Chapter 11

726 52 2
                                    

JOHN PAULO.

"Pablo." Lumingon ako sa tumawag sakin. I was slightly shocked when I saw someone familiar.

"Oh, Josh. Nandyan ka pala," sabi ko.

I noticed something in his eyes. Maputla s'ya at medyo namumula ang mata. Halata rin ang pagod sa kan'yang mata kaya napuno ng pagtataka ang sistema ko.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong n'ya. Napakunot ang noo ko. Anong problema nito? Bat ang seryoso nya?

"Sige. Serious mo naman, nakakatakot." I laughed but he staued serious. Naupo sya sa harap ko. Kung saan nakaupo si Reign kanina. Now, the two of us are facing each other.

"Pablo... may tanong lang ako," sabi nya saka tumingin sa labas. Anong problema nito? Nag away kaya sila ni Roshan?

I leaned on my seat and stared at him, waiting for his question.

"Kapag ba sinabi ni Alliah na mahal ka n'ya, anong isasagot mo?" Tanong nya saka lumingon sakin. Seryosong-seryoso ang mata nya. Wala 'yung Josh na mahilig magloko. Seryoso sya ngayon.

My mind went back to his question.

"Kung mahal ako ni Alliah?" Tanong ko saka umayos ng upo. "Anong isasagot ko? Sa totoo lang..." I sighed. "Hindi ko alam. Kaibigan ko si Alliah and I want it to stay that way. I want Alliah as my best friend." Napansin kong nagbago ang expression ni Josh matapos kong sabihin yon.

Totoo yon. Kahit kasi gustuhin kong magustuhan si Alliah. I wouldn't risk. Malay ko ba kung gusto din nya ko diba? Or she just see me as her friend. So, mas pipiliin kong magstay as kaibigan nya basta kasama ko sya. 

Kung mahal ko ba si Alliah? Hindi ko alam. I like Reign and alam ni Alliah yon. She knows how much I like Reign. Bawat kwento ko tungkol kay Reign, kay Alliah ko sinasabi lahat. So, it's better to stay this way. Paano na lang kung mahulog ako, edi magiging awkward yun at magiging mahirap nang ibalik sa dati ang pinagsamahan namin? Ayoko. I won't risk.

"You only want my sister as your friend?" Tanong ni Josh. I licked my lower lip and nodded.

"Yes, mas better kung ganon," sagot ko. Tumango sya matapos ang ilang sandali bago tumayo.

"Sige, Pablo. Mauna na 'ko. Salamat sa time," sabi nya saka tinapik ako pero bago pa sya makapaglakad, nagsalita na ko.

"Si Alliah... ayos lang ba sya?" Tanong ko. Lumingon sya at ngumiti. Pero may kakaiba sa ngiti nya. I don't want to assume but I feel like something is wrong.

"Oo naman," sabi nya saka tuluyan nang umalis.

Naiwan ako don mag-isa at iniisip ang napag-usapan namin ni Josh. Natawa ako nang mahina.

Darating kaya ang araw na may mahulog samin?

"Pablo." Naupo si Reign sa inupuan ni Josh kanina. Bumalik na pala sya.

"Andyan ka na pala. Tara, tuloy na natin," sabi ko. Tumango naman sya kaya nagpatuloy kami sa pag aaral.

We stayed there through out the whole afternoon until the cafe was about to close. Pareho kaming lumabas at nagpresinta na rin akong ihatid sya.

"Sige bye! Bukas ulit, Reign!" Sabi ko pagkahatid sa bahay nila.

"Salamat, Pablo," sabi nya saka pumasok na.

Umatras ako at nagsimula nang maglakad pauwi. My eyes roamed around and a smile formed on my lips when I saw how beautiful that sky is. Hinayaan ko ang sarili kong damahin ang malamig na panggabing hangin hanggang sa natuon ang paningin ko sa harapan at natigila nang may makita.

"Roshan..." Tawag ko. Tumingin s'ya at nagtaka na naman ako dahil gaya ng kay Josh, pansin kong mugto rin ang mata nya. Nag away ba sila ni Josh? Kanina si Josh, seryosong seryoso tapos ngayon si Roshan, mugto ang mata.

"Pablo ikaw pala. Saan ka galing?" Tanong nya.

"Hinatid ko lang si Reign..." Sabi ko. "Ikaw, saan ka galing?"

"Ah, dyan lang sa convenience store. Bumili na lang kami ng instant food. Hindi na nakapagluto eh," sabi nya. I nodded and proceed to ask her the question that's buggin in my mind.

"Nag-away ba kayo ni Josh?" Tanong ko na ikinagulat nya.

"Huh? Bakit kami mag-aaway? Paano mo nasabi?" Napuno ng pagtataka ang tono n'ya maging ang mukha n'ya.

I sighed. "Kanina kasi, kinausap ako ni Josh. Seryosong-seryoso si Josh kanina kaya akala ko nag-away kayo. Tapos ngayon, nakita ko pang mugto yang mata mo," saad ko.

She seems to understand what I'm talking about before she nodded and flashed me a smile.. "Hindi kami nag away. Medyo may 'di lang pagkakaintindihan kanina sa school pero okay na. Nagkaayos na kami," sabi nya.

I nodded. If she says so.

"Sige, Pablo. Uuwi na 'ko. Baka hinahanap na ako," sabi nya at lalagpas na sa akin pero nagsalita akong muli.

"Galing ka ba kela Alliah?" Tanong ko.

She look at me. "Oo at doon din ako magsi-stay ngayong gabi," sabi nya kaya nabuhayan ako.

"Pwedeng sumama? Kakamustahin ko lang si Alliah." I was all smiles but it fades when she looks away.

"Pablo..." she looks hesitant. "Mas mabuting 'wag muna," sabi nya.

Hindi ko na alam kung anong meron. Ano ba talagang meron? Si Alliah, ayaw na dumalaw ako sa bahay nila. Bakit ayaw nya? Galit ba sya sakin? May kasalanan ba ako?

If I did something wrong... I'm willing to apologize. Basta, sabihin lang n'ya kung may nagawa akong mali.

I miss her.

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon