Anna PovAnong oras na!?,, Kailangan kong maabutan ung huling pasada ng bus, ang hirap talaga kapag nagovertime ka, kung diko lang kailangan eh.
Habang tumatakbo sya papuntang terminal ng bus, may isang bus na huminto sa kanya, isang eco bus na sky blue at medyo maliwanag, nagbukas ang pinto neto at dali dali na syang pumasok bago pa umalis ang bus. Pagkapasok nya sa bus ay napansin nya ang kakaibang suot ng driver naka armor ito ng kulay ginto,, may halong pagtataka at pangangamba ang nararamdaman ni Anna, baka mali sya ng bus na sinakyan o baka pang army eto.
Nagaalinlangan man ay umupo na lamang sya sa pinakadulong upuan sa bandang kaliwa ng bus.Habang palayo ng palayo ang byahe ay napansin nyang ibang direksyon ang kanilang pinupuntahan kaya agad-agad syang lumapit sa driver para sabihin na ibaba sya neto, ngunit tumingin lamang ito sa kanya, saglit pa ay nagkatitigan sila at nang umiwas na sya sa titig neto at pumaroon sa pinto ay laking gulat nya na kakaiba ang paligid maliwanag at napapaligiran sila ng tubig, kamuntikan pa syang mahulog ng subukan nyang tumapak sa tubig, saka biglang nagsalita ang driver.
"Alam kong nagtataka ka ngayon sa iyong mga nakikita, at natatakot sa mga magaganap, pero wag kang mangamba dahil hindi kita sasaktan at pababayaan ako ang Deliverer, tawagin mo na lamang ako sa pangalang Heka, ang nakikita mo ngayon ay ang Horizon ang pinakamabilis na daan papuntang Bridge Of Blodeuwedd(bridge of hope)
At ang dahilan kung bakit nakikita mo ito ay kailangan ko ang tulong mo"
-Heka"Tulong!?, Tulong saan??,, Bakit ako??,, Trip moko!???,, Pagod po ako galing trabaho may pasok pa ako sa school at hinihintay nako ng pamilya ko, please lang wag nyo nako idamay sa kahype nyo, gusto ko na umuwi"
-Anna"Huminahon ka, dahil may importante kang misyon na gagawin sa ating pupuntahan,, Ikaw ang napili ko dahil nasa iyo ang mga katangian na hinahanap ko sana maintindihan moko, lahat naman ng ito ay may kapalit sa bawat misyon na iyong matatapos ng matagumpay ay may mga bagay akong ibibigay sayo kapalit ng iyong serbisyo, hindi lamang ito isang ordinaryong misyon marami kang maliligtas sa bawat tagumpay mo, tinatanggap mo ba ang Deal ko sayo"
-Heka"Naguguluhan pa ren ako, pero dahil sinabi mong may katangian kang nakikita sayo pumapayag ako, gusto ko rin makatulong at kumita at the same time, so it's a deal"
-Anna"Bilang patunay ng ating Deal magkakaroon ka ng simbolo sa iyong katawan yan ang nagpapatunay na isa ka nang ganap na Traveler, ngayon paglabas mo sa pintuan ng bus na ito, sisimulan mong linisin ang lugar na iyong pupuntahan, ililigtas ang mga natirang buhay, aayusin ang kanilang tahanan at bibigyan ng bagong buhay, ito ang iyong unang misyon bilang isang traveler magiingat ka at simulan mo na ang pagbuo sa iyong bagong pangalan"
-HekaNarrator
Binuksan na ni Anna ang pintuan sa ibang mundo upang gawin ang kanyang unang misyon.
Ngunit bago pa sya makarating sa Unang Gate ay tatahakin nya muna ang Cave of the Serpents, kweba na nagdudugtong sa lahat ng mundo, ito'y madilim at may malagkit na likidong itim ang bumubuo sa kweba, takot man ay pinagpatuloy ni Anna ang paglalakad hanggang sa makarating sya sa isang gate. Gate to Earth upper Land.