Chapter 1

16 0 0
                                    

"Camilla, hindi ka pa ba dadalaw sa hospital?" tanong sa akin ni Ate.

Nilingon ko naman siya pero hindi umimik.

"Pupunta kami ngayon doon. Hindi ka sasama?"

It's been four days simula noong isugod namin si Lola sa hospital. Pero pinanatili muna  si Lola sa hospital ng isang linggo para sa check up. Naikwento sa akin ni Mama na inataki raw sa puso si Lola. Alam kong may sakit sa puso si Lola pero sobrang tagal na noong huling punta niya ng hospital dahil sa sakit niya. Ngayon na lang ulit ito inataki. Ani ng Doktor ay dahil daw sa sobrang saya ni Lola kaya nangyari 'yon.

Sa apat na araw na iyon ay hindi pa ako dumadalaw kay Lola. I'm not used to see her lying on a hospital bed with a dextrose. I'm used to see her smiling and laughing with so much happiness. Kahit na nasasabik akong bisitahin at makita siya ay hindi ko magawang puntahan siya. Ayokong makita siyang nakaratay sa kama sa ganoong paraan. Siguradong masasaktan lang ako.

"Palagi ka na lang tulala rito, Camilla. Baka magkasakit ka na niyan, ah." Bakas sa tono ng boses ni Ate ang pag-aalala. "Tsaka, hinahanap ka na ni Lola. Bakit daw hindi ka bumibisita?"

Tipid akong ngumiti saka umiling.

"Bumisita ka, baka magtampo na 'yong matanda."

"Sige, Ate. Dadalawin ko na lang si Lola mamaya."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ate ay umalis na ito kasama ang asawa't anak. Inubos ko muna ang iniinom kong kape bago naligo at nag ayos para pumunta ng hospital.

Pagkarating ko ng hospital kung saan naka confine si Lola ay agad akong nagpunta sa nurse station para itanong ang private room ni Lola.

"Lola," bati ko sa kanya pagkapasok ko ng kwarto.

Bumaling ito sa akin. Nagliwanag ang kanyang mukha ng makita ako. Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako.

Lumapit ako sa kanya at buong ingat siyang niyakap. Pagkatapos ay naupo ako sa upuang nasa gilid ng kama ni Lola. My attention fixed only to her. Ni hindi ko na magawang ilibot ang aking paningin sa loob ng kwarto para makita kung sino-sino ang nasa loob.

"Camilla, apo."

"Lola, sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw."

"Kung hindi ka pa nga pumunta rito ngayon ay baka nagtampo na ako sa'yo." biro niya.

Ilang minuto kaming natahimik na dalawa. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay nasa kisame ng kwarto  ang tingin. Maya-maya lang ay nagslita siya.

"Apo, sa inyong magpipinsan ay ikaw na lang ang walang anak."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Lola. Totoo naman ang sinabi niya. Kahit ang pinakabata kong pinsan ay may anak na. Nabuntis ito noong eighteen years old pa lang ito. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ito sinasabi sa akin ni Lola.

"You're already twenty-four years old, Camilla. Hindi ka bumabata. Pero bakit kahit nobyo ay wala kang naipapakilala sa amin?"

Mas lalong nangunot ang noo ko. Saan ba hahantong itong usapan na 'to?

"Lola--"

"Apo, gusto ko sana makita ang magiging anak mo bago ko lisanin ang mundong ito."

Napasinghap ako sa pagkakataong ito. Anak? What the hell?! Ni pag asawa nga ay wala pa sa isip ko, anak pa kaya? Oo mahilig ako sa mga bata. Iba ang sayang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng bata. Pero kasi parang hindi pa ako handang maging isang ina.

"Mama!" rinig ko saway ng mga Tito at Tita ko pati na rin sila Papa dahil sa huling salitang binitawan ni Lola.

"What?" baling ni Lola sa mga ito. "Let's just accept the fact, mga anak. Sooner or later ay maaari akong mawala sa mundong ito. Lalo na at may sakit ako sa puso."

Montenilla Series 1: Giddy Palpable  Where stories live. Discover now