move on BA??

33 2 0
                                    

hindi ito story.....wala lang..

_______________________________________

“Move On ba?

Madali lang yan!”

Ito ang madalas nating sabihin sa mga nagtatangatangahan nating kaibigan.

Pero totoo nga bang madali lang to ?

Oo! Madaling sabihin pero mahirap gawin. Ang bilis-bilis nating manghusga ng nararamdaman ng isang tao, kesyo ang bobo-bobo niya dahil kahit ganun na ang ginawa sakanya ng taong mahal na mahal niya ay hindi niya parin ito kayang talikuran.. Matanong ko lang, nagmahal kna ba? Yung dumating sa punto na nakakagawa ka ng mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo o hindi naman kaya ay nasabi mo sa sarili mo’ng hindi mo kayang mabuhay ng wala sya. Kung naranasan mo ng magmahal ng ganito, siguradong naranasan mo na rin masaktan na akala mo ay wala ng kwenta ang buhay mo at iisipin mo nalang magpakamatay.

Paano nga ba kalimutan ang isang taong pinag-alayan mo.ng buong buhay mo?

Ang isang tao na kasama na sa mga pangarap mo? Ang sakit isipin na napunta lang sa wala lahat ng pinag-samahan niyo. At napako lahat ng mga pangako niya sayo.

Ang hirap kase kahit gusto mo pa siya ipag-laban.. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para sumuko. MOVE ON: dalawang salita, anim na letra pero ang hirap panindigan lalo na kung alam mo na ikaw ang mas nag mahal tapos sasaktan ka lang pala.

Ang sarap ng feeling kapag inlove noh? Parang nasa heaven. Pero ang iba ang klase ng bigat na katumbas nito kapag ikaw ay nasaktan.. ika nga nila Love is like heaven but hurts like hell.

Hindi naman talaga ako nagbago at nagpaka-bittereh. Hindi naman kasi pwedeng habang buhay magpapakatanga ako sakanya. Akala ko nga dati, hindi na ako magkakapag move on, akala ko hindi na ako magiging masaya. Pero nagkamali ako, mas nagging masaya ako dahil hindi ako nawalan ng PAG-ASA.

Tinanggap ko lahat ng dapat tanggapin na kung wala na sya, wala na talaga. Ginawa ko ang lahat ng posibleng paraan na pwede ko’ng gawin. Noon, lahat ng atensyon ko nasa kanya, pero ngayon mas napagtuunan ko ng pansin ang aking mga kaibigan dahil alam ko’ng adyan sila palagi para sa akin.

Minsan, naiisip ko yung mga masasayang araw ng kasama ko pa sya. (Hindi na yata yun maiiwasan). Pero kahit ganun, pinilit ko syang kalimutan, lahat ng bagay na nagpapaalala sakanya, itinago ko na. Hindi ako nagmadali para lubusan ko syang makalimutan. Hindi ako nagwaldas ng pera ko sa kaiinom ng alak dahil alam ko’ng wala rin naming magagawa yun. At lalong hindi ako nanggamit ng ibang tao para makalimot dahil alam ko’ng makakasakit lang ako.

Nasubukan ko’ng maghiganti at magtanim ng sama ng loob sakanya, ngunit sa huli, natanggap ko nalang ang lahat at naging masaya na lamang ako para sakanya.

Hindi ko inisip na mag-isa ako dahil alam ko na mayroon ako’ng pamilya, mga kaibigan at nandyan ang Diyos na kahit kailan ay hindi ako pinabayaan, at alam ko’ng ibibigay din niya ang nararapat para sa akin sa tamang oras/panahon,  yung taong hindi ako iiwan, yung taong hindi ako sasaktan.

Aaminin ko, hindi naman talaga madali ang makalimot, lalo na kung mahal na mahal mo, pero kung hindi mo susubukan, hindi mo mararanasan. Just FORGIVE and FORGET.. Dati Im Bitter, pero ngayon Im Better.

Kaya huwag mo’ng sasabihin na hindi mo kaya, dahil kung nakaya ng iba.. kakayanin mo din ! KAYA MO YAN! Just Move On, Enjoy Life and Be Happy ! :)

move on BA??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon