Agad akong nagbihis pagkahapunan, hindi ako mapakali dahil baka sinaktan na nila ang pamilya ni manong. Agad akong lumabas at sinalubong ako ni Komandante Juan. Sumakay ako ng kabayo saka umalis.
Habang nasa daan, parang ang tahimik pa rin tulad ng kahapon. Kailangan kong mag-ingat dahil baka bigla na naman akong salakayin dito. Pinatakbo ko ng mabilis ang aking kabayo patungo sa Ilog ng Makasalanan.
Saktong-sakto lang ang dating ko pero wala pa ring tao sa paligid. Pero nahulog ako sa kabayo nang may bumaril sa akin sa kanang braso. Pagtayo naman ay bigla na lamang nandilim ang paningin ko na halos wala akong makita.
***
“Kamusta heneral,” nagising ako na wala sa sarili.
Sumasakit ang ulo ko at kumikirot pa rin ang tama ko sa braso. Tumingin ako sa paligid at ang tumambad sa akin ay isang lalaki na may salakot sa ulo.
Nakatali ang kamay at paa ko dahilan para hindi ako makawala at manlaban. Mukhang nasa isang tambakan ako dahil punong-puno ng mga abandonandong mga kasangkapan ang paligid.
“Sino ka at nasaan ang pamilya ni Manong Pedro?” tanong ko.
“H’wag kang masyadong mainip heneral. Makikita mo rin sila mamaya sa harapan kaya kumalma ka muna d’yan,” sagot n’ya.
Kahit anong gawin kong kalikot sa tali ay hindi ko makalas. Nakaupo lang ako dito sa upuan habang binabantayan ng lalaking may salakot sa ulo.
Bakit hindi dumating kaagad ang mga sundalo ko? Baka hindi nila ako naabutan? Kung mamalasin, paano ko maililigtas ang pamilya ni Manong Pedro kung nakatali ako.
Maya-maya may pumasok sa silid kung saan ako nakatali. “Magandang gabi aking pamangkin,” nagulat ako nang makilala kung sino s’ya, si Tiya Louda.
“Walang hiya ka! Pakawalan mo ang pamilya ni Pedro ngayon na!” umalingawngaw sa buong silid ang boses ko.
“Bakit? Bakit ko gagawin ‘yun? Ikaw nga pinatay mo ang anak ko ng walang awa,” aniya.
Tumango s’ya sa may lalaking may salakot at agad namang kumilos ang lalaki. Sinuotan n’ya ako ng salakot sa ulo. Pero walang hiya hindi ako makahinga nang buhusan nila ako ng tubig.
Nang tumigil sila ay nagsalita muli ako, “bakit ‘di mo na lang ako patayin kaysa pahirapan mo ako ng ganito?”
“S’yempre dahil ipaparamdam ko muna sayo ang sakit bago ka mamatay,” ngumisi s’ya.
Muli n’yang tinanguan ang lalaking may salakot at sinuotan ako ng lubid sa leeg. Dios mio hindi ako makahinga! Hinila n’ya ang tali na nakasabit sa kisame dahilan para mamlambitin ako.
Kahit anong pumiglas ko hindi ako makawala. Binaba n’ya ang tali saka sinimulan na bugbugin ako. Tadtad ng pasa ang aking mukha at lumalabas na rin ang dugo ko sa bibig, ilong at kilay.
Nanginginig ang buong katawan ko sa lahat ng ginagawa nila. Tumigil s’ya sa pagbugbog sa akin saka inilabas ang isang latego. Para bang tinik na hinihila ang balat ko habang hinahampas n’ya ako ng latego.
Sumasama ang laman ko at nagsusugat na ang buong katawan ko. Halos hindi na ako makagalaw sa sobrang sakit. Kailangan kong tiisin ang mga ‘to dahil kapag nawala ang buhay ko ay wala ng inosente ang s’yang mamamatay ng dahil sa akin.
Hinawakan ng lalaki ang lubid na nakatali sa kamay ko saka itinali ‘yun sa lubid na nakasabit sa kesame. Hinila n’ya ‘yun at namilipit ako sa sakit. Nabali ang braso ko, hindi ko na maigalaw ang braso ko. Punong-puno na ako ng dugo at patuloy pa ring naliligo sa sarili kong dugo.
Ibinaba nila ang tali at humandusay ako sa sahig. Pumasok ang maraming lalaki at sinimulang pagsipa-sipain ako. Dumudura na ako ng dugo at hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Napapapikit na lamang ako habang umaagos ang dugo ko sa aking mata.
“Tumigil na kayo,” utos ni Tiya Louda na muling pumasok sa silid. “Ipasok ang mga ‘yan,” utos n’ya.
Nakita ko ang mga duguan na katawan ng buong pamilya ni Manong Pedro at para bang binabagabag na ako ngayon ng aking konsensya.
“Sabi mo hindi mo sila sasaktan!” pilit kong sambit.
“Gusto kong mamatay ka muna sa konsensya mo bago ko tuluyang paslangin ang buhay mo,” sagot n’ya. “Para mamatay ka sa konsensya, papatayin ko ang bawat isa sa kanila bawat araw, sa harapan mo mismo,” dagdag n’ya.
“Walang hiya ka! Inosente sila!” kahit na nahihirapan na akong magsalita ay sinusubukan ko pa rin.
Wala kang kasing sama Louda. Wala silang kasalanan kaya bakit kailangan nilang magdusa ng dahil sa akin? Hindi dapat ako nagtiwala sayo.
Nagulat ako nang tumumba si Manong Pedro at umalingawngaw ang putok ng baril. Hindi ako makagalaw at masamahan ang kanyang mga anak sa pagyakap sa kanya. Punong-puno ng dugo ang katawan nilang pamilya pero kahit sugat-sugat ang katawan nila ay pinilit nilang lumapit sa nakahandusay at walang-buhay na katawan ng kanilang ama na si Manong Pedro.
Patawarin mo ako manong dahil sa akin ay nakitil ang inosente mong buhay. Pero paano naman ang kaawa-awang buhay ng anak ni manong. Hindi pwedeng mamatay sila, pero ang sakit! Nahihilo ako matapos ako hampasin sa likod ng isa sa kanila.
***
Pagmulat ko ng mata para bang bumaliktad ang mundo. Nakalambitin ako ng patiwakal at sa ilalim ko ay isang balon ng tubig. Naaalala ko kung paano ko patayin si Fernando sa pamamagitan nito.
Unti-unting ibinababa nila ako hanggang sa malublob ako sa tubig. Hindi naman ako hangal para magpumiglas, hindi na lamang ako hihinga. Pero ilang segundo na pero hindi pa rin nila ako inaangat.
Pinilit kong igiling ang katawan ko at magpumiglas. Unti-unti nang naninikip ang dibdib ko. Pero ngayon inangat na nila ako. Talagang papahirapan nila ako rito at hindi nila hahayaan na mabuhay pa ako. Ganto pala gumanti si Tiya Louda, masyadong marahas. Talagang malaki ang galit n’ya sa akin.
Nagising ako sa mga tunog ng kuliglig at yapak ng kabayo. Nakatali pa rin ang kamay ko at nakatakip ang aking mata. Siguradong nasa lupa ako dahil madamo.
“Patakbuhin n’yo na,” rinig kong utos ni Tiya Louda.
Halos mamilipit ako sa sakit at kumikirot ang sugat ko. Pinakaladkad nila ako sa kabayo at tumatama ako sa matutulis na bato. Pinatalon n’ya ang kabayo dahilan para tumama ang ulo sa lupa.
“Hindi lang ‘yan ang kaya kong gawin heneral, ilabas ang tatlong panganay na anak ni Pedro,” tinanggal nila ang takip sa mata ko at nakita kong nakahanay ang tatlong anak ni manong at nakaluhod sa lupa.
Nabingi ako nang walang tigil nilang paputukan ng baril ang mga anak ni Manong Pedro sa harapan ko mismo. Sabay-sabay silang tumumba sa harapan ko. Lahat ng ito ay dapat ako ang sisihin.
To be continue...
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romansa"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...