Chapter 11: Surprises

213 6 6
                                    

Dustin's POV

"Today's the day Kai! Haha, isang linggo din ang hinintay ko para makipag-ayos kay Myloves!! Ngayon wala na siyang tanggi!!" masiglang sigaw ko. Ang taas ng energy ko!! Pero parang patay naman ang kausap ko. -_-

"Huy! Di ka ba magsasalita?! Tss, dito na nga kita pinatulog sa kwarto ko para di na ko mangarag sa pagsundo sayo tapos ni isang good morning wala?!" napaupo nalang ako sa may harap ng kagigising lang na si Kaira.

"Dust, ang ingay mo! Rinig na rinig sa kwarto ko yang bunganga mo couz'!" sermon ni Spencer na kapapasok lang sa kwarto ko. Gulo pa ng buhok ng loko.

"Happy birthday Dustin" walang kabuhay buhay na bati ni Kaira. Mukhang ngayon lang nagkawisyo.

"Haha salamat Kai!"

"Birthday mo nga pala ngayon. Pero ang aga aga pa Dustin Drake Villanueva!! It's only four in the morning for Pete's sake!! Mamayang umaga ka na magwala pwede?" -Spencer

"Alam mo Spencer, excited lang ako. Kasi syempre gagawin na natin yung plano mamaya" paliwanag ko habang lumalapit sa kanya at inakbayan siya.

"Mamaya pa naman yun eh. Patulugin mo muna kami, specially yang si Kaira! Lubayan mo siya pwede?!"

"Pano pala kung may surprise din sayo si Thalia?" napalingon kami ni Spencer. Minsan nalang talaga magsalita tong babaeng toh! Nakakabigla tuloy kapag nagsasalita siya.

Bumalik ako sa kama at umupo ulit sa harap ni Kaira. "Nah, I don't think may time siya para makapag-isip ng surprise. Lagi kasing nasa tabi ni Shane eh" nakapout na sabi ko.

"Selos ka naman. Sige na sige na, maaga pa tayo mamaya. Magpahinga na tayo. Dustin, keep your mouth shut kung ayaw mong tamaan ka sakin! Patulugin mo na kami ni Kaira!" sabi ni Spencer bago lumabas ng kwarto.

"Ngayon lang ako naexcite sa birthday ko Kai! Hahahah--" naputol ang pagtawa ko nang biglang bumalik si Spencer sa loob ng kwarto ko. "Ano na naman? Mahina na boses ko huh?!"

"May nakalimutan ako" walang ganang sagot ni Spencer.

Nakatitig lang si Kaira sa kanya kaya ako na ang nagtanong. "Ano?"

"Ikaw. Di kita pwedeng iwan sa isang kwarto kasama si Kaira" casual na sabi niya bago ako hilahin papalabas ng kwarto. Seloso din tong isang toh eh. -_-

~~~

Maaga kaming pumasok kahit mamaya pa ang klase namin. Buong Angels nandito.

Bago tong surprise ko huh! Kung dati, paiiyakin ko muna siya, ngayon iba na. Wala ng iyak iyak.

"Jerry naman! Birthday ko diba?! Ba't parang nalugi ka dyan?! Kainis ka naman eh!" nakasimangot na angal ko kay Jerry. Di pa rin kasi sila ayos ni Jessie, tapos sa sabado na yung game laban dun sa Andrew na yun.

"La toh, wag mo nalang akong pansinin tol" walang ganang sabi niya sabay mukmok sa isang sulok.

"Oh, kayong dalawa walang problema diba?! Ang kailangan niyo lang namang gawin ay dalhin si Thalia sa may stage sa open area ng school, kaya niyo ba?" tanong ko kila Lance at Adam.

"No prob! Kayang kaya!" energetic na sagot nila.

"Good" tapos humarap naman ako sa mga Hearthrobs. "Guys, kayo sa stage huh?"

"Alam na namin ang gagawin Dust" sagot ni Spencer na parang naririndi na. Haha, ilang ulit ko na kasing sinabi, kabado ako syempre! Duh! Kahit gwapo ako, kinakabahan pa rin ako!

"Ok, so ilang oras nalang darating na si Thalia. Goodluck satin Angels!" sigaw ko.

Napalingon naman ako nang biglang may humigit sa laylayan ng uniform ko. Si Kaira pala.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon