si maricar

2 0 0
                                    


   Matagal ko nang napapansin si maricar, simula pa noong bata pa siya. Sabay kasi kami lumaki at para na nga kaming magkapatid. Nasaksihan ko ang lahat ng pagbabago sa kanya mula nang siya ay ipanganak. Nasaksihan ko ang unang ngipin na tumubo sa kanya, nasaksihan ko ang unang beses na siyang nadapa, nasaksihan ko ang unang araw niya sa eskwela, nasaksihan ko ang unang beses siyang nasaktan dahil sa panunukso ng kanyang mga kaklase, at nasaksihan ko rin yung mga gabing umiiyak siya.. sana nga lang may nagawa ako noong mga gabing umiiyak siya.
       Tinitingnan ko ngayon si maricar, nakita ko siyang kinuha ang salamin na nakatago sa loob ng kanyang bag. Pinagmasdan ko maigi yung napakaganda niyang muka, napangiti na lamang ako dahil hindi Makita ng ibang tao ang kagandahan ni maricar. Puro mga kapintasan lamang ni maricar ang nakikita nila. Puro pagkakamali na lamang ni maricar yung nakikita nila. Sana isang araw maisip nila na lahat ng tao ay may angking kagandahan, at ang kagandahan ni maricar ay naiiba.
     Ipinanganak si maricar na may bingot sa bibig at nmagkadikit ang kanyang mga daliri. At ito rin ang naging dahilan kung bakit palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase, nasasaktan si maricar sa panunuksong ginagawa ng kanya, sumusobra na kasi sila. Nakita kong binubuhusan nila ng tubig si maricar habang nagbabasa, nakita kong tinatapunan siya ng kung ano-anong papel lag pumapasok siya sa loob ng silid aralan. At nakita ko kung paano nila pahirapan si maricar dahil sa kanyang kapintasan. Gusto ko siyang tulungan pero papaano? At natatakot ako, ayoko nang dagdagan pa yung pahirap nila kay maricar.
   Habang nanalamin si maricar ay bigla na lamang may humampas ng bag  sa kanyang muka, dahilan para mabitawan niya ito at malaglag. “ano bingot, tingin mo gaganda ka kapag nagsalamin ka?” sabi ng isa niyang kaklase. Nagtawanan ang buong klase at sinimulan nanaman nilang tuksuhin si maricar.
Nang matapos ang klase, dumiretso na si maricar ng uwi. Nang makapasok na si maricar sa kanyang bahay ay sinalubong siya ng kanyang ina at hinalikan siya sa kanyang pisngi. “anak kumusta ang eskwela?” tanong ng kanyang ina. “okay lang po ma” sabi naman ni maricar.
Dumiretso na si maricar sa kanyang kwarto at nag lock ng pinto, umupo ito sa kanyang kama at umiyak. Umiiyak nanaman siya, umiiyak nanaman si maricar. Gusto kong yakapin si maricar pero hindi ko magawa. Gusto kong punasan ang luha sa kanyang mga mata at sabihing “magiging ayos rin ang lahat” pero hindi ko kaya at hindi pwede.
Pinunasan ni maricar ang luha sa kanyang mga mata at tumingin sa salamin. Hinawakan niya ang mga mata niyang lumuluha parin pababa sa kanyang bingot ng kanyang bibig. Lalong lumakas ang pag iyak ni maricar. Hinawakan nito ang salamin at sinimulan nito basagin. Binasag ni maricar ang salamin na nasa kanyang harapan, nakita ko ang nanginginig at dumudugong palad bito. Ngunit bakit ganun nasasaktan din ako? Nararamdaman ko yung hapdi ng sugat sa mga palad ni maricar. Tinignan ko ang aking palad at nakita kong dumudugo rin ito. Ipinikit ko ang aking mata at pag dilat ko ay nasa harapan ko na ang basag na salamin. Lalong bumuhos ang luha sa aking mata nang maalala ko na ako nga pala si maricar. Ako nga pala yung babaeng bingot at magkadikit ang mga daliri. Ako nga pala yung tinutukso ng kantang mga kaklase. Pero ayoko nang matukso ulit, ayoko na ulit umiyak tuwing gabi, kaya pinulot ko ang isang basag na salamin. Tiningnan ko ang sarili ko rito, tiningnan ko ang aking kagandahan na ako lamang ang nakakakita. Itinutok ko ang aking pulso ang bubog ng salamin at pumikit at humiling n asana hindi na ako dumilat.

end


after ko po na i-publish ang maikling kwento na ito ay napaisip ako na gumawa ng kwento na may mga kabanata. naway patuloy nyo pong basahin ang mga kwento na aking gagawin. maraming salamat

YACOB02

si maricarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon