal kung magka-crush din si Mari kay Rico. So wala siyang dapat ipagselos… Hindi siya dapat makaramdam ng selos.

Damn…

----- * * *  *  *    * *     *   *   *   *  *    *   *   *   *   *   *   *   *   *  ** * * * * * * * * * *  * * *  *    *  *  ---

 

Nahahapong naglalakad pa rin siya habang habang palinga-linga. Hindi pa rin niya mahanap si Ana sa kahit na anong pagsuyod na ang nagawa niya sa loob ng school nila. Bakit ba naman kasi kung kelan kailangan eh bigla na lang nawawala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Look Away (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon