KABANATA 34

22 4 2
                                    

“Ipahanda lahat ng hukbo. Aalis tayo para tugisin ang mga masasamang kriminal na ‘yun,” utos ko.

“Masusunod heneral,” tugon ng isang sundalo.

“At paki-handa na rin ang kabayo ko,” dagdag ko saka sumaludo s’ya at umalis para kumilos.

Ito na ang oras para ipatapon ang tulad nila sa kulungan. Hindi magtatagal ay mababayaran na rin nila ang kanilang kasalanan.

“Handa na po lahat heneral,” anunsyo niya.

Sumakay ako sa aking kabayo at umalis kasama ang daan-daang sundalo para lamang hulihin sila Donya Louda. Ngayon wala nang makakapigil sa akin.

“Mahahati kayo sa tatlo, ang isa ay huhulihin si Hukom Diaz, ang pangalawa ay si Inspector John at ang pangatlo ay sasama sa akin para hulihin ang Pamilya Diaz,” paliwanag ko saka kami nagpatuloy sa daan.

Halos lahat ng tao ay nagtataka sa bawat daanan namin. Nagkalat ang alikabok dahil sa mga kabayo na sakay namin. Tumutunog din ang mga baril dahil sa kaliskis nito.

“Buksan ang tarangkahan!” papalapit pa lamang kami ay ipinag-utos na ni Leomero ang pagpapadaan sa amin.

Lahat ng ito ay maayos at walang butas para mahuli namin si Donya Louda. Pinapalitan na rin namin ang tatayong hukom para ‘di sila makatakas sa hatol ng batas. Sisiguraduhin ko na wala na silang takas sa pagbabayad ng utang na buhay na kinitil nila.

“Kumalat kayo sa buong Hacienda Diaz. Siguraduhin ninyong wala silang lalabas,” utos ko at naghiwa-hiwalay kami para palibutan ang buong hacienda.

Doon kami tumungo sa harap kung nasaan ang tarangkahan ng hacienda. Hinarap kami ng mga sundalo ngunit nang makita ako ay nagpaputok ang mga ‘yun.

“Labanan ninyo, ang mahalaga mahuli natin si Donya Louda. Kailangan mabuksan ninyo ang tarangkahan para makapasok tayo!” utos ko.

“Pero heneral, maraming nalalagas sa hanay natin. Masyadong mahigpit ang seguridad nila,” ani ng isang sundalo.

“Hindi problema ‘yan!” dinig naming sigaw mula sa likod. “FIRE!” nagpaputok sila ng kanyon dahilan para may madaanan kami.

Dinig pa rin sa paligid ang putukan dahil hindi pa rin natitinag ang sundalo ni Donya Louda. Pero hindi rin ako susuko para mahuli s’ya.

“Sige pasukin na natin sila!” utos ko.

Kabila’t kanan ang putukan at ang pagsabog. Sinubukan naming pumasok sa hacienda pero maraming nalalagas sa hanay namin. Kailangan hindi kami matalo kung hindi makakatakas si Donya Louda.

“Pasukin n’yo ang mansion at hanapin si Donya Louda at Heneral Clark!” utos ko.

Nasa harap kami ng kandadong pinto ng mansion. “Sige sirain n’yo,” utos ko at agad nilang hinampas ang pinto dahilan para tuluyan itong bumukas.

“Heneral!” tawag sa akin ni Commander Juan. “Mukhang alam ko kung saan sila nagtatago. Sa ilalim ma lihim na labasan kung saan ako lumabas kagabi,” aniya.

“Sige, ang iba maghanap sa taas at sa baba. Kami ni commander ay sa sikreto nilang lagusan kasama ang ilang sundalo. Kilos na!” utos ko.

Hindi pa rin matigil ang putukan sa labas at hindi matinag ang paglaban ng mga sundalo ng mga Diaz. “Heneral! May paparating pang mga sundalo!” anunsyo ng isa.

“Kainis! Mukhang nagsanib pwersa ang mga Amerikano ngayon!” huminga ako ng malalim. “Pumunta ka sa Fort el Melciano, papuntahin lahat ng tangke at eroplano. Simulan na ang digmaan!” utos ko.

“Heneral dito na. Mukhang dito nga sila lumabas dahil nakabukas,” turo n’ya sa nakauwang na sahig.

“Pasukin n’yo bilis!” utos ko.

“Saan ang labasan nito commander?” tanong ko.

“Sa likod heneral,” sagot n’ya.

“Sa likod tayo pupunta. Kailangan bilisan natin,” ani ko.

Tumakbo kami palabas at nagkalat ang mga duguan na sundalo. Inaatake na rin kami mula sa harap at likod. Mukhang naipit kami! Pero mamaya ay darating na rin ang hiningi kong tulong.

“Heneral! Ayun sila!” turo n’ya sa dalawang tumatakbo palabas.

“Hayaan mo, may bantay tayo roon,” paubaya ko.

“Bumilang ka ng tatlo. Tatlo… dalawa…” sabi ko at nagsilaglagan mula sa kalangitan ang mga bomba na s’yang sumira sa mga pader.

Dumating na rin ang tulong kaya sila naman ang naipit. Nagkalat ang dugo at bangkay ng sundalo ng bawat hanay. Unti-unting nauubos ang mga sundalo kaya sinyales ‘yun na mananalo kami.

“Heneral! Naging payapa na,” ani Juan.

“How dare you to touch me? You didn’t know who am I. I am a general!” dinig kong reklamo mula sa papalapit sa amin.

“Hoy Eduardo! Napakawalang-hiya mo! Pakawalan mo kami dahil wala kang sapat na ebidensya para paratangan kami!” reklamo ni Donya Louda.

“Walang sapat na ebidensya? ‘Yun ang akala mo dahil lahat ng kasangkot dito ay inilaglag ka na, oras na para makulong ka at magbayad. And you general, you are no longer general because you will die soon,” ani ko.

“Hindi mo kami mapakukulong Eduardo!” hiyaw ni Donya Louda.

“Noon ‘yun, noong may kasangkot ka pa sa hukuman. Ngayon wala na dahil hindi mo alam, nagbago na at kontrolado ko na ang nasa paligid ko,” tugon ko. “Dalhin na ‘yan sa kulungan,” utos ko saka s’ya isinakay sa kalesa at umalis kasabay ang daan-daang sundalong bantay n’ya para ‘di makatakas.

***

“Nasaan ang ibang sangkot?” tanong ko sa mga sundalo.

“Nasa kulungan na po sa Fort el Melciano. Bantay-sarado po at walang takas,” sagot ng isang sundalo.

“Paki-sabi sa hukuman na gusto ko ng panandaliang paghuhukom bukas mismo,” utos ko at agad s’yang umalis.

Mukhang tuloy-tuloy na ang lahat. Nahuli na ang mga sangkot at nalikom na lahat ng ebidensya laban sa kanila. Tingnan natin kung hindi kumunot ang buntot nila.

“Heneral! May gustong kumausap sayo,” anunsyo ng isang sundalo.

“Sino raw?” tanong ko.

“Si Binibining Rose Blue po naririto dahil gusto ka raw pong kausapin,” sagot n’ya.

“Sige papasukin mo,” utos ko.

“Magandang araw Eduardo,” bungad n’ya pagkatapak sa mansion.

“Magandang araw rin binibini,” tugon ko.

“Paumanhin sa nagawa ko noong araw na dapat ikakasal tayo,” aniya. “Gusto ko sanang magpaliwanag,” dagdag n’ya.

“Hindi mo na kailangan magpaliwanag dahil alam ko na ang lahat,” lumapit ako sa kanya saka s’ya hinalikan sa labi.

Hinahanap-hanap ko ang tamis ng halik ni Rose. Masaya ako at muling pinagtagpo ang mga labi namin. Gumanti s’ya ng halik dahilan para mapatunayan ko na totoong mahal n’ya ako.

“Maraming salamat aking sinta at nalaman mo na rin ang totoo,” aniya pagkalayo ng aming mga labi.

“Kahit na masakit ang naramdaman ko n’un ay masaya ako dahil alam ko na ang dahilan,” ani ko.

“Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?” tanong n’ya.

“Ano?” tanong ko.

“Ang tunay na pag-ibig ay nasusukat sa sakripisyo. Sinakripisyo ko ang aking kaligayahan na makasama ka dahil mahal kita. Alam kong masasaktan ka pero kailangan kong isakripisyo ‘yun para hindi ka mamatay,” paliwanag n’ya.

“Ang tunay na pag-ibig sinta ay ang hindi pagsuko hanggang sa huli. Alam ko na ang kahulugan ng pag-ibig dahil sa iyong pinakita. Ang pag-ibig ay ang pag-iisip sa kalagayan ng iba,” muli kong idinikit ang labi ko sa kanyang labi para muli s’yang halikan.

To be continue...

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon