Forgotten Letter

43 2 2
                                    

FORGOTTEN LETTER

Hi. Ako nga pala si Diane, 4th year high school student sa isang catholic school. Mahiyain ako. Siguro dahil na din sa hindi ako maganda at average student lang. Pero kahit na ganoon, active naman ako sa mga clubs sa school. English club, choir, and member din ng school paper. At dito sa mga organization na ito ko nakilala si Mark.

Classmate kami ni Mark since 2nd year. Since then he was my ultimate crush. Tall and handsome si mark (hindi dark, sorry. hehe). Aside from being gwapo, talented at matalino din si Mark. Magaling sa english, magaling kumanta (sobra) at laging nasa top ten, naglalaro lang sa 1st, 2nd o 3rd given na nasa pilot section kami, at magaling din na leader, kaya ganun na lang kalaki ang crush ko sakanya.

Alam ko na sa tingin ng iba, puppy love lang ang nararamdaman ko para kay Mark, pero iba talaga pag nakikita ko s'ya. Lalo na pag lagi kaming magkasama. 

Sa mga organizations na yon ko s'ya naging close. Nung 2nd year kami, pareho kaming member ng English club at school paper. Minsan siyang lumapit sa akin.

Mark: Hi, Diane.

Ako: Uy! Hello!

Mark: Kamusta na?

Ako: Eto, ok lang. Ikaw kamusta?

Mark: Ok lang din.

Kwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Pero awkward para sakin, kasi biruin mo nga kausap mo ang crush mo! Pero chill lang ako. Baka kasi mahalata, hehe.

Dumating sa point na ang pinag uusapan na namin ay tungkol sa best friend ko, si Lisa. Si Lisa ay maganda at talented din, at sobrang bait! Wala ka talagang hindi magugustuhan sakanya.

Mark: Diane, diba magbest friend kayo ni Lisa?

Ako: Oo, bakit?

Mark: Ah, wala lang. Balak ko kasi syang ligawan.

Napatigil na lang ako ng sandali. Di ko akalain na sa lahat ng babae, yung best friend ko pa. :(

Ako: Ah.. Ganun ba. Edi ligawan mo, sus. Bakit mo pa sinasabi sakin?

Mark: Wala lang. Syempre ikaw ang best friend nya. :D

Ako: Ganun ba yun? haha!

Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung araw na yun. Ngumiti na lang ako para hindi halatang nag eemo ako deep inside. ;p

Hanggang sa naging 3rd year high school kami, nawala na ang pagka crush ko sakanya. Nililigawan nya si Lisa nun kaya siguro nawala din. Pero hindi naging sila dahil ayaw pa ni Lisa na magka-bf. Minsan ko ding nakausap si Lisa.

Ako: Lisa, kamusta kayo ni Mark?

Lisa: Anung kamusta kami? Haha!

Ako: Ha? Eh diba nililigawan ka nya?

Lisa: Ah, nililigawan nya ba ako? Haha!

Medyo may pagka luka kasi itong si Lisa. At manhid din. Nakalimutan ko nga pala na marami ding nagkakacrush sakanya na crush ko din. Ang saklap diba? Haha! Pero kahit ganun, love ko pa din ang best friend ko. 

Lisa: Wala naman. Friends naman kami eh.

Ako: aysus... aminin mo. may gusto ka na din sa kanya? hehe.

Forgotten LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon