Prologue

33 1 0
                                    

Napabuga ako ng isang marahas na hininga matapos kong maiparada ang aking sasakyan. Ipinilig ko pa sa kaliwa't kanan ang leeg ko dahil sa kapaguran bago ako bumaba ng kotse.

Kagagaling ko lang sa aking trabaho at natagalan pa sa aking nakasanayang pag-uwi dahil nag over time pa. Gutom na gutom na rin ako kanina pa at parang matutumba na ako ano mang oras kung hindi ko lang pipilitin ang sarili kong tumayo ng tuwid.

Naabutan ko ang aking mga magulang na nagtatawanan sa sala. Nandoon din ang ang dalawa kong kapatid na babae at lalaki at kasama nito ang kani-kanilang mga asawa at anak. Napangiti ako. Masaya ako para sa kanila dahil alam kong masaya sila sa kanilang sariling pamiya.

I sighed dreamy. When is the time that I'll be having a happy family like them?

Ipinilig ko ang aking ulo kapagkuwan at napabuntong hininga.  Kahit naman ang pinakamatalinong tao sa mundong ito ay alam kong hindi masasagot ang tanong ko. At isa pa, alam kong darating din naman ang para sa akin sa tamang panahon. Sigurado ako riyan.

Malapad akong napangiti nang makita kong naroon din si Lola. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair at nakikipagtawanan din. Lahat ng pagod na nararamdaman ko sa aking katawan ay parang bulang nawala nang marinig ko ang masaya niyang tawa.

Minsan ko lang makita itong si Lola kaya naman sobrang saya ang nararamdaman ko tuwing nagkikita kami. Ilang beses na ngang kinumbinsi nila Papa at Mama pati na rin ng iba ko pang mga Tiya't Tiyohin para rito o 'di kaya'y sa kanila na lang patirahin si Lola pero ayaw naman nito. Bukod sa mga katulong nito ay wala na itong ibang palaging kasama sa bahay nito. Namatay ang Lolo limang taon na ang nakaraan. Ani Lola ayaw naman niyang iwanan ang bahay dahil isa raw iyon sa mga ala-ala niya kay Lolo dahil doon daw sila bumuo ng isang pamilya.

Mabilis akong naglakad patungo sa kinaruruonan nila.

"Lola!" patili kong bati kay Lola saka ko siya niyakap.

Napangiti naman siya ng matamis saka ako ginantihan ng yakap. "Camilla, apo."

"Mabuti naman po at napadalaw ka, Lola." sabi ko pagkatapos kong magmano.

"Oo dahil naasiwa ako sa katahimikan ng bahay." natatawa niyang sagot.

Lamapit ako sa mga magulang ko at niyakap din ang mga ito upang pagbati.

"Anong oras na, ah. Bakit ngayon ka lang?"

Napairap na lang ako sa istriktong tanong ni Papa. Nakita ko naman ang pagkurot ni Mama sa tagiliran ni Papa na parang napansin ang tono ng boses nito.

"Overtime lang po, Pa." sagot ko na lang.

"Hayaan mo na 'yang prinsesa mo, Papa. She's already in her right age, yet you're still strict at her." natatawang sabi ni Kuya Arc.

Tinapunan ni Papa si Kuya ng isang babalang titig.

"Shut up, Arc. Palibhasa'y maaga kang nakabuntis."

Mahina akong natawa nang napakamot na lang si Kuya sa kanyang batok. May asawa't anak na at lahat lahat, tiklop pa rin ito kay Papa. Isa iyon sa mga gusto ko kay Kuya. Kahit kailan ay hindi pa ito sumagot-sagot sa mga magulang namin. He respect our parents. Alam kong minsan ay gusto niyang sumagot pero pinipigilan niya lang ang sarili niya para hindi siya makapagbitaw ng mga salitang maaari niyang pagsisihan.

Nakita kong napangisi rin ang asawa ni Kuya na katabi niya. Malamang dahil napansin nito ang pananahimik niya.

"Tita Camilla!"

I turned my attention to my eight-year-old niece when she called my name. Kalong ito ni Kuya. Lumapit ako sa kanya at nang makalapit na ay yumuko ako upang magpantay ang aming paningin. Matamis ko itong hinalikan sa pisngi saka nginitian.

Montenilla Series 1: Giddy Palpable  Where stories live. Discover now