TULA

18 0 0
                                    


Lunes.


Panibagong araw.


Pasukan nanaman.


Maaga akong bumangon para ihanda ang aking mga gagamitin sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan. Naligo agad ako na hindi na ininda ang lamig ng tubig na dumapi sa aking balat.


Pagkatapos ko maligo ay agad akong bumaba sa aming hapag-kainan. Nasa hagdan pa lamang ay amoy na agad ang masarap na almusal na hain ni nanay.


"Nak, kumain kana, baka mahuli ka pa sa iyong klase." Sabi ni Nanay.


"'Di bale nang mahuli sa klase nay, basta maubos ko tong masarap mong luto." Pabiro kong sabi.


Agaran naman akong nakatikim ng hampas ni nanay. "Loko loko ka talaga, dalian mo ng kumain."


"Ano ba naman iyan nay, hindi pako nakakasubo hampas na agad ang paalmusal mo sakin." Sasagot pa sana si Nanay ngunit bigla ko siyang sinubuan ng pagkain para hindi na siya magsalita pa.


Nang matapos akong kumain ay agad akong nagmano at nagpaalam na ako'y aalis na. " Nay una na po ako, ako'y malalate na eh."


"Oh eto, pinagtabi kita ng baon mo. H'wag kang pagugutom doon ah." Inabot ni nanay ang isang baunan na may lamang adobo at kanin.


"The best ka talaga nay! Walang ibang katulad. Sige po una napo ako." Nasa may pintuan nako ng bigla kong naalalang may nakalimutan ako.


"Tay una na po ako. Pangako po gagalingan ko ulit ngayon." Paalam ko sa litrato ng aking tatay. Maagang iniwan kami ng tatay. Namatay siya nung bata pa lamang ako.


Paglabas ko sa aming bahay ay agaran akong nagpunta sa may pilahan ng UV. Maikli pa lamang ang pila doon. Kaya agad akong pumila.


Nakasanayan ko na tuwing sasakay ako ng UV ay doon ako pupuwesto sa may tabi ng bintana o doon sa may tabi ng pinto. Dahil narin siguro isa ako sa mga pinakaunang bababa at siyempre gusto ko ring sumandal sa bintana upang matulog.


2 nalang pala ang kulang sa UV, pareho pang sa gitna. Ibig sabihin si ate na nasa unahan ko at ako nalang ang makakasakay. Ako ang makauupo sa bintana. Tuwang tuwa ako.


Pero ba't parang ayaw pumasok ng babaeng to sa unahan ko?


"Ate kayo na po ang sasakay." Magalang kong bulong sa kaniya.


"Ikaw na mauna, malapit lang babaan ko." Medyo iritableng sagot niya sa akin. Bakit naman kaya tila galit itong babaeng to? May nasabi ba akong masama? Ang ayos ayos nga ng pagkakasabi ko eh. Masama ata gising nitong babaeng to.


"Malapit lang din po ako eh." Sagot ko.


TULAWhere stories live. Discover now