ALLIAH KEITH.
"Alliah, ayos ka lang?" Tanong ni Kuya pagkaupo nya sa kama ko. Namumula din ang mata nya kaya hindi ko maiwasang hindi masaktan.
"K-kuya..." Nanghihinang sabi ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" Basag ang boses ni Kuya nang tanungin n'ya yon. I guess, oras na din para malaman ni Kuya ang tungkol sa sakit ko. Ayoko nang nasaktan at mag alala pa si Kuya.
"Kuya... may sasabihin ako..." Mahinang sambit ko saka sumulyap kay Ate Roshan. Tumango lang sya kaya bumaling na 'ko kay Kuya Josh.
"Ano yon?" Kuya Josh became attentive. I calmed myself down and took a deep breath.
"Kuya..." I trailed off. "May sakit ako..." There, I finally said it.
Napapikit ako at muling nagmulat. Kitang kita ko kung paano natigilan si Kuya at hindi nakapagsalita. Something in his eyes is making my heart shatters.
He gulped. "A-ano? May lagnat ka?" Utal na tanong nya kasabay ng pagtulo ng luha nya. Alam kong alam n'ya... na hindi 'yun ang sakit na tinutukoy ko. He's trying to deny what he just heard.
I shook my head. "No, Kuya. May sakit ako... a disease. N-not just a flu." Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa luha ni Kuya Josh. He's crying because of me!
"Love..." Mahinang tawag ni Ate saka nilapitan si Kuya. Naluluhang lumingon si Kuya sa kanya.
"Love... totoo ba? M-may sakit si Alliah?" Tanong ni Kuya kay Ate habang patuloy ang pagtulo ng luha nya. Yumuko si Ate at niyakap si Kuya saka dahan-dahang tumango.
Shit! Kita mo na ang perwisyo mo sa kanila, Alliah? Pati si Kuya Josh, umiyak dahil sakin. Sina Daria, Keicy, Celine at si Ate Roshan, lahat sila umiyak at nag aalala dahil sakin.
Pero, sana wag nang malaman ni Pablo. Alam kong kahit hindi nya sabihin, masaya na sya kay Reign. Masaya na syang kasama si Reign. Alam ko namang kung papipiliin si Pablo between sa amin ni Reign. Certain na agad na si Reign ang pipiliin nya.
Sino ba naman ako diba? Just his best friend.
"Love, may Hanahaki Disease si Alliah..." Bulong ni Ate kay Kuya. Pinunasan nya ang luha ni Kuya saka sya naupo sa upuang nasa tabi ng kama ko. Kaharap ni Kuya Josh.
"Hanahaki?" Mahinang tanong ng Kuya ko.
"Oo, sakit 'yon na bunga ng one-sided love. Alam kong hindi kapani-paniwala pero 'yun ang sakit ni Liah. Kaya nakita mo kanina yung nga petals diba? Nagmula yun kay Alliah." Paliwanag ni Ate. Kuya Josh seems out of his trance.
"O-one sided love? S-sino naman?" Tanong ni Kuya saka sya tumingin sakin. His swollen eyes shatters my heart. Sinubukan kong ngumiti nago binalingan si Ate na tumango sa akin, hudyat na dapat sabihin ko.
"Si... Pablo po, Kuya."
"Pablo?" Gulat na tanong ni Kuya. Tumango ako at nagsimula na naman sa pagtulo ang luha ko. Shit. Hindi ba ito mauubos?
"Kuya, pinigilan ko naman eh. Pinilit kong huwag mahalin yung kaibigan ko pero wala, ang hina ko kaya hindi ko sya sisisihin kung bakit nagkaganito ako..." I stated and sobbed. "Matagal ko nang alam na may Hanahaki ako, Kuya. First year highschool pa lang pero hindi ko pinaalam sayo kasi alam kong mag-aalala ka at pagbabawalan mo kong ma-inlove kahit kanino." Lumuluhang sabi ko.
"Wala bang lunas?" Tanong ni Kuya kay Ate.
"Meron naman, love pero hundred percent sure tayong hindi papayag si Alliah doon," sabi ni Ate kaya lumingon ulit sakin si Kuya.
"Ano ba ang lunas d'yan?"
"Surgery. May dalawang effects ang surgery. Ang good effect ay mawawala ang mga bulaklak sa loob n'ya once nagpasurgery sya at magiging maayos na ulit ang paghinga nya..."
"Oh, bakit ayaw mo, Alliah? Para di ka na mahirapan," sambit ni Kuya sakin pero umiling lang ako.
"Ang isang epekto naman, mawawala ang feelings nya sa kung kanino man sya na-in love. Mawawala 'yun kasabay ng mga petals." Pagpapatuloy na saabi ni Ate.
Kuya went silent before he looks at me. "Kaya ba, ayaw mong magpasurgery... dahil kay Pablo?" Tanong sa 'kin ni Kuya.
"Kuya, hindi bale nang mahirapan ako kakaubo dito, basta 'wag ko lang mawala yung pakiramdam na mahalin si Pablo. Gusto kong palaging maramdaman yung pakiramdam na mahalin ang best friend ko. Masakit pero... gusto kong manatili," sabi ko saka ngumiti ng mapait.
"Pero, Allia--" Naputol ang sasabihin ni Kuya nang mag-ring ang phone ko. Kinuha yun ni Ate at inabot sakin.
Junjun calling...
Damn. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Nagsisimula na naman kasing sumikip ang dibdib ko pero ayokong maramdanan ni Pablo na binabalewala ko sya kaya sinagot ko yung tawag nya.
"Junjun! Napatawag ka?" Masayang tono ang binati ko sakanya.
"Liah? Umuwi ka ba? Hindi na kasi kita nakita pagbalik namin ni Reign sa classroom. Sabi naman nina Daria, nagpaexcuse ka. Ayos kalang?"
No. Please, ayokong nag-aalala ka nang ganyan. Lalo akong nahihirapan.
"Huh? Ah... umuwi na 'ko. Hindi ko na nakayanan eh. Baka kasi abutan ako ng LBM dyan sa room kaya umuwi na lang ako," sagot ko at pinaglaruan ang bedsheet para maiwasan ang pagluha.
"Oo nga pala. Sige, pahinga ka. Gusto mo bang bisitahin kita?"
Kumabog ang puso ko. Shit. Ayoko. Ayokong bumisita sya ngayon dahil alam kong mahihirapan na naman ako pero miss ko na sya. These past few days, he spends his time with Reign and I kinda miss him.
"Uhh... kasi..." Tumingin ako kela Ate. Puno ng pag-aalala yung mga mata nila kaya napabuntong hininga ako.
"Hindi ba pwede? Liah?"
"Ahh... Jun... 'Wag muna sa ngayon. Okay lang?"
"Ahh, ganon ba?" May kalungkutan ang tono ng boses nya kaya palihim akong napamura.
"Sorry, ah. Masama lang talaga ang pakiramdam ko."
"No, it's fine. Pagaling ka. Sabihan mo na lang ako kapag ayos ka na, ah? May lakad pa kami ni Reign eh. I'll visit you next time."
Hearing about Reign being with him, It hurts so bad. Parang gusto ko na lang sumuko. Tutal wala naman akong aasahan sa kanya because I'm just a friend to him.
Just a friend. Nothing more, nothing less.
I just hummed before I decided to end the call. Napabalikwas ako ng bangon at nagsimula na naman akong umubo. Agad akong dinaluhan ni Kuya at Ate.
Walang tigil ang pag ubo ko. Sunod sunod na pakiramdam ko pati mga organs ko, mailuluwa ko na. Kasabay ng marahas na pag-ubo ko ang walang tigil na pagpatak ng luha ko.
"Alliah... " dinig kong tawag ni Ate pero hindi na 'ako nakasagot o makalingon man lang. Hinang hina na ko. I feel like my chest is burning from all the coughings.
Umabot ng 50 pieces ang petals na sunod sunod kong dinuwal at iilan don... kulay puti. Napangiti ako ng mapait. Mukhang oras ko na nga. Mawawala na nga yata ako.
"Liah. Humiga ka muna, lilinisin namin ito," sabi ni Ate saka ako inalalayang mahiga.
"Ate... Kuya..." Tawag ko. Agad hinawakan ni Kuya ang kamay ko. Si Ate naman ay itinuon ang atensyon sa akin.
"W-wag n'yong sabihin kay Pablo ito, hmm?" mahinang sabi ko pero hindi sila sumagot.
"Alliah, bakit ayaw mong sabihin? Deserve ni Pablo na malaman ito," sabi ni Kuya Josh.
"Pero, Kuya. A-alam ko namang... walang pag-asa. Hindi nya masusuklian i-itong nararamdaman ko. sa kanya," nahihirapang sambit ko. Nagkatinginan sila at napayuko na lang si Kuya at Ate. Nahihirapan na siguro sila dahil sakin. My eyes felt droopy kaya agad ko silang tinawag
"Ate... Kuya..." They both looked at me. "Matutulog po muna ako."
Matutulog lang muna ako. I hope when I woke up, the pain isn't there anymore. I hope, this is all just a nightmare. A bittersweet nightmare.
-
Edited Version.
BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanficHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...