The Drawing (one-shot)

193 3 7
                                    

A/N: Dinedicate ko to kay Sunshine bilang pasasalamat sa pagpayag na gamitin ang profile picture niyang drawing sa FB. ;) Haha! Salamat! Alam kong makakarelate ka sa RAINE!!!!

This is my first time to write a short story! :) Please feel free to read and be sure to comment…

--------

Jelaine’s POV

Umaga na pala. Ang sarap ng gising ko ahh.  Hmm… Anong araw na ba?

October 28, 2012 na pala at…

-_-

o_-

-_o

O_O

SUNDAY! Sunday na pala ngayon! Hayyy. Okay na sana kasi wala akong gagawin kaso makikita ko rin pala ung lalaki na yun ngayon. Nakakainis! Arghhh! Hindi naman ganito dati eh. Excited nga ako dati tuwing Linggo kasi makikita ko siya pero iba na talaga ngayon…

*Flashback last August*

“Uy girl! Andyan na siya oh! Ibigay mo na ung papel!” paasar saking sabi ng isa kong kaibigan.

“Eh! Ayaw ko na pala. Nakakahiya eh!”

“Ano ba Jelaine! Lapitan mo na kasi. Paalis na oh! Graduating na tayo baka mawalan ka na ulet ng opportunity.”

“Hmmph! Sige na nga!” At nilapitan ko na nga si Ralph, ang aking secret crush since first year highschool.

“Ahh, Ralph. Para sayo oh!” at binigay ko sa kanya ang papel na hawak ko. Ung mga kaibigan naman niya nagsipaglayuan at parang nangaasar pa.

“Ano to?” Painis niyang sabi saka binuksan ung papel.

Kinakabahan ako habang hinihintay ang reaksyon niya…

“Sino nagdrawing nito?”

“Ahh. A-a-ako..”

“Sus! Ang panget naman!” At umalis siya kagad pagkatapos ilagay ang crumpled drawing ko sa bulsa niya na para lang basura.

Ako naman ay naiwan sa kinatatayuan ko na parang tanga…

*End of Flashback*

Ang yabang niya diba?! SOBRA! Pinaghirapan ko siyang idrawing! Pinagpuyatan ko kaya yun! Hindi pa ko nakapagaral para sa Math quiz namin nun! Hindi na nga siya nagpasalamat, nilait pa niya ang aking precious drawing! :< At ang mas nakakairita pa, kahit sobrang naiinis ako sa kanya may gusto pa din ako sa kanya. Yun nga lang ayaw kong nakikita siya dahil naalala ko ung kahihiyan ko na yun.

Anyways, kailangan ko na palang magayos dahil baka malate ako sa Sunday mass ngayon. At for sure, makikita ko siya dun. Lagi kasing nagsisimba sila Ralph (kaya akala ko mabait siya!) sa same na oras na nagsisimba ako.

*Sa Simbahan

Hayy. Tapos na yung misa. Sa wakas. Pwede na kong umalis sa lugar na ito. Hindi naman sa ayaw ko sa mga simbahan pero ayaw ko na kasing titigan – I mean – MAKITA ang gwapo – I mean – PANGET na mukha ni Ralph.

Palabas na ko ng simbahan ng biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay hindi  ko inaasaahang si Ralph pala iyon. Ayaw kong malaman niya na gulat ako kaya pagalit akong magsalita sa kanya para na din malaman niya na naiinis pa rin ako sa kanya.

The Drawing (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon