"Walang hanggan Kitang pupurihin
Walang hanggang sasambahin..." Awit ko,ito yung unang worship song na natutunan ko,ang ganda kasi,ang sarap pa sa puso.Lam mo yun?Kaso nakalimutan ko kasunod..ano kasi yon.
"Sarah?Ano kasi kasunod no'n?" tanong ko sa nakababata kong kapatid.
"Pagkat laman ng puso kong ito ay mamalagi Sayo,tas ulit lang ate ganon" paliwanag nya
"Ahh ok sige sige salamat" at pinagpatuloy ang pagkanta.
Heto ako ngayon naghuhugas ng pinggan,kakatapos lang naming kumain, Sunday ngayon at ito na ang ika-anim na beses naming umattend,kasama narin namin sina kuya at ate ang saya diba?
Pero si tatay hindi pa :(
Pero sana magtuloy-tuloy na'to at makasama narin namin sya.
Hinanap-hanap ko talaga yung pakiramadam na naramdaman ko nung una akong umattend.
Ewan ang saya.
Lalo na do'n sa word of God,lahat naman gustong-gusto ko.Lalo na yung part na ministering ba yo'n?
Yun.
Nakwento ko rin kay mama yung naging pakiramdam ko and she said it's the presence of God.Si Lord yon!
Hindi ko talaga ma-explain ang saya.
Akala ko dati may Diyos lang pero di ko alam na pwede mo pala Syang maranasan.
Napakapalad ko ^_^
May mga bago narin akong kakilala, matapos ang apat na taon mula nung lumipat kami dito sa wakas.
Nakilala ko yung sa music team.
Si Ate Lily yung naglilead sa worship.
Si kuya Ed yung guitarist.
Si kuya Sol yung drummer tapos si Joseph yung bassist.Nakilala rin namin si Pastor Albert,pero gusto nya na itawag namin sa kanya tatay.Ang saya diba?
Nagkaroon ako ng ate,kuya at tatay sa church,pati pala mga tita. ^_^
Minadali ko na paghuhugas ng pinggan baka kasi online na si Trem.
Matapos kong maghugas,pinatuyo ko na agad kamay ko at kinuha ang phone at naupo na sa may sofa para makapanuod narin ng tv.
Multi-tasker yata to.
Wait,log-in Cassy Jeon.
Chat.
Patingin nga.
Active Friends
Aya Montefalco•
Cassy Zion•
Drake Montellio•
Zeke Lopez •
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tremis Jeon •
.
.
.
.Ay aba,himala maaga yata syang nag-online mag-aalas-otso palang naman ah.
Huh?
Kulay green na tuldok sa tapat ng name ni Trem?
Waaaaaah,online na syaaaaaaaaaaaa!
Tekaa.
Wait.
Sandali!
Yung puso ko.
'Kalma self,kalma ok?'
'Wait'
Maiiyak nakoo.
Dali-dali kong binuksan message nya.
YOU ARE READING
Only by Grace
Espiritualgrace /ɡrās/ See definition: the free and unmerited favor of God, as manifested in the salvation of sinners and the bestowal of blessings.