Chapter 18: Accident

687 36 1
                                    

Quence's Point of View

  INAYOS ko ang suot na hoodie at ipinasok sa bulsa ang dalawang kamay habang patingin-tingin sa mga taong paroo't parito. It's already eight in the evening that's why people are starting to crowd the place. Mas maraming magbabarkada ang narito at mga bata. Nagtatakbuhan, nagtatawanan, maingay at magulo, iyon ang nakikita ko. Lahat yata nang makikita ko ngayon ay may ngiti sa labi at halatang masaya. Who wouldn't be?

Saktong nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko at nakitang seryoso pa rin ang mukha ni manong Dino. He feels uncomfortable and unease. Nakasout na siya ng pambahay at halatang napilitan lang na sumama rito hindi katulad ng ibang mga tao na halatang sinadya talaga ang lugar na ito. Tumingin din siya sakin at nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay bumuntonghininga siya.

"Sandali lang tayo." Turan niya na para bang isa akong paslit na gusto niya lang pagbigyan.

"Sasama ka ba sakin, manong?"

"Saan?"

Tipid akong ngumiti at inilabas ang kamay para ituro ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. "Doon, sasakay tayo."

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo ko at nang makita iyon saglit na namutla ang kaniyang mukha. Nagtagal ang tingin niya at unti-unti iyong ibinalik sakin. Sinapo niya ang kaniyang dibdib na para bang sumikip iyon.

"H-hindi ko yata kaya, ma'am. Dito na lang ako, hindi ako sanay sa mga ganiyan." Nag-aalangan niyang saad.

Tipid lang na ngiti ang itinugon ko bago naglakad papunta sa kinaroroonan ng ferris wheel. Tumakas ako sa bahay para lang puntahan ang peryahan na ito, nadaanan namin 'to kanina ni manong Dino nang bumili ako ng libro sa bookstore. I saw the ferris wheel, sabi ko agad sa sarili ko na babalik ako dito ngayong gabi. Buti na lamang at bumenta ang pagpapaawa ko kay mang Dino kaya pinagbigyan niya ako. Mom is not around, she's invited to a party, I guess. Kaya hangga't maaari ay bumalik kami agad bago pa makabalik si mommy.

Pumila ako at matiyagang naghintay para makasakay. Binayaran ko ang dalawang upuan, gusto ko kasing ako lang mag-isa at wala ng ibang kasama. Pangdalawahan kasi iyon. I smiled when I finally touched the cold steel. I even waited for the last passenger. Kaya nang magsimulang umikot ang ferris wheel nang mabagal agad akong napangiti. Humigpit ang hawak ko sa gilid ng kinauupuan at hinanda na ang sarili para sumigaw dahil unti-unting bumilis ang pag-ikot non. I waited for myself to scream but nothing comes out. Naririnig ko na ang walang humpay nilang tilian at sigawan pero nanatiling tikom ang bibig ko. It feels nostalgic to be here now, parang samu't saring alaala ang bumabalik sakin. It's all about someone.. same person.. and I can feel now the same feeling.

Unti-unti na namang bumagal ang ikot ng ferris wheel. Mabagal sapat para makita ko ang kabuuan ng peryahan at ang mga kumukutitap na ilaw sa labas ng nasasakupan ng lugar. I could feel my heart tightened as flash of memories rushed through my mind. Naririnig ko na ang pamilyar niyang tawa, nakikita ko na ang mapang-asar niyang ngiti at nararamdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko kahit pa wala siya dito at pinaglalaruan lang ako ng sariling isipan. Siguro, siguro kaya gusto kong pumunta rito hindi lang dahil sa ferris wheel kundi gusto kong maramdaman ulit yung saya na naramdaman ko nang nakasama ko siyang sumakay sa ferris wheel noon, pero ibang-iba pala.  It feels nothing compare to the happiness I felt during that day.

Nang tumigil ang ferris wheel at nang makababa ako isang buntonghininga lamang ang pinakawalan ko bago magsimulang lumakad papunta sa lugar kung saan iniwan ko si mang Dino. Naroon pa rin siya at nakatanaw na sakin, matiyagang naghihintay. Sinalubong niya ako ng ngiti samantalang pinilit ko naman ang sarili na ngumiti.

"Uwi na tayo, manong Dino."

Nawala ang ngiti sa labi niya at napailing. Marahil naramdaman niya ang mas lalong pagbigat ng pakiramdam ko. Kaya nang nasa sasakyan na kami hindi na niya ako inimik hindi katulad kanina nang papunta pa lang kami bukambibig niya na mapapagalitan at masisisante daw siya ni mommy.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon