Chapter 19
"Baby behave. Dyan ka sa tabi ni mommy. We will go home."
Umayos na rin kaagad ng upo si Troy. Gustong-gusto nito ang nasa unahan. Tahimik na nagmamasid sa mga sasakyan nasa kanilang unahan. Palihim namang tinitingnan ni Travis sa salamin ang mukha ng asawa.
Sa daan pa lang pauwi pansin na ni Travis ang malungkot na mukha ng asawa. Pinauuwi lang din kasi sila ni ng kanyang mother-law. Ayaw ni Cleffy na magtagal ang anak na si Yanny sa restaurant. Gusto niya itong umuwi at magpahinga. Hindi naman nila pinabayaan ni Rigo ang pamamalakad sa bawat araw."Travis, inuuwi mo na si Yanny. Nasabi ko na sa kanya na kailangan niya pa ang namamalagi sa bahay."
Sumunod kaagad siya dahil ito rin ang gusto niya. Ramdam niya ang mabigat na kalooban ng asawa. Pero kahit ganoon masunuring anak pa rin ito sa kanyang mga magulang.
Parehas na nasa unahan ng kotse ang kanyang mag-ina. Sinusundan ni Travis ang nasa malayong tingin ni Yanny. Halata niyang marami itong nais gawin. Kaso hindi alam kung paano simulan limitado ang mga alaalang naiwan sa kanyang isip.
" Baba na kayong dalawa ni mommy Troy."
Maingat na inilalayan nito ang anak pababa ng kotse kasunod ang asawa. Nauna ng tumakbo si Troy na nagmamadali.
"Yaya bahala ka na sa bata," bilin niyang sabi sa yaya.
Sinundan nito ang asawa na pumasok ng tuluyan sa loob ng bahay. Diresto lang kasi ito na halos hindi umiimik.
"Gusto mo na bang mahiga. Sa kuwarto ka na para makatulog ka ng maayos."
Nag-aalangan siya sa kanyang mga sinabi. Ayaw niya itong bigyang ng kahulugan ng asawa. Pero doon lang kasi ito pwedeng mahiga na hindi siya guguluhin ni Troy. Kahit asawa niya si Yanny gusto niyang sa prosesing tama maibalik niya sa alaala ng asawa ant tungkol sa kanilang dalawa. Iyon din ang bilin sa kanila ng doktor. Hihintayin nila ang mga alaalang dahan-dahan at kusang babalik sa isip ni Yanny. Darating ang tamang panahon na iyon. Matiyaga itong hintayin ni Travis.
Tumango si Yanny na ang ibig sabihin pumapayag itong doon mahiga sa kanilang kuwartong mag-asawa. Nakikita niya sa mga mata ng asawa na parang bago pa rin sa kanya ang kanilang kuwarto. Inilibot nito paikot ang paningin. Napahinto ito sa larawang nila dalawa na naka-frame sa dingding. Napangiti si Yanny na nakatitig roon. Lumapit pa ito at hinipo ang mukha nilang dalawa sa frame. Kasunod nitong pinuntahan ang cabinet nila kung saan naroon ang kanyang mga damit.
"Kung gusto mong magpalit, kumuha ka na lang dyan ng maisusuot mo. Ayan pa rin ang ayos ng mga damit mo. Hindi ko iniba 'yan. Lahat dito sa bahay ay ayon sa gusto mong ayos. Wala akong binago."
Hindi man lang siya nilingon ng asawa habang siya ay nagsasalita. Nabingi na si Travis sa sobrang katahimikan. Kaya nilapitan na niya ito dahil gusto niya ng yakapin. Ngunit naroon lang siya sa likod ng asawa. Naramdaman niyang humihikbi ito. Parang kinurot ang kanyang puso.
"Bakit?" Nag-aalalang tanong niya sa asawa.
Ayaw niyang makaramdam ang asawa ng pag-iisa. Kagaya ng gusto lang nitong solohin kung ano man ang nasa kanyang isip. Kung maari sana magsabi sa kanya at lagi itong magsadalita. Hindi bihira lang magsalita dahil pakiramdam niya wala siya naitutulong.
"Wala," matipid nitong sagot sa kanya.
"Anong wala? Umiiyak ka di ba. Ang lahat ng gusto mong sabihin pwede mo namang sabihin sa akin, asawa mo ako."
Hindi na mapigil ni Yanny ang maiyak sa narinig sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit kahit ito ay nakatalikod. Kung magawa lang sana niyang ibalik ang alaala ng asawa sa pamamagitan ng yakap at halik. Hindi siya mapapagod na gawin iyon.
"Tulungan mo ako."
Kasunod ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak mula sa kanyang mga mata. Naramdaman ito ni Travis ng may pumatak sa kanyang kanang braso. Parang batang humihingi ng tulong si Yanny.
"Tulungan saan," kinabahang tanong ni Travis.
"Tulungan mo akong maalala kung gaano kita kamahal. Kung sino ako sa bahay na ito. Nahirapan na akong nawawala kayo ng anak natin sa aking alaala."
Nadadala na rin si Travis sa kalungkutang naramdaman ng asawa. Inikot niya itong paharap sa kanya. Hindi na niya namalayan ang luhang tumulo rin pababa sa kanyang pisngi. Ayaw niya sanang makita ng asawa ito kaya mabilis niyang pinahid. Siya 'yong magpupuno pa ng lakas ng loob para kay Yanny. Kaya ayaw niyang makitang pinanghihinaan siya.
"You'll be okay. Just keep the hope burning in your heart. Darating ang mga araw na iyon ha. Hihntayin natin ang araw na 'yon. Andito lang ako sa tabi mo."
Marami pa siyang nais sabihin sa asawa pero tila ba hindi niya mabanggit lahat. Mas lalo niya na lang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa upang maibsan ang bigat ng loob nito.
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
RomanceKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...