REALITY

19 2 0
                                    

"Parehong oras.Parehong lugar.Parehong Pangyayari"

||| • • • ||| • • • ||| • • • ||| • • • |||

Khyra

Sunday || 6:45 pm

Hayst,Masyadong nakakapagod ang mga pangyayari ngayong araw. Una kinailangan ko pang humanap ng napakaraming rason para hindi magalit si Ivana kung bakit agad akong umalis sa party nya. Pangalawa, hindi ko alam kung bakit pero hanggang ngayon eh tumatatak parin sa isip ko yung lalaki, engkanto ba yun?. Pangatlo, Nag-away nanaman si papa at mama ng dahil sa kulang ang perang inuwi ni papa. At panghuli, Tripleng pagtatago ang ginawa ko kanina sa mall para lang di makita nung mga demonyang kaklase ko.Kakapagod,sobra! .

Pagkatapos kong kumain ay agad ko nang nilinisan ang buong katawan ko para makatulog narin ako. Kailangan ko ng ultra mega rest ngayon para naman maganda ang mood ko bukas.May klase pa naman.

Pagkatapos ng lahat ng routine ko ay ibinagsak ko na ang buong katawan ko sa malambot kong kama at hinayaan ko nang mamahinga ito. Hanggang sa dahan-dahan na ngang pumikit ang mga mata ko.

: : : :

Sunday || 7:00 pm

  Lumalim na ang gabi,ngunit ang mga ilaw sa bawat bahay ay buhay parin . Ang ibig sabihin ay gising pa ang mga tao rito. Pero teka,bakit wala ako sa aking kama? Nasaan ako?.

Muli,nandirito nanaman ako sa park malapit sa aming bahay. Tanging ako lang at ang mga lalaking naglalaro ng basketball ang nandirito. Umupo ako sa isa sa mga bench para makapag-pahinga,masyado ata ako napagod sa paglalakad. Napansin kong unti-unti nangangati ang leeg ko kaya  tinanggal ko ang kwintas na suot ko.

"First..."

Narinig ko nanaman ang boses na to. tsk tsk tsk. Nang matanggal ko ang kwintas ko ay laking gulat ko nung biglang may humablot rito,akala ko ay isang magnanakaw  na mula sa isa sa mga nagba-basketball.Isang bata lang pala,gayunpaman,hinabol ko parin ang bata dahil baka itapon nya ito kung saan. Maya-maya lang ay bigla nya ito itinapon sa malapit sa swing,buti nalang at walang mga batang naglalaro.

Habang hinahanap ko ito ay  may isang taong kumalabit sa aking likuran. Sa pagharap ko ay isa pala syang lalaki.

Hindi ba't sya yung lalaking napapanaginipan ko lagi?

" Sawakas,magkikita narin tayo mahal kong binibini..." sabi nito at dahan dahan narin itong lumalapit sa akin na tila ba gusto nya akong yakapin.

Pero,hindi ko parin nakikita ang mukha nya.

"Gigising ka na ba?.Alam kong gigising kana." may naririnig akong boses na tila bumubulong sa akin.

: : : :

Dahan-dahan ay ibinukas ko ang aking mga mata at nagising ako sa...

Teka,panong napunta ako sa isang...Hospital?

  "Yes yes! Doc doc! " Nakita ko nalang ang isang lalaking tumatalon-talon sa tuwa na agad lumabas sa pinto.

Bakit nasa hospital ako?. Hindi ba't dapat ay nasa kama ako ng aming bahay?. Hindi ba dapat ay pupunta ako sa isang park para malaman ang mukha nung lalaki sa panaginip ko?

WHEN DREAMS COME TRUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon