KABANATA 23

16 4 2
                                    


Kahit na anong gawin ko lagi ko pa ring iniisip si Rose. Lagi akong nagdadalawang isip kung gaganti ba ako kasi ayaw kong magalit si Rose. Pero hindi pa rin mawala ang galit sa puso ko.

“Heneral, handa na po ang mga sundalo sa Fort el Melciano para sa pagtulong sa San Mendoza,” anunsyo sa akin ni Commander Juan.

“Mabuti, ipatawag mo sila Marlon dito ngayon na,” utos ko.

Maya-maya dumating sila Marlon at ang apat pa n’yang kasama na s’yang katiwala ko sa hukbo. “Bakit po heneral?” tanong ni Carlos.

“Pumunta kayo sa San Mendoza, sumama kayo sa mga sundalo. Alam n’yo na ang gagawin ninyo?” bilin ko.

“Opo heneral, makakaasa kayo,” tugon nila.

“Lumakad na kayo ngayon din,” utos ko na agad naman silang sinunod.

May plano ako para pabagsakin si Heneral Fernando. Siguradong ‘yun na ang ikatatalo n’ya sa laro na ginawa nila ni Rose. Sana mapatawad ako ni Rose sa aking gagawin.

“Ihanda ang kabayo,” utos ko.

May mahalaga akong pupuntahan para matapos na ang larong ito. Ayoko nang patagalin at baka hindi ko masikmura. Kailangan kong magtungo kay Inspector Salvador Hemante, ang pinagkakatiwalaan kong imbestigador. Tingnan natin kung hindi masira ang buong dangal mo Fernando
.
***

“Hello general, what’s going on?” bigla s’yang napatayo pagpasok ko ng tanggapan ni Inspector Salvador.

“I want you to inspect the house of General Fernando Diaz. I heard that there are some atomic devices there and he stole it from the America,” sagot ko.

“What? Are you sure, general?” panigurado n’ya.

“Yes I’m sure! Somebody gave me the lead,” sagot ko.

“Ok general, I will going move now. Thank you for your information,” aniya.

“Thank you for your immediate response,” sumaludo ako saka sumakay muli sa aking kabayo. “Wait a minute, once you saw the evidences, take General Fernando at the jail quickly and sent me the day of his trial,” dagdag ko.

“Ok general,” tugon n’ya at pinatakbo ko na ang aking kabayo paalis.

Oras na siguro para umuwi ako sa bahay. Kailangan kong magpahinga mula sa magulo kong mundo. Lalo na’t ang init ng aking dugo ‘di tulad kapag nagagalit ako dati.

Oo nga, hindi na tulad ng dati. Saglit, ako ba talaga ‘to? Baka isang halimaw ang kumukontrol ng katawan ko. Hindi kaya’t kinakain na ako ng aking poot at hangaring maghiganti.

Mukhang mas masahol pa yata ako sa isang mamamatay tao ngunit pumapatay ako gamit ang sariling baril. Gayun na rin sa isip ko, isa na akong mamamatay tao. Ako ba talaga ‘to?

Saglit, noong gabi na nilusob ng Hapon ang San Mendoza, nagpupumilit si Rose na sumama. Noong araw na nasa mansion ako nila Rose  ay dumating si Fernando na may bulaklak. At ang misteryosong kausap n'ya ay si Fernando.

Talaga palang ginamit n’ya lang ako. Pero bakit hindi pa rin ako sumusuko at lumalaban pa rin? Alam ko naman na wala na talaga akong pag-asa. Baka galit na lang ang s’yang tumutulak sa akin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang hirap mag-isip. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko para mapasaakin si Rose. Hindi naman pwedeng humantong ang lahat na makakapatay ako ng tao.

Bahala na kung anong manyayari. Gusto kong mapanood na makulong si Fernando at mabulok sa kulungan. Dahil hindi n’ya alam na pinlano ko ang lahat. Kaya humakbang ako papalapit sa kabayo saka sumakay at pumunta sa mansion nila Fernando.

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon