At the top🔝
Ava Pendragon...."Lola Hunnith? Malayo pa ba tayo?"
Tanong ni Ava sa kanyang lola. Halos walong oras na silang nasa biyahe. Sumasakit na rin ang kanyang pwet sa kakaupo.Ito na lang ang natitirang kamag-anak niya dahil pumanaw na ang kanyang ina. Wala siyang kinagisnang ama.
"Malapit na, apo".
Sagot ng kanyang lola sabay hawak sa balikat niya. Inalalayan siya nitong ihilig ang kanyang ulo sa balikat nito.
Umidlip na lang muna siya."Apo, nandito na tayo".
Mahinang tinapik ng kanyang lola ang kanyang pisngi.
Naalimpungatan siya at pinilit ang sarili para gumising.
Pinagmasdan niya ang paligid at namangha siya sa nakita. It was out of this world's scenic view.
It was like she's in a dream.
Is this reality?
She was once dreamed to set footsteps in a place her mind called Hogwarts.
She was fond of watching Harry Potter eversince and there she made up an illusion that somehow it was real. And there she is... Standing in front of a large gate with a creepy engraved letter written in a bold accentric charcoal black 'CENRED KINGDOM'She suddenly felt nostalgic by its presence. Somehow she suddenly feels....... outcast.
'Hindi ako nababagay dito'.
"Halika na apo".
Nagpatianod na lang siya ng hilahin siya ng kanyang lola papasok sa mataas na tarangkahan na kusang bumukas para makadaan sila.Lalo siyang namangha.
"Lola, hightech naman dito".
Kumento niya dito na ikinangiti lang ng kanyang lola.Sa laki ng malakastilyong istruktura nagtaka siya kung bakit sa likod sila dumaan imbes na sa harap.
"Alam ko ang iniisip mo apo, sa kastilyong ito may mga batas tayong dapat sundin.".
Paliwanag ng kanyang lola."Ganun ba. Ok lang yun pero paano nila malalaman na nandito na ako? Baka magalit sila?"
Nag alala niyang tanong sa abuela."Alam na nila apo. Sige magbihis ka na at ng ikaw ay makapagpahinga na dahil maaga pa ang pasok mo bukas".
Wika nito at lumabas na ng kwarto nila.
Sabagay, sa laki ng kastilyo lahat ng nagtatrabaho dito ay may kanya-kanyang silid sila at napakalaki pa ng silid nila yun nga lang nakapangingilabot ang kulay ng pintura sa halos lahat ng parte nito na puro itim.Kinabukasan........
Maaga siyang nagising at naghanda para pumasok sa kanyang bagong lilipatang paaralan.
Nasa tatlong taon na siya sa kolehiyo at gusto niya sanang doon na lang sa kanyang kasalukuyang kolihiyo gumradweyt pero wala siyang mapagpilian dahil wala siyang naipon na perang pantustos buti na lang biglang sumulpot ang kanyang lola Hunnith at dinala siya dito."Apo, halika kumain ka na at mamaya darating na ang magsusundo sayo papunta sa bago mong paaralan".
Wika nito habang naghahanda ng pagkain sa mesa.
Ang mga katulong kasi dito ay may sariling kusina at hapagkainan. Expected na rin na hindi kasing enggrande ng hapagkainan ng mga royalties dito pero desente rin.Saktong pagkatapos lang kumain ni Ava ay inabisuhan siya ng kanyang lola na handa na ang maghahatid sa kanya.
Lumabas siya ng kastilyo at bumungad sa kanya ang isang itim na sasakyan na naghihintay sa labas ng malaking gate.
Pero sigurado siyang hindi ito ang gate na dinaanan nila kagabi.
Ibig sabihin may gate din pala sa likod ng kastilyo na siyang labasan ng mga katulong.Masukal na daan ang tinahak nila hanggang sa marating nila ang isang napakalaking kastilyo na halos kasing
laki lang ng kastilyong tinirhan niya ngayon.Na amaze siya sa nakita.
Parang totoo talagang nasa eksena siya ngayon ng Harry Potter.
Yung paligid kasi hindi pangkaraniwan halos di sumisikat ang araw dito. Natatabunan kasi ng makakapal at itim na mga ulap.
May malaking plaka sa harapan nito'WELCOME TO CENRED ACADEMY'
'Totoo ba to? Dito ako mag aaral?'
Wika niya sa sarili.Nilibot niya ang paningin sa paligid at inobserbahan ang mga estudyante dahil nangangapa pa siya dito ayaw din naman niyang magtanong sa kanila dahil nakaramdam siya ng kakaiba sa kilos ng mga ito.
"Hija, ikaw ba ang bagong transferee?"
Isang malamig na boses ang nagsalita sa likod niya na agad niyang nilingon.
Nakatayo ang isang may kaitimang babae sa harap niya. Matangkad ito na may kasuotang akalain mong galing sa 18th century.
Kulot ang mahaba nitong buhok at prominente ang matangos nitong ilong.
Mukha itong mabait pero hindi palangiti.Mabait? Dahil naramdaman niya lang.
"Ah yes, madam".
Magalang niyang sagot dito."Follow me".
Nauna itong naglakad at sinundan niya hanggang sa humantong sila sa isang silid na may nakalagay na 'HEADMISTRESS OFFICE'
Pagkapasok nila sa loob namangha na naman siya sa ganda ng desenyo nito. Puro antigo ang kasangkapan dito na may mini library pa sa loob.
"Have a seat".
Wika nito habang sinusuot ang eyeglasses at may hinalungkat sa mga tambak na folders sa ibabaw ng malaking lamesa nito.
Binasa niya ang nakasulat na plaka sa ibabaw ng lamesa.HEADMISTRESS GUIA CENRED
'Siguro siya ang may ari ng academy'
Anang sa isip niya."Ok. This is your schedule..and by the way Miss Pendragon i'm glad you make it here".
Inabot nito sa kanya ang papel bago pa siya umalis ay nahagip ng tingin niya ang isang makahulugang ngiti sa kanya ng headmistress.This is my second story here in Wattpad...
Wanna know about me?
Kindly visit my facebook account @karz DiMarco.
Thanks
BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
WerewolfHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.