2

1.6K 34 1
                                    

🔝 Zion Cenred



















Late na siya ng ilang minuto bago niya narating ang unang klase.
Kaya naman sa kanya natuon ang atensyon ng buong klase.

"Who's that freak?"

"My gosh! She doesn't belong here!"

Narinig niyang bulung-bulungan ng buong klase.
Parang di bulungan dahil pinarinig nila sa kanya.

They're so mean.

"You can't just stand there lady, get in!"
Sigaw sakin nung professor.
Akala ko mukhang mataray lang yun pala mataray talaga0.

Pagkapasok ko naghanap muna ako ng bakanteng maupuan. Buti na lang meron pang tatlong bakante dun sa dulo kaya naglakad ako papunta sana dun pero pinatid ako ng isa kong kaklase na babae kaya napasubsob ako sa sahig. Nagtawanan naman sila sa nangyari sakin. Yung professor naman, walang pakealam sa nangyari sa kin.

Ganito ba talaga dito? Hindi rin uso ang salitang 'introduce yourself' sa bagong estudyante. Nga naman mas pabor sakin yun dahil wala akong lakas ng loob para salubungin ang nakakamamatay na tingin ng mga kaklase ko.

Ganunpaman, tumayo ako at pinagpagan ang suot ko dahil sa alikabok na kumapit sanhi ng pagkadapa ko.
Walang lingon akong naglakad papunta doon.
Narinig ko namang napasinghap silang lahat.

Ano bang problema nila? Bakit nila ako pinag iinitan ng dahil lang sa isang upuan? Ano bang meron? Tsk.

Pinili kong umupo dun sa pinakamalapit sa may bintana.
Nakaka relax kasi ang view doon kita ang malalagong punongkahoy na nakapalibot sa academy.

Hindi pa sila natahimik kahit ako nanahimik na ditong nakaupo. Pinupukol pa nila ako ng masamang titig na kung nakamamatay lang siguro bumulagta na ako dito. Pilit ko silang isinawalang bahala pero mas lalo lang nanlisik ang mga mata ng mga babae dito sakin kaya sa labas na lang ako tumingin para maiwasan ang masama nilang tingin sakin.

Ali na aliw kong minasdan ang labas ng bigla na lang tumili ng malakas ang mga kaklase ko kaya napadako ang tingin ko sa pinto ng classroom.
Yun pala dahil lang sa tatlong bagong dating na lalaki.
Nakatayo ang tatlo sa harap ng pinto habang parehong nakapamulsa.

Waahh, kaya pala. Sobrang gwapo naman nila. Umangat talaga silang tatlo sa iba naming kaklase na lalaki. Yun nga lang parang may kakaiba sa kanila.
I have a bad feelings for them.

"Looks like someones occupying our throne, huh?"
Biglang pahayag ng nasa gilid. Naka jacket siya ng itim at may dimples sa kabilang pisngi.
Cute.
Mukha nga lang chickboy.

"Yeah."
Sang ayon naman ng isa na nakangiti. Sa kanilang tatlo ito ang mukhang friendly pero alam kong taliwas iyon sa character nito.

Tahimik lang yung nasa gitna nila na sa tingin niya ay ang leader . Magulo ang buhok nito na mas lalong nagdagdag ng kagwapuhan dito.
Siya ang pinaka attractive sa kanila. May hikaw siya sa isang tenga at mas matangkad siya sa dalawang kasama.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng dumako ang tingin niya sakin.
Para akong napaso sa simpleng tingin niya.
Wala akong nabasang emosyon sa mga mata niya.
Malamig ito ngunit nakakapaso.

Ano ba tong naisip ko. Tsk.

"Ah miss Pendragon, kindly give the seat to mr. Cenred."
Ha? Sinong Cenred?
Grabe pala dito hindi uso ang first come first serve policy. Grabe lang!

Wala akong nagawa kundi tumayo na lang dala ang aking bag.
Paano na to, wala ng bakanteng upuan.
Umupo naman silang tatlo at yung mukhang leader nila ang pumwesto dun sa inupuan ko kanina.
Di kaya siya yung tinukoy ni ma'am na mr. Cenred?

"Ahm, excuse me professor, wala po akong maupuan eh?"
Kuha ko sa atensyon ng prof namin. Alangan namang tumayo ako dito hanggang matapos ang subject di ba.

"Your problem, not mine".
Di nga?
Grabe siya oh.

Wala akong choice kundi ang tumayo hanggang matapos ang subject na to'.
Nangangalay na nga ang paa ko pero wala akong magawa.
Grabe naman dito hindi patas ang tingin sa mga mag aaral dito.
Wala manlang gentleman na naligaw dito.




*Bell rings*

Sa wakas tapos na rin ang subject na to. Lumabas na silang lahat, ako na lang natira.
Umupo muna ako saglit. Nakakapagod naman palang tumayo ng mahigit isang oras.








ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon