Chapter 2

7 1 0
                                    

First day

Boses agad ni Cza ang gumising sakin kinabukasan. Buti nalang ginising niya ko kung hindi nalate na kami.

"Lunch ha mamaya swish, wag mong kalimutan," paalala ko kay Cza pagkababa ko ng sasakyan sabay takbo kasi medyo late nako. Hahanapin ko pa yung room ko.

Sasakyan niya gamit namin kasi walang sasakyan ang lola niyo. Ayaw ako bigyan ng parents ko baka daw maibangga ko. Jusko!

Pagkadating ko sa department namin hinanap ko agad yung TBA kasi dun daw yung room ko. May nakapaskil kasi na sched sa bulletin board sa harap ng dep at doon mo titignan yung sched mo kapag di mo pa alam or baka nagbago. Nagtanong nako sa mga tao na nakikita ko dahil late nako.

Checkered na skirt and long-sleeved blouse yung uniform namin tapos necktie din na checkered tapos black heels pero may nakita ako kanina na naka all-white na uniform sa dep. Baka siguro every year level mag-iiba ang uniform.

8:30 na yata noong nakarating nako sa room. Buti nalang may classmate ako na kasabay kong naghanap ng room kanina. Kung hindi, absent na siguro ako kakahanap ng room.

Half of our class were present. Afer one week pa bago magstart ang proper lesson. Kaya siguro wala ang kalahati ng klase kasi alam nila na ganon. Introduction and expections sa subject lang ginawa namin. Some of our prof ay binigay na yung syllabus ng whole sem and yung ibang prof naman ay nagbigay na agad ng reading assignment dahil may oral recitation daw sa susunod na meeting. First day palang may assignment na agad jusko!

Lunch break na. Tatawagan ko na sana si Cza nung naalala ko na wala pala akong load. Kaasar naman oh. Mag-isa tuloy akong kakain ng lunch.

Habang nakapila ako nakita ko si Mitch na kumakain mag-isa. Siya yung kasama ko kanina na naghanap ng room namin. Pagkabili ko ng pagkain ko lumapit ako sakanya para sumabay sa pagkain.

"Mag-isa ka lang?" Tanong ko sakanya. Medyo nagulat pa siya noong nagsalita ako.

Baka kasi may kasama siya tapos may pinuntahan lang or may binili. Mapalayas pa ako.

"Oo. Upo ka." sabi niya sabay kuha nung bag niya sa katapat niyang upuan. Pangdalawahan lang kasi yung lamesa.

"Gusto mo punta tayong lib mamaya pagkatapos nating kumain para matignan yong mga libro na nasa syllabus?" Yaya ko sakanya habang kumakain kasi sayang naman yung isang oras naming vacant ngayong after lunch.

"Okay lang kung ayaw mo", pahabol ko. Baka kasi may gagawin siya or what. Baka isipin niya na pa-FC ako haha.

"Hindi. Okay lang. Wala din naman akong gagawin mamaya e." Sagot niya. Pansin ko na may pagkamahiyain siya. Hindi din siya gaanong nagsasalita.

Cute cute nga niya e haha. Singkit siya tapos ang liit ng mukha niya. Pati height maliit din haha. Napansin ko kasi kanina na mas matangkad ako noong naglalakad kami.

"May lahi ka?" Tanong ko sakanya kasi sobrang singkit nung mata niya. Baka chinese siya or what.

"Ha? Wala hahaha" natatawa niyang sabi.

"Pero ang singkit ng mata mo."

"Ganito talaga to. Pati mga kapatid ko singkit din pero wala kaming lahi."

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Akala ko chinese, lalayuan ko na sana siya hahaha. Jk

Pagkatapos naming kumain pumunta na agad kami sa lib para tumingin ng libro. Mamayang 2 pm pa naman yung klase namin kaya okay lang.

First day palang madami ng tao dito sa library, mostly mga naka-all white na uniform. Sobrang hirap ba talaga ang nasa medical field? Nakikita ko na din tuloy ang sarili ko nasa lib din at nagrereview soon.

Almost Over YouWhere stories live. Discover now