Chapter 33

3.6K 64 3
                                    

"Pumunta ako sa bar kasi nakipaghiwalay na sa akin si jamilla"
Malumanay na sabi ni mondraine kaya nagulat ako

"Ano!? Bakit naman?"
Nagtataka kung tanong sa kanya

"Kasi ng dahil dyan sa magaling mong kakambal...Mas mahal padaw niya si ashton kaysa sakin at mahal din daw sya ni ashton...kaya ayon nakipaghiwalay sa akin"
Paliwanag niya sa akin

"At matagal na daw niya akong niloko ...Noon pa daw sila nag chat-chat ni ashton,text o tawag"

Unbelievable

Pero hindi din naman maipagkakaila na gwapo din si ashton,at may katangkaran din

"Pasensya na sa ginawa ng kapatid ko sayo..."

Naawa ako kay mondraine ngayon kasi akalain mo anniversary nila tas todo effort pa si mondraine para lang masurpresa si jamilla pero sya pala ang nasurpresa

"Wag kang humingi ng pasensya,dahil hindi ikaw ang may gawa"
Malungkot niyang turan nang hindi man lang ako tinignan

"Kahit na...kakambal ko padin sya"
Hindi na sya nagsalita pa
Ng biglang dumating si coach

"Oh magsihanda na kayo"
Biglang saad ni coach

Kaya nagbihis na agad ako ng pambasketball at ganon din sila. Hinati kami ni coach ng dalawang grupo

Ang kakampi ko ay si joshua,Jhan-jhan,at si glein. Ang kakampi naman ni mondraine ay si Kenneth,jofer,at si cleiffer

Agad nang sinimulan namin ang paglalaro

Agad kong pinasa ang bola kay joshua at agad naman iyong sinalo ni Joshua

Bigla naman syang hinarangan ni Kenneth kaya pinasa niya ang bola kay jhan-jhan at agad namang hinagis ni jhan-jhan ang bola

At boom!

Na shoot

Kaya sa kanila naman ni mondraine ang bola

Agad kong binantayan

Pinasa niya kay Kenneth ang bola at inihagis iyon ni Kenneth sa ring

*Shoot

Maganda ang aming laro kasi subrang challenge



Meanieyah POV,

Nandito kami ngayon ni jelen sa canteen kumakain

"Ohh, bess kumusta yung pagkuha mo kay mondraine?Ikaw naman pala pinakuha ni harold?"
Biglang tanong ni jelen nang ngumunguya

"Not okay"
Sagot ko ng hindi man lang tumingin sa kanya

"Bakit"

"Kasi may naakaaway ako don ehhhh"
Kaya nanlaki ang mata niya

"Ehhh anong nangyari?"
Nagtataka niyang tanong

"Nagsuntukan kami"
Walang gana kung turan

"Ehhh marunong kaba sa suntukan?"

Nagsuntukan nga ehhhh

Tumango nalang ako

"Talaga?"
Medyo di makapaniwalang sabi ni jelen

"Oo"

Biglang dumating sila angel,irene,at jamich sa aming table

"Ohhh look who's here! Ang mga demonyo"
Pampaparinig ni jelen sa kanila

"Atleast 'di panget"
Mayabang na sabi ni angel

Tahimik lamang ako. Agad namang umalis si angel, buti di gumawa ng eksena

"Nabalitaan mo?"
Kaya agad akong umiling

"Wala"

"Tskkk....Na hiwalay nadaw si mondraine at jamilla"
Kaya pala,kaya pala nag bar sya,kaya pala naglasing sya

"Ehh ano naman kung hiwalay na sila?"

"May chance kana para kay mondraine"
Kaya ng dahil sa gulat ko sa sinabi niya ay bigla akong nabilaukan kaya kinuha ko agad ang aking tubig na katabi ng aking pagkain at ininum iyon

"Ano bayang mga sinasabi mo...I hate him so much and it will never happen"

"Hmmmmm, it will meanieyah, it will...maraming tao na nagsasabi na the more you hate,the more you love"
Mukhang kinikilig niya pang sabi

"Hindi ako naniniwala dyan"

"Ehh bahala ka,bagay pa naman kayo"

Hindi ko nalang sya sinagot bagkus ay nagpatuloy nalang sa aking kinakain. Pagkatapos ay bumalik agad kami sa aming room

Umupo agad ako ng maayos kasi dumating na si maam

Sa kalagitnaan ng kanyang pagtuturo ay may biglang dumating na lalaki

Hingal na hingal ito

"Maam,maam, may nag-aaway po sa Australia"
Kaya agad na nanlaki ang mata ni maam

"Sige pupunta ako don"
Sagot ni maam

"Bilisan niyo po maam baka ano nang mangyari sa kanila"
Nag-alalang saad ng lalaki

"Sige,class dismiss"
At agad nang sumunod si maam sa lalaki

Dahil wala pang next teacher ay inilagay ko ang dalawang kong braso sa arm chair tas inihiga don ang aking ulo

Ng biglang may sumabunot sa akin. Pagtingin ko ay si angel

Kaya kinuha ko ang aking kamay sa arm chair at sinuntok iyon sa kanyang tyan. Kaya napabitiw sya sa pagsabunot sakin

Akmang lalapit sila irene at jamich ng pinatid ko rin Ang tyan nila kaya natumba sila. Bumangon naman si angel at sinugod ako ng suntok

Ako naman todo ilag lang. Ano bang problema ng tatlong bitches na to, gumawa na naman ng eksena

"Rambol-rambol"
Sigaw ng aking mga kaklase

Walang nagbalak sa maski isa sa aming kaklase na awatin kami

Marunong din pala si angel sa pakikipagsuntukan

"Marunong din pala si panget sa pakikipagsuntukan...Hahaha"
Tumatawang sabi ng isa kong kaklase na lalaki

"Baka di na tayo makabully sa kanya kasi baka susuntukin na tayo...Hahaha"
Tumatawang sagot naman ng isa

Talagang hindi na kasi lalaban na talaga ako kahit sa suntukan payan

Nasuntok ako ni angel sa tyan. Malakas din ang suntok ni angel. Mukhang praktisado

Si irene at jamich naman ay nakaupo na habang hawak-hawak ang kanilang tyan

Akmang susuntukin na ulit ako ni angel nang maunahan ko sya

*Bogshhh

Tumama iyon sa kanyang mukha. Kaya napaubo sya at may dugo na lumabas sa kanyang bibig

To be continued...


The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon