Chapter 3: Hello, Boyfriend!

110 7 1
                                    

Chapter 3: Hello, Boyfriend!

~ Santhy's P.O.V ~

"Bro, may praktis tayo mamaya sa dance troupe. 6:30."

"Ha? Ah, absent muna ako ngayon, bro. May kailangan kasi akong gagawin. Pakisabi na lang kay Sir."

"O sige. Basta bukas andyan ka na ah."

"Ok."

Kasali si Bryan sa dance troupe. Tapos itong pinagpapraktisan namin ay para sa national competition for next year. Kaya pala 'di ako prapraktis ngayon kahit gusto ko kasi ipagtatapat ko na kay Deetry ang nararamdaman ko. Almost 2 months ko na ring pinapadama sa kanya na mahal ko siya. Pero 'di pa ko nakakapagtanong kung puwede maging kami. Ewan ko lang kung manhid po siya. Kung 'di niya alam na nililigawan ko siya those past days. May pa libre libre. Hatid sundo sa bahay nila. Sinasamahan ko pa nga siya activities niya in photo journalism, pati sa assignments tsaka binabantayan ko siya dahil nga sa asthma niya. Group study pa nga kami.

Sana lang sagutin niya ako. I made this day very special with the help of Sheryl and Nick. Minsan lang kami magkakasama nina Anzhelle, Marian at Bryan. Strict kasi minsan parents nila.

"Kapatid, tara na sa field. Wala ng masyadong tao dun. Settled na rin ang stage. Tsaka si Deetry, kasama na niya si Nick. Tara!"

"Okay. Okay. Salamat!"

Dali-daling pumunta kami sa field. Kasama ang ibang kaklase. Ang weird ano? Buti pa ibang kaklase kasama pero yung dalawa hindi.

Tinawagan namin si Nick.

"Hello?"

"Nick, bigay mo na yung map."

"O sige."

"Bye!"

Siguro naman nabigay na Nick ang map. Ang map para matagpuan ni Deetry ang nakalibing na scrapbook na hinanda ko sa kanya.

Scrapbook na ako mismong gumawa. Scrapbok na puro laman ng pictures niya na ako rin mismong kumuha. Sana magustuhan niya.

"San, bumalik ka na sa room. Baka dumating na si Deetry."

"Sigurado ka, Kapatid? Ok lang sa'yo lahat 'to?"

"I'm sure. Sige na. Ako ng bahala."

"Thank you ha!"

Bumalik ako sa room para maghintay. Maghintay nang maghintay.

~Deetry's P.O.V.~

Kasama ko ngayon si Nick sa Burpee's. May ginagawa raw kasi sina Santhy at Sheryl kaya kaming dalawa na muna ang nagsama.

Habang kumakain kami, may tumawag kay Nick. Lumayo siya nang kaunti sa akin pero bumalik rin.

"Ah, Deetry, tumawag yung Mommy ko. Kailangan ko na raw umuwi, kundi bubugbugin na naman ako ng Daddy ko."

"Ganun ba? O sige. Maiwan na lang ako rito."

"Eh kasi, may request sana ako sa'yo."

"O sige. Ano ba yun?"

"May ipapahanap akong importanteng bagay eh."

"Yun lang ba? O sige. Ano ba yun?"

"Di ko rin nga alam. Pero eto oh. May map na nakahanda. Pakihanap na lang ha. Sige, salamat. Bye!"

"Oy! Teka, Nick."

Di niya na ko pinakinggan at tumakbo siya ng mabilis. Ano namang importanteng bagay ito? Hanapin ko na lang nga.

Sabi sa map, pumunta raw akong field. Sa isang poste raw ako mag-uumpisa. Poste na may pulang "X".

Pagdating ko dun, nakita ko ang ibang kaklase ko. Bakit wala si Santhy?Eh bakit siya pang hinahanap ko? Ano ba, Deet? May kailangan ka pang hanapin.

Dance Through The Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon