Chapter 6

110 3 0
                                    

Archer's POV

"Is this Aurelis?"tanong ng lalaking kasama ni Blake. Tinulungan ako nitong pulutin ang binake ni Mama.

"Nah, It's Archer, her twin sister."sambit ni Blake.

"Hey, are you okay?"tanong ni Blake sa akin. Nanginginig naman akong napatango.

"You look so shy katulad nga ng kwento sa akin ng kapatid mo."sabi niya at tipid na nginitian ako. Kilala nga talaga niya si Aure!

"Hoy, Liit!"napapikit ako ng marinig  ang boses ni Adonis. Kung noon ay iniiwasan ko na ito, mas lalo pa ngayon. Paano ba naman ay pinabalik balik ako sa cafeteria para lang bilhan sila ng inumin ng mga tropa niya.

Alam kong bully siya ngunit hindi ko naman alam na ganito pala siya kasama. Hindi rin ako nakakain dahil ang dami niyang utos. Akala ko ay titigilan niya na ako pagkatapos ngunit hindi pa rin pala.

Hindi ko rin akalain na hanggang dito sa library ay susundan ako ng lalaking ito. Wala pang pakialam kung marinig siya ng mga taong nagbabasa.

"Thanks!"sabi niya at kinuha ang bengbing na nasa lamesa ko. Napabuntong hininga na lang ako at sinubukang magfocus sa binabasa ko.

Hindi pa rin siya umaalis at talagang umupo pa sa harapan ko, walang kaingat ingat sa mga galaw kaya halos lahat ng mga mata ay sa amin ang tingin. Parang gusto ko na lang magpalamon sa sahig. Maya-maya lang ay binuksan pa nito ang bengbeng na kinuha lang sa akin.

"Mag-ingat ka ng konti sa galaw mo, Adonis."hindi ko mapigilang sambitin lahit na medyo kinakabahan pa sa kanya.

"Huwag mo akong utusan."sabi niya at pabiro pa akong inirapan.

Napailing na lang ako sa kanya at sinubukan kong hindi na pansinin ngunit tila masisiraan na talaga ako ng bait nang dahil sa kanya.

"Gusto mo ba?"medyo malakas na tanong niya at itinapat pa ang bengbing sa bibig ko.

"Kayong dalawa diyan, kanina pa kayo nag-iingay. Lumabas na nga lang kayo dito sa library."pamamawal ng librarian sa amin.

"Labas na sabi."sabi nito. Napakagat naman ako sa gilid na bahagi ng aking mga labi at niligpit na lang ang mga libro ngunit hinawakan ako ni Adonis tila ayaw lumabas.

"Labas na lang tayo, iba magalit si Miss Librarian."hindi ko mapigilang sambitin dahil matigas din talaga ang ulo nitong kasama ko.

"Labas."parang aso kami nitong tinataboy.

"Hala, please."halos magmakaawa na ako kay Adonis na ayaw magpatinag. Pinagtitinginan na rin kasi kami kaya nahihiya na talaga ako.

"Fine."sambit niya na parang wala lang iyon at panguya-nguya pa ng bengbing na lumabas ng library. Samantalang ako ay halos gusto ng itago ang mukha dahil sa tanan ng buhay ko ay hindi pa ako napapalabas ng library.

"Utang mo iyon sa akin."sabi niya kaya nanlalaki ang mata na napatingin ako sa kanya.

"Huh?"hindi ko mapigilang itanong.

"May utang ka sa akin kako, sinira mo ang pahinga ko."sambit niya. Ni hindi ako nakaangal dahil sa seryoso at medyo nakakatakot na mukha nito.

"Right?"sabi niya at ngumiti naman ngayon. Napakamoody.

"Let's go.."sambit niya.

"Huh?"pinagkunutan niya naman ako ng noo at nilingon.

"May pagkabingi ka ba, Liit? Kasi kung oo pwede naman akong mag-aral ng sign language."natatawang sambit niya.

"May aaralin pa ako."hindi ko alam kung bakit kailangan pang mautal kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha nang marinig ko itong tumawa ng mahina.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon