CHAPTER 10

7.4K 158 4
                                    

YESHA'S POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa school ay nakita ko agad ang nagtutumpukang mga babae sa may gate. Napalingon ako sa pinaparadahan lagi ng sasakyan ni Brix pag hinahatid sundo siya.

Kakaalis lang ng sasakyan na 'yon.

"Hi "

"Ang gwapo mo"

"May we know your name?"

" p'wede papicture?"

" Anong pangalan mo, pogi?"

"ang hot"

"Bakit ngayon ka lang pumasok?"

"Transferee ka?"

naririndi ako sa mga pinagsasasabi nila. Napakaingay! Didiretso na sana ako sa loob ng school dahil hindi nan ako interesado pero nagsalita 'yung lalaking pinagtutumpukan.

"I'm Brix, okay!?" nagulat ang lahat sa narinig, marahil ay hindi nila iyon inaasahan, dahil simpleng estudyante lang naman si Brix.

Tsk. Parang Drew rin pala 'to si Brix, parehas silang pinagkakaguluhan. Parehas ding naiinis 'pag pinagkakaguluhan.

Sinamantala ni Brix ang pagkagulat nila upang makaalis doon at sabay hawak sa wrist ko.

" Bilis Yesha" kabadong sambit nito, nilngon ko ang mga babaeng nagtutumpukan at nahimasmasan na sila na ngayon ay nakatingin na sa ami  ni Drew. Goshh!

" takbo!" sabi niya at dali dali kaming tumakbo hanggang makarating kami sa classroom. Nagtawanan kaming dalwa nang marating namin ang room.

Nagulat din ang mga kaklase ko nang makita si Brix, pero nang magsimula ang klase ay tinawag siya ng teacher namin at tinanong kaya nagpaliwanag na si Brix na siya iyon at hindi na niya sinabi kung bakit niya ginawa ang pagpapanggap.

'secret niya na lang daw' 'yun kung bakit. tsk. May nalalaman pa siyang pa secret secret ha, e alam ko naman.

Natapos ang buong araw namin  sa school at marami kaming gagawin. Assignments, project, and activities

"Yesha, kung sa bahay ka nalang kaya namin gumawa ng assignments? Di naman siguro magagalit ang tita mo nun ano?" tanong niya. Hindi nga magagalit si Tita pero kasi yung anak ko, di ko pwedeng iwan na lang lagi kay tita yun.

" Hindi pwede Brix e" nasagot ko na lamang.

"But why?" He sounds disappointed.

" May kelangan akong alagaan sa bahay" seryosong sagot ko. Nangunot ang noo nya

" Ano ba? Aso niyo? Pusa niyo? O baka mga daga sa inyo?"  natawa ako sa sinabi niya. Wiw, seryoso? Gan'yan talaga mindset niya?

"Munting anghel, Brix" I said as if giving him a clue, nakita ko naman ang pagka amaze sa mukha niya.

"May anghel sa bahay niyo? woah! alitaptap ba 'yan? Dalhin mo sa bahay, para doon natin alagaan. Sige na" pilit niya pero umiling ako. Abnormal talaga mag isip 'to si Brix.

"Hindi talaga pwede Brix, " giit ko kaya sumimangot siya

" Pero nangako ka sa'kin na tutulungan mo'ko sa pag aaral, 'di ba, Yesha?" malungkot niyang sambit at nagsusumamo ang mga mata na pagbigyan ko siya na doon dumiretso sa kanila.

Sweetest Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon