Yesha's POV
3 years later
"Last year na natin dito sa school Yesha pero hindi mo pa din ako pinapayagan na manligaw sa'yo. Antagal na kitang mahal, pero hindi ko pa rin ba napapatunayan?" Brix exhaled sadly.
Graduation na namin ngayon
Ako ang top 1 and guess pang ilan si Brix?
top 3 siya!
" Congrats to us, Brix! " I smiled at him and brush his shirt a little.
" Thankyou sa lahat. Maybe it's time for you to know. " I gave him a small smile. "Sumama ka sa'kin at malalaman mo kung bakit hindi kita pinapayagan na ligawan ako." ngumiti muli ako sa kaniya.Matagal tagal na din. Ngayon na ang tamang panahon para ipakilala ko sa kaniya si Aivie. Kung lumayo man siya, handa na'ko. Three years ko ring pinaghandaan 'to. Hindi naman siya gano'n kahirap mahalin. Pero, hindi pwedeng maging kami lalo pa't may anak kami ng kapatid niya.
Sumakay kami gamit ang kotse niya at ngayon ay p'wede na siyang magdrive nang siya lang. Mas matanda siya sa'kin ng isang taon. Nauna lang talaga ako pumasok kaya same grade level kami. 18 siya at ako ay 17.
Pagdating namin ay naglakad kami papasok sa hindi sementadong daan. Hindi na kasi kaya kung magkokotse pa. Mukha siyang gubat dahil puro puno dito at gano'n pa rin ang itsura ng bahay ni tita Siri.
"Dito ang bahay niyo?" tanong niya, tumango naman ako bilang sagot
" Pasensya na hindi kami mayaman. Hindi maganda ang bahay namin." plain kong sambit, umiling iling siya sa sinabi ko
" ayos lang. Pero bakit liblib ang lugar niyo?" He curiously asked.
"You'll know" sabi ko at naunang maglakad.
mula sa kalayuan ay nakita ko kaagad ang batang naglalaro mag isa sa labas ng bahay. Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo sa'kin.
"Mommyy koo!!" masayang wika niya
" Baby" niyakap ko siya at hinalikan halikan.
" na miss kita, baby ko "
" Ako rin po, mommy " she pouted.
I pinched her cheeks a little that made her giggle.
Nagulat si Brix sa nakita niya kaya napako siya sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa'ming dal'wa ng anak ko.
"Nasaan si Tita Siri?" tanong ko.
"Nasa loob po, tulog. Hihi. Ah! Mommy, sinong kasama mo?" tanong niya nang lumipat ang tingin kay Brix.
" Baby, ahh may ipapakilala ako sayo, classmate siya ni mommy, and best friend na rin at the same time" I smiled at her as she stared at the man standing behind me.
" I thought tita Lea is your best friend mommy ko? " Nagpalipat lipat ang tingin niya sa'kin at kay Brix. She was really confused.
Tuwid na siya magsalita dahil hindi naman siya nakakasalamuha ng mga bata, laging kami lang ni tita Siri ang kausap niya, kaya parang matanda na rin siya kung magsalita.
" Oo nga baby e, pero may isa pa akong best friend." hinarap ko siya kay Brix na nakatulala na nakatingin kay Aivie.
I inhaled a large oxygen and breathe heavily. I'm nervous!
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake [COMPLETED]
Fiksi UmumMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...