CHAPTER THIRTY FOUR

388 7 2
                                    

Hello Dearest,

Keep safe lang! Wag pong matigas ang ulo! Patindi na ng patindi ang mga kaganapan dito sa Performance Brothers! Enjoy! I love you all!

Youtube Update:

Keme #45 Neri-act: Daks o Juts Korean Oppa Gulay o Prutas Edition

10 na Oppa muna ah Nerinians! Promise nakakatawa ito! Hindi niyo kakayanin! Hahaha!
Anong gulay o prutas kaya sina
Park Seo Joon
Hyun Bin
Kim Soo Hyun
Park Bo Gum
Jung Hae In
Nam Joo Hyuk
Ji Chang Wook
Gong Yoo
Kai of EXO
Jungkook of BTS

Enjoy watching! Please subscribe na rin po!
#NeriKemeVlog
Link attached in this chapter!

PS: Kapag nag-subscribe po kayo sa Youtube channel ko ay automatic chapter dedication at shout out po ang gagawin ko sa inyo sa future updates. Message niyo lang po ako kung nag-subscribe na kayo. Kung minsan po kasi ay hindi nagno-notify sa Youtube. May mga sorpresa rin po in the future! Thank you dearest! Subscribe na!

Social media updates:

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Thirty Four

"Ericson..." tama ang lalaki nga ang bumungad kay Aimee. Ito ang mukhang nabuo sa sketch ni Fely. Ito ang sinasabing mastermind. Sa pagkakahuli ay Aimee sa pinagtataguan niya at nakaramdam siya ng nerbyos at takot. Hindi niya pa nararamdaman ang ganoon katinding takot sa buong buhay niya. Kaharap niya ngayon ang kriminal na sumira ng kanilang mga buhay.

"A-aimee what are you doing here? Bakit nasa loob ka ng cabinet?" Mahinahong tanong nito. Mahinahon pero nakakapangilabot ang boses nito.

"Ah eh... I am trespassing kaya nagtago nalang ako. Sorry huh? Sige aalis na ako." Saka siya akmang lalabas sa cabinet ngunit pinigilan siya nito.

"Sa dami naman ng magte-trespass ka dito pa? Tell me the truth Aimee. What are you doing here?" Pinanlalakihan siya ng mga mata nito ngunit mababa pa rin ang boses ng lalaki.

"I-im just lost. Ano eh..."

"Lost!" Saka ito nagtaas ng boses. Nagulat siya sa labis na kaba. Tila nagbabago na ito patungo sa isang halimaw. "Don't fool me Aimee. May nalalaman ka ba? Spill it! Bago pa uminit ang ulo ko."

Sasagot palang sana siya nang bigla namang lumabas si Fely mula sa kabilang cabinet at saka nito itinulak si Ericson.

"Hindi ko na kayang ilihim ang kasamaan mo kaya sinabi ko na sa kanya ang totoo!" Bulalas ni Fely.

"Oh! Fely! Fely... Fely... Fely... Ang babaeng pumutol sa ari ni Ardel! Whahahaha!" Para na itong nasisiraan ng ulo.

"Oo. Ako nga. Ako na inutusan mong gumawa non!" Tila wala namang takot ang babae.

"Bakit mo 'yun ginawa Ericson? He trusted you. Pati ang daddy niya pinagkakatiwalaan ka, ng buong pamilya Pineda at ng kumpanya. Bakit? Bakit?" Hindi na nakapagpigil pa si Aimee. Gusto niyang marinig sa mismong bibig nito at lahat ng kasamaan na ginawa nito.

Tumingin ito sa kanya. Umupo ng maayos sa maruming sahig. "Sure Aimee. I'll answer your questions. Siguro nabigyan ka na ng konting background nitong si Fely. Right? Why? Because I fell in love. I fell in love with Ardel "

"Are you gay?" Pagkokompirma niya.

"Hahahahaha!" Humagalpak ito sa katatawa. "Of course! May lalaki bang maiin-love sa kapwa niya lalaki? Bakla ako!"

"Alam niya ba?" She curiously asked.

Napayuko ito. "Hindi. Kahit ako hindi ko rin alam. Akala ko straight ako. Though when I was growing up some said I'm gay. Pero nagde-deny ako. My father is a police officer. Puro lalaki rin kaming magkakapatid. I am supposed to be a man. I was mentally abused by my father and my brothers. Hindi ko malabas kung sino ang tunay na ako! Hanggang sa nakabuo ako ng secret personality ko upang hindi ako masiraan ng bait!" Huminga ito ng malalim. "Back to Ardel, he trusted me so much. Itinuring niya rin akong kaibigan. Until one day, sa Singapore noong um-attend kami ng conference for the company."

..........

Ericson's flashback POV

"Yahooooo! We got the deal Ericson!" Niyakap siya ni Ardel habang umiinom sila sa isang bar. They were celebrating because the conference was a success. Not just that, they close a deal on a Singaporean tycoon.

"Congrats to us!" Tugon niya habang hindi halos makahinga sa pagkakayakap nito. May kakaiba naman siyang nararamdaman sa kanyang dibdib.

"Sana ganito rin ang kapatid kong si Arwynn. Sana siya ang kasama ko sa bawat achievement ng company. Pero masaya akong ikaw ang kasama ko ngayon Eric. You're my friend. Sana di ka magbago." Bulong nito sa kanya.

Lalo pa siyang naguluhan sa kanyang nararamdaman. Hindi niya iyon mapaliwanag.

Pag-uwi nila sa hotel ay inalalayan niya ito. Halos magkahalikan na sila sa pagkakadikit ng mukha nito sa kanya. Pagpasok nila sa kwarto ng kanilang unit ay nangyari na nga ang hindi inaasahan. Ihihiga niya lamang ito ngunit pati siya ay hinila nito sa kama. Nagdampi ang kanilang mga labi. Nanlaki ang kanyang mga mata sa naganap. Gusto pa niyang masundan ang madamot na halik na iyon ngunit kaagad na itong nakatulog. Upang maging komportable ito sa pagtulog ay hinubad niya ang suot nitong polo at pantalon. Hindi niya naiwasang pagmasdan ang pag-aari nito.
Lalabas na sana siya ng silid dahil may sarili siyang kwarto ngunit hinatak siya ni Ardel.

"Dito ka lang Sarah." Bulong nito.

"H-hindi ako si Sarah." Naiinis niyang tugon sa natutulog na lalaki.

"Sarah."

Alam niya sa mga sandaling iyon na hindi na siya makakapag-deny pa. Bakla siya. Bakla nga siya. Naapektuhan siya sa lahat ng nangyari. May sakit din siyang nararamdaman. Sana ay ang pangalan na lamang niya ang sinasambit nito. Tuluyan na sana siyang lalabas ng silid ngunit naisip niyang samantalahin ang lahat. Tinabihan niya ito sa kama. Niyakap naman siya ito. Napakahigpit ng yakap na iyon. Iyon ang mga sandaling ayaw na niyang matapos.

"Sana ako nalang Ardel. Dahil kung hindi, hindi ka mapapakinabangan ng iba." Sambit niya rito.

..........

"Because of those sweet gestures? Really Ericson? Dahil sa mga iyon ay na-obsess ka?" Komento ni Aimee.

"Obsess? That's love!" Galit na tugon nito.

"Obsession 'yon! Kung mahal mo siya hindi mo siya gugustuhing mapahamak pati na rin ang mga taong mahal niya! You're even crazy!"

"Doon ka naman tumama! I'm crazy! Dahil ama ko! Dahil sa mga kapatid ko! At ngayon dahil kay Ardel! Pinaputol ko ang ari niya para hindi pakinabangan ni Sarah! Putang inang babae 'yon! Para maghiwalay na rin sila! Pero hindi pa rin niya iniwan si Ardel! Si Arwynn naman he deserve to die! Wala siyang kwentang kapatid kay Ardel! Wala siyang magandang naitulong dito! Dapat lang na siya ang pinagbintangan noon! Dapat lang din na mamatay na siya! Hahaha!"

Nagtinginan sila ni Fely. Nagsenyasan silang aatakihin si Ericson. Dagli siyang tumalon palabas ng cabinet ngunit pareho silang natigilan dahil bumunot ng baril si Ericson.

"Oooops! What are you planning to do girls?"

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon