Tiwala Lang :)

2.7K 84 15
                                    

"Friend, alis na ko ah..."

"O kakarating mo lang ah, aalis ka na kaagad?"

"Friend naman, malapit na mag10 oh. Alam mo naman di ba?"

"Sus, oo nga pala. Bakit ko nga ba nakalimutan? Sisilay ka nga pala sa crush mo."

"E alam mo namang ngayong time ko lang siya nakikita eh."

"Hay nako Beanca, hanggang tingin ka lang naman dun e."

"Alam mo ang bait bait mo talaga. Kaibigan talaga kita no? Halatang-halata na love mo ko e. Promise!"

"Gusto ko lang itigil mo na yang kabaliwan mo, concern lang ako sa'yo."

"Ang sabihin mo ganyan ka kasi may lovelife ka. Sige na, alis na ko. Baka hindi ko pa makita yung Angelo ko ng dahil sa kadaldalan mo."

"Oo na sige na, baka mapatay mo pa ko e. Good luck ah!"

Ngumiti na lang ako at lumabas na ng library. Ganyan talaga kaming mag-usap ng bff ko pero mahal ko yang si Joyce. Kahit hindi niya ko magawang suportahan sa nag-iisang pangarap ko. Ang tanging pangarap ko lang naman ay ang mapansin at makilala yung crush kong si Jake Angelo Cunanan Vargas, isang law student. Mahirap ba yun?

Naupo na ako sa bench sa garden, sa tapat ng College of Law, kung saan ako lagi umuupo araw-araw. Oo, tama yung nabasa niyo. Araw-araw, walang mintis, bago mag 10am, pumupunta ako dito para lang masilayan siya. Kasi siya lang nagpapasaya sa malungkot kong buhay. Umaasa ako na sana isang araw, umupo siya dito sa tabi ko. Tapos kausapin niya ako. Tanungin niya yung pangalan ko tapos tsaka siya ngingiti ng wagas, yung tipong lalanggamin kami sa kilig. O kaya naman kahit lingunin niya lang ako dito sa kinauupuan ko. Pero mas okay sana kung aamin siya sa akin na crush niya ako at matagal na rin niya akong mahal. Tapos ipagsisigawan niya sa buong campus na mahal na mahal niya ako. Tsaka niya ako hahalikan sa lips ng matagal.

Minsan nga naisip ko na, ilaglag yung books ko pag malapit na siya sa akin. Tapos sabay naming pupulutin yung books, magkakatinginan, magngingitian, tsaka niya itatanong yung pangalan ko tapos iaalok na ihatid na ko sa room ko para hindi ako mahirapan. Pero parang malabo, sa palabas lang ata nagkakatotoo yun eh.

O kaya eto naman...

Maglalakad ako sa kalye tapos kunwari masasagasaan. Tapos pagmalapit na yung sasakyan, hihilahin niya ako at ililigtas. Sa sobrang lakas ng pagkahila niya sa akin, matutumba kami habang nakapatong ako sa kanya at magkalapat ang mga labi namin...

Tapos...

Tapos...

"Ui, bakit ka nakanguso dyan? Hahalikan ko yan." Napalingon ako sa tabi ko. Nandun siya nakaupo sa tabi ko.

"Ah, J-jake, nandyan ka na pala."

"Ngde-daydream ka na naman no? Naaalala mo na naman yung time na crush na crush mo ko."

"Hindi ah. Hindi kaya. Assuming ka masyado."

"Asus! Deny pa siya oh..."  Sabay akbay niya sa akin.

"Hindi nga! Teka bakit kasi ngayon ka lang? Kanina pa kaya ako nandito."

"Sorry babe, nag-overtime yung prof namin e. Sorry!" Tapos ngumiti siya ng wagas sabay sabing... "I love you!" Hay naku, pinapaibig mo ko lalo. Dinadaan mo na naman ako sa smile at iloveyou mo.

"Sorry na po..."

"Oo na."

"I love you, Bea!"

"Oo na."

"Ano ba yun? Iloveyou tapos 'oo na' lang yung sagot."

"Oo na nga, I love you too Jake!"

"Kinilig naman ako dun. Pero seryoso ako sa sinabi ko kanina, gagawin ko talaga yun..."

"Ang alin?" pagtataka ko.

"Eto oh!" Pagkasabi niya nun, nilapat niya yung labi niya sa labi ko. A five-second kiss. Tapos ngumiti ng wagas.

"Sabi ko sayo seryoso ako e." 

"Ewan ko sayo. Ang kulit mo." Yan na lang nasabi ko. Kinikilig na kasi ako e.

"Pero mahal mo naman." Ang kulit niya talaga. Tumayo siya sa harapan ko at hawak-hawak yung kamay ko.

"Tara na!" 

"San tayo punta?" tanong ko sa kanya.

"Sa mall"

"Anong gagawin natin dun?"

"Ano pa? E di magde-date... Kaya halika na.." Hinila niya ako para makatayo. Sabay naglakad na kami palabas ng campus.

Ang saya lang makasama yung taong mahal mo. Yung taong dating pinapangarap mo lang. Yung taong dati hanggang sulyap ka lang. Ngayon, nahahawakan mo na yung kamay niya. Nakakatabi mo sa upuan. Nakakasama mo sa mall. Nakakasabay mo kumain. Nasasabihan mo ng iloveyou. Ang saya di ba?

Ang sarap ulit-ulitin ng mga nangyayari sa buhay ko. Ang sarap pala talaga sa feeling kapag natupad yung pangarap mo no. Ang sarap ipagsigawan sa buong mundo na "Boyfriend ko na si Jake Angelo Cunanan Vargas".

Kaya kayo, wag kayong mawalan ng pag-asa. Maabot niyo din pangarap niyo tulad ko.

Tiwala lang! :)

One Shot Stories (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon