Nalate si Byul sa first day ng kanyang OJT sa main branch ng kumpanya na sinasabe ni Yongsun.
From taguig to manila, inabot na siya ng siyam siyam bago pa makarating sa naturang office.
Badtrip itong pumasok ng kumpanya at hindi na binati pa ang guard matapos ipakita ang identification card nito sakanya. Pinapasok siya nito at agad na tinanong ang receptionist kung saan matatagpuan ang office ni Ms. Yongsun Kim.
Ginuide siya nito at sumakay na sila ng elevator. Nasa 10th floor, pinakamataas na building ang office ni Yongsun kaya inabot sila ng ilang minuto bago makarating ito.
Bumungad sakanila ang secretary na nasa labas ng office at tinanong kung may schedule ba ito kay Yongsun.
Sinabi naman niya agad ang kanyang pangalan at mabilisang pinapasok ito sa loob.
Nang makapasok ay nakita niyang busy ito sa laptop at seryoso sa kanyang ginagawa. "Andito na ko." walang galang bungad nito kay Yongsun.
"Okay, Good. Now here's your reward. Claim it." wika ni Yongsun sabay lapag ng tatlong libo sa desk niya.
"Ano yan?" Nagtatakang tanong ni Byul.
"Pera. Tanga ka ba? Allowance mo yan ng isang araw." naiiritang sagot ni Yongsun.
Nanlalaki matang tinignan niya si Yongsun. Hindi niya alam kung papasalamatan niya ba ito o hahayaan nalang kunin ang pera.

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomantikA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...