"Happy Teacher's Day, Ma'am Jhe!!"
Sabay-sabay nilang magkakaklase na bati kay Ma'am Jhe nang makapasok ito sa loob ng classroom nila.
Teacher's day kasei ngayon at magcecelebrate ang buong St. James Academy kaya naman halfday lang din ang pasok nila ngayong araw.
Naisipan din ng buong Fidelity na sorpresahin si Ma'am Jhe at heto nga sila ngayon.
Punong-puno ng mga nakasabit na iba't ibang kulay ng crepe papers ang buong classroom nila at ang board nila ay pinuno nila ng mga short messages para kay Ma'am Jhe.
"Eto pala ang pinagkakaabalahan ng aking mga anak. Maraming salamat sa inyo"
Ibinigay din nila ang kanilang mga regalo na inihanda para kay Ma'am. Sina Mel, Alex at Brent naman ay tumugtog habang sila naman ay kumanta ng pasasalamat para kay Ma'am Jhe.
Masayang-masaya silang lahat at alam niyang ganoon din ang kanilang minamahal na guro.
"Ma'am, pumunta na daw po tayo sa oval para sa activity ngayon"
Sabi ni Vanes na kararating lang dahil may iniutos dito si Ma'am Jhe.
"Okay Fidelity, pupunta tayo ngayon sa oval at dalhin niyo na ang mga importanteng gamit niyo. Bawal magdala ng bag ha? Humanay na kayo sa corridor"
Sumunod naman sila sa sinabi ni Ma'am Jhe. Kasama niya sina Zyrina at Clara. Sama-sama naman ang buong klase na nagpunta sa oval.
May mga upuan naman na naka-set doon at may label din ng pangalan ng bawat grade level saka sections kaya hindi na sila nahirapang maghanap ng pwesto.
"Kumain naman tayo pagkatapos nito"
Pag-aaya ni Clara saka nila ni Zyrina at umiling naman siya.
"Sorry, uuwi ako ng maaga ngayon eh. Kayo na lang ni Zyrina ang kumain"
"Uuwi din ako ng maaga ngayon, gusto kong matulog na lang"
Sabi naman ni Zyrina at tumango na lang si Clara.
"Sige, basta next time ay kain tayo ha?"
"Sure!"
Nagsimula na ang activity nila at ang unang bahagi ay ang pagpasok ng mga teachers.
Ang kasunod naman ay nagpalaro para sa mga teachers. Nakakatawa pa nga dahil ang daming epic fail pero masaya naman.
"Zyrina, Clara, pupunta lang ako ng c.r ha?"
"Sige"
Matapos magpaalam sa mga ito ay tumayo na siya mula sa kinauupuan at nagpunta na sa c.r. Matapos naman mag c.r ay pabalik na sana siya sa pwesto nila nang makasalubong niya sina Brent at Neth.
"Mika!"
Agad na bati sa kanya ni Brent saka ginulo ang buhok niya.
"Brent, naman!"
"Uy, Brent! Mauna na pala ako, kita kits na lang mamaya sa labas ng gate!"
Sabi ni Neth dito saka umalis na at kunot noo naman siyang tumingin kay Brent nang sila na lang dalawa ang magkasama.
"Saan kayo pupunta?"
"Pupuntahan namin si Ma'am Lara, tanda mo pa ba siya?"
Tanong nito sa kanya at agad naman siyang tumango.
"Oo, siya 'yong subject teacher natin sa Filipino noong grade seven"
"At adviser ko rin"
"Pupuntahan niyo siya?"
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Teen FictionOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"