Kabanata XV-Pakikipagusap

454 23 0
                                    

Hindi mapakali si Anyeras,kanina pa nito hinahanap si Ayra.Hindi niya ito makita kahit saang sulok ng mansion,labis na ang kanyang pag alala ngayon, hindi niya alam kung saan ito nagtungo.Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya kung saan ito pumunta.

Sinubukan rin niyang magtanong kina Adonis at Victor,ngunit maging sila ay hindi nila ito nakita.

"Nasan na bang batang yun?"pag alalang tugon ni Anyeras,habang pilit sinusuyod ang buong sulok ng mansion.

Naisip rin niya na wala itong dahilan upang biglang umalis ng mansion at lalong lalo na't hindi ito nagpaalam sa kanya.

Habang naglalakad siya sa mahabang salas ay nakasalubong nito ang Heneral.

"Anyeras,anong ginagawa mo rito.Akala ko ba inaalagaan mo si Juancho?"tugon nito.

"Heneral,nais ko po lamang itanong sa iyo kung nakita niyo ho' ba si Ayra"mahinang saad niya,nagbabakasakali si Anyeras kung nakita ba nito ang hinahanap niya.

"At bakit mo naman siya hinahanap?!"malakas na boses nito.

"Kailangan ko siyang makita Heneral sapagkat siya lamang ang tanging nilalang na makakagawa ng misyon."pangungumbinsi ni Anyeras.

"Nagpapatawa ka ba?Hindi siya karapat-dapat na gumawa ng misyon,sapagkat ang kanyang ugali hindi ko nagustuhan at lalong lalo na hindi iyun karapat-dapat sa akin bilang isang Heneral."

"Ngunit heneral,hanggang kailan pa ba?..Hanggang kailan pa ba tayo dito maghihintay...Hanggang may muling mga taong makadiskobre sa ating mansyon at salakayin tayo muli?"

Nanaig ang katahimikan sa buong paligid.

"Nirerespeto ko ang mga disesyun niyo Heneral noon paman,ngunit patawarin niyo po ako kung lalabag ako sa magiging disesyun niyo aa pagkakataon na ito.Sana matauhan na kayo"huling tugon ni Anyeras,bago nito iniwan si Heneral.

Hindi mawari ni Anyeras,kung bakit ang tanging pag-asa lamang nila ay tatanggihan pa ng Heneral.Siguro ito na ang panahon para si Anyeras naman ang masusunod,dahil sa hindi na nito matiis pa ang makasariling ugali ng Heneral.

Ayra POV.

Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko,hindi ko rin masyadong maigalaw ang buong katawan ko.Pakiramdam ko medyo nahihilo parin ako.
Ibinuka ko ang mga mata ko,medyo malabo ang paningin ko kaya kinusot ko ito gamit ang mga kamay ko.

Nang luminaw ang buong mata ko ay nabigla ako sa nakita ko.Nandito ako ngayon sa silid ko noon,natatandaan ko pa ang silid na ito kung saan unang nakita ko sina Anyeras,Juancho at Adonis.

Bakit ako napunta dito,saglit lang bakit ako nakabalik ng mansion.

Hindi ko pa masyadong natatandaan ang nangyari sakin,ang tangi ko lang naalala ay hinahabol ako ng mga lobo at hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari.

Natutulala parin ako sa naging bangungot ko kagabi,at iniisip ko rin si Aling Florisca.Sana ligtas lang siya,sana nakauwi siya sa bayan ng buhay.

Hindi ko rin naman magawang bumalik sa gubat,ayukong muling habulin na naman ako ng mga halimaw na lobo dun.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko,iniisip ko parin kung paano ko ipapaliwanag kay Anyeras ang buong pangyayari.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagkatok ng pinto,at tsaka bumukas ito.

"Mabuti at gising ka na Ayra"nakangiting tugon ni Anyeras.

"Anyeras,ano po bang nangyari sakin."pagtatakang tanong nito.

"Wala ka bang natatandaan Ayra?" pagtatanong nito.

Napailing iling ako sa naging tanong ni Anyeras.Kahit pilit ko mang isipin ang buong nangyari kagabi,ngunit wala akong naalala maliban sa hinahabol ako ng mga lobo.

Nagtataka rin ako kung bakit ako nakarating at nakabalik dito sa Mansion.

"Anyeras,alam mo ba kung sino ang nagligtas sakin?"pagtatanong ko sa kanya.Nasisigurado akong may alam si Anyeras,kung sino ang nagdala sakin dito pabalik sa mansion.

Ilang sandali kong inantay ang kanyang maging sagot ngunit walang salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"Malalaman mo rin, Ayra.Magpahinga ka muna."ngumiti siya sakin.

Bakit ayaw niyang sabihin sakin agad.Sino bang tumulong sakin.Sino ba tong nilalang na may mabuting loob at dinala ako pabalik rito sa mansion.Hindi ko naman iisipin na si Anyeras ang nagligtas sakin,ngunit sino?.

Bumalik na ako sa pagkakahiga ko at magpahinga muna,baka pagising ko mamaya maalala ko na.

.......


"Hindi pa ba sapat na iniligtas ko siya?"pasumbat na tugon nito.

"Pakiusap na po Heneral..pagbigyan niyo na po kami.Diba gusto niyo rin po siyang makausap?"pagmamakaawang tugon ni Adonis.

Nasisigurado ni Adonis na kapag siya ang makikiusap sa Heneral ay siguradong pagbibigyan siya nito.

"Pag-iisapan ko..."

......

"Ayra!!..Ayra!!!..Gumising ka na!!"

Nabulabog si Ayra sa pagsisigaw ni Adonis ,parang natataranta ito.Agad itong pumatong sa katawan ni Ayra at inalog alog ito.

"Ano ba Adonis,ang ingay ingay mo.."pagrereklamong sabi ni Ayra.

"Kailangan mong maghanda para mamaya!!"na e-excite na sigaw niya.

Siguro ito na ang tamang panahon na inaantay nina Adonis.

"Ano bang meron mamaya?"tinatamad na tanong nito.

Hirap pa siyang kumilos at medyo napapagod pa si Ayra, wala pa siyang masyadong lakas upang tumayo.

"Makikipag-usap sa'yo ang Heneral mamaya sa hapunan."malakas na sigaw nito.

Agad napabalikwas si Ayra sa kanyang hinihigaan nang marinig sinabi ni Adonis.

"Ano!!!"

.......

Ito na ang panahon na kinasasabikan nina Adonis,ang panahon na inaantay nila.

Ano kaya kahahantungan ng pag-uusap ni Heneral Ansilmo at Ayra.

Abangan...



Don't forget to vote.Thank you!

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon