Chapter V

156 55 73
                                    

          Napagkasundo naming hindi na pag-usapan ang bagay na ito. Maraming pangyayaring gusto naming ikuwento sa isa't isa. Mula sa paglaki ko sa Netherlands, sa bagong kultura na nahirapan kong ma-adopt a umpisa, hanggang sa pagpunta ko sa mga tanyag na arkitektura at imprastraktura ng Europe kasama si Renato. Kaso habang kinikuwento ko ito kay Madeline, hindi ko maiwasang maging malungkot. Buong sandali ay natuwa siyang nakinig, pero aminado akong ang mga karanasang ito ay kaming dalawa sana ang magkasamang lumikha.

"Have Auntie Clara and Renato considered of returning here?" tanong niya. "Isang taon nang wala si Lola. Hindi na sila nito sisingilin. Pwede na nilang kunin si Renata."

Napatingin ako sa kanya at napahinto. "Paano mo nalamang-"

"Nasabi sa akin nila Papa dalawang taong pagkaraan ng pag-alis mo. Seventeen na ako n'on, sa tingin nila matanda na para maunawaan ang lahat." Napabuntong-hininga siya. Pinagmasdan niya ang loob ng isang bakery sa harap namin. "Pero kahit na, ang hirap pa ring paniwalaan," sumulyap siya sa akin, "pumayag siya, sila ni Auntie Clara, na iwan kayo ni Renata sa pangangalaga ni Lola,"—marahas na umiling—"para lang pahiraman sila ni Lola ng pera."

"Nagawa lang nila 'yon dahil gipit sila ng mga panahong 'yon," wika ko. "Patong-patong na kasi ang mga utang na kanilang babayarin. Saka, ang kalahati ng pera, ginamit naman para makapagsimula ng bagong buhay abroad."

Noong una ay nagtampo ako sa kanila sa pag-iwan sa akin, pero niminsan ay hindi ko kinwestyon ang pangako nila. Noong bumalik si Papa para kunin ako, may bahagi sa akin na natuwa at nasaktan dahil maiwan ko sina Madeline at Renata. Si Auntie Clara raw mismo ang makipag-usap para kay Renata. Pero habang tumatanda si Renato, napagtanto ni Auntie na hindi niya kayang pag-aralan silang dalawang magkapatid. Sa huli napagpasyahan niyang iwan si Renata sa pangangalaga ni Lola.

Lumingon si Mandeline sa akin saka nagmosyon na pumasok sa bakery. "Other than money, I cannot think of other valid reasons why Lola would deprive you of parents' love and care. Hindi ring susuklaman ni Renata si Auntie Clara habang patuloy pa rin niyang sambahin si Lola."

Isinara ko ang pinto sa likuran ko. Agaw-pansin ang chandelier at ilang painting sa mataas na kisame. "Sa tingin ko hindi pa 'to alam ni Renata. At hindi ko pa 'to kayang sabihin sa kanya, Lin. Ayokong sirain ang mga alaala niya ng kaisa-isang malapit na tao sa buhay niya."

Bago siya humakbang palapit sa counter ay sumipat siya sa akin. "We should only do what is necessary. Hindi natin kontrol kung maniniwala siya o hindi, ang mahalaga wala na tayong tinatago. Mula doon, siya na ang huhusga sa lahat ng kabutihang ipinakita sa atin nila Lola."

Sa isang banda ay tama siya. Akma akong magsalita nang tanungin niya ako kung anong gusto ko. Pagdating ng order naming pita bread at hummus, hindi na kami nagtagal at naglakad pabalik sa kotse. Maliban sa relo ko ay walang indikasyon kung ano na ang oras. Ang atmospera ng unibersidad ay nanatiling tahimik at walang pinagkaiba kanina.

Nakapanibagong maraming bilang ng tao ang naglakad-lakad ng mga oras na iyon. May ilang nakasalubong namin na binabati kami. Isa lang itong sign ng paggalang, hanggang sa napansin ni Madeline na karamihan sa mga ito ay yumuko sa akin.

"Hindi ka pa nakapagsimula rito pero meron nang nakakilala sa'yo," komento niya. "Nagplano ka bang bumuo ng grupo ng mga tagasubaybay no'ng application mo?"

Tumawa ako nang mahina at napailing. "Ilang araw pagkatapos kong dumating rito sa Alfaro, hindi ako mapakali sa aking flat. Hindi ko magawang maupo't magtrabaho sa tapat ng bintana at pagmasdan ang mga bago at modernong building sa labas. May ilang mga estudyanteng nahirapan sa pag-aaral nila pero hindi kayang kumuha ng tutor, kaya't naisipan kong tulungan ang mga 'to."

ReverieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon