Yurie's POVNakaupo lang ako ngayon kung saan iniwan ako ni Minda, kukuha raw kasi s'ya ng tissue dahil pinagpapawisan na s'ya. Excited na ako makita si Nathan!
Ang galing ng graduation ball na 'to, may maliit na fountain, malalaki naman ang disco ball, punong puno ng mga tela't mga palamuti. Ang ganda! Dumagdag pa sa ganda ang mga kasuotan ng mga estudyante na talagang mas nangingibabaw.
"Yurie!" may tumatawag sa'kin. Ang gwapo ng boses, hays.
"N-Nathan! Nandito ka na pala." ngiti kong banggit sakanya.
"Si Minda? Kanina ko pa s'ya hinahanap ei."
—_—
"Si Minda? Umalis s'ya kanina naghahanap ng tissue, pawis na pawis eh. Upo ka muna rito, habang iniintay s'ya hehe." sabi ko sakanya habang s'ya naman ay nakatingin sa mga estudyante at tila hinahanap si Minda.
Alam ko ako date mo, pero ba't s'ya pa rin hinahanap mo?
Agad na nagpunta si Nathan sa tindahan malapit sa SAU, malamang bibili ng tissue 'to. Sa kabilang banda, naiwan ako rito ni Nathan na nakaupo pa rin sa pinag-iwanan nila. Hindi ako mapakali rito ha. Masyadong boring, wala akong magawa. May mga nagyayaya rin naman sakin na sumayaw, pero inaayawan ko sila, loyal kay Nathan eh.
Dalawapung minuto na ang nakakalipas at hindi pa rin sila nakakabalik kaya napagdesisyonan ko nang hanapin sila at baka kung ano na ang nangyari sa mga 'yon. Tumayo na 'ko sa kinauupuan ko at naglakad-lakad, nasilayan ko na sina Minda, Nathan at ang isang matipunong lalaki habang magkakausap.
Nagpatuloy lang ako sa pagsilay sakanila at hindi pa muna 'ko magbabalak lumapit.
"Oo, kakaraan ko lang don at tinanong ko kung nasaan ka at sabi n'ya naghahanap ka ng tissue, kaya dinalhan kita!" rinig kong banggit ni Nathan habang nakataas 'yung dala n'yang tissue, ayon ata 'yung binili n'ya sa tindahan.
"Oy, salamat! Pero napunasan ko na mukha ko kasi sakto dumating si Jheff tapos may dalang tissue! sabi naman ni Minda at Jheff pala ang pangalan ng lalaking 'to.
Unti-unting binaba ni Nathan 'yung dala n'yang tissue pero biglang nagsalita si Minda at kinuha 'yung tissue, "Hep! Incase, baka kailangan ko ulit 'yan, okay ba?" At biglang hinila ni Nathan si Minda papalayo kay Jheff. Gagawin nila?
Naglakad muli ako papalapit sa kung saan pupunta sina Nathan at Minda. Marahan akong tumingin sakanila. Masyado na pagiging tsismosa ko, ha.
"Minda"
"Masyado ka naman, Nathan. Hinila mo pa 'ko eh, ansakit kaya!" reklamo ni Minda kay Nathan.
"Sorry na. May sasabihin lang sana 'ko sayo." seryosong pagkakabanggit ni Nathan kay Minda.
"H-ha? Weird mo ngayon, ano ba 'yun?" pangiti-ngiting tanong ni Minda kay Nathan.
Ano nga ba kaya sasabihin ni Nathan kay Minda? Hmm.
"Matagal na tayong magkaibigan, 'di ba?" tanong ni Nathan at pataka-takang nag-oo si Minda, "Sa pagkakaibigan natin na 'yon ay tila nababago ang aking nararamdaman para sa'yo."
Nararamdaman? N-Nathan?
"Pinagsasabi mo riyan, Nathan?"
"Manhid mo naman..." rinig kong bulong ni Nathan sa sarili n'ya, "Minda..."
Alam ko na 'to.
Huwag Nathan, please.
Huwag ka ganyan sakin.
"Ano?" medyo inis na tanong ni Minda kay Nathan.
"G-gusto kita, Minda." banggit ni Nathan kay Minda. At sandali ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Habang ako, eto nasasaktan. Ewan ko na pero parang mga tubig na lumalabas sa mga mata ko. Tumutulo ang mga ito na tila isang gripo. Bakit, Nathan?
Hindi mo man lang ba 'ko nagawang gustuhin? Bakit sa kaibigan ko pa? Ito ang mga katanungan na bumabalot sa malungkot kong puso. Marahan akong naglakad papalayo at punong-puno na ng luha ang aking mga mukha, siguro nabura na ang make-up ko.
"Ladies and gentleman, welcome to San Agustin University Graduation Ball for the school year of 1991-1992! Please remain sitdowns. Thankyou!"
Last na 'to.
Arminda's POV
"G-gusto kita, Minda." seryosong-seryosong pagkakabanggit ni Nathan sa akin.
Parang baliw.
"Pinagsasabi mo jan, baliw!" tawa-tawa kong banggit sakanya.
"Hindi ka naniniwala?" panghihinayang n'yang banggit.
"Malamang! Alam mo, kapatid na turingan natin sa isa't isa, diba?" seryoso ko namang sabi sakanya.
"Ah, oo, oo hehe. Ayan na tawag na tayo, oh. Tara na upo na tayo."
Tinatawag na namin si Jheff na nag-iisa pa rin habang pinagtitinginan ng mga estudyante. Ngayon lang kayo nakakita? Agad din namang sumunod si Jheff sa amin at hinanap na ang upuan namin. Nakita ko rin naman ang upuan namin kanina pero bakit wala si Yurie? May binili kaya 'yon?
"Oh, nasan na si Yurie?" patanong ko pa.
"Nakita ko s'ya rito kanina ah, tinanong ko pa s'ya kung nasan ka. Kaya nga nalaman ko na kailangan mo ng tissue eh. Nasaan na naman ba nagsususuot 'yon."
"Ikaw kasi eh, imbis na bantayan mo 'yang date na si Yurie, nagpunta kapa sa'kin para lang magsabi ng joke. Nasan na ba kaya 'yon. Text ko muna.
Tatlumpung minuto na ang nakakalipas, nakapagsayaw na kami ni Jheff at Nathan, nakailang missed calls at texts na rin ako kay Yurie, pero niisa walang sagot. Ano naman ba nangyari ron?
Sa oras na 'to, hindi na ako mapalagay dahil kay Yurie. Hindi ko ma-enjoy 'tong Graduation Ball, umuwi na ba kaya 'yon? Ba't naman uuwi agad 'yon. E excited pa nga 'yon na maka-date si Nathan, 'di ba? Umupo nalang ako at kinakabahan para kay Yurie. Habang sina Nathan at Jheff naman ay kumuha ng pagkain nila at sabi naman nila ay kukunan nila ko ng pagkain, medyo nagugutom na rin naman ako at ang tagal pa nila dumating dito.
Marami-rami na rin ang nagyayaya sa'kin na mag-sayaw, pero inaayawan ko dahil hindi ko rin naman mae-enjoy 'yung moment. Talagang nag-aalala ako sa babaitang 'yon. Hmp!
1:30AM
"It's already morning in the midnight everyone. I hope you all enjoyed our Graduation Ball for this school year 1991-1992. And now that we already done enjoying this ball, let me now say that San Agustin University's Graduation Ball is now finally over. Thank you!"
Nag-uuwian na ang mga estudyante ngayon, hinatid ako ni Jheff sa bahay dahil date n'ya raw ako at pinadamay ko na rin si Nathan na isabay s'ya sa paghatid. Si Yurie, wala pa ring paramdam.
Masaya ang graduation ball na ito. Ngunit tila may kulang pa rin dahil hindi ko nakasama sa saya ang kaibigan ko, ni hindi ko mawari kung ano ang nangyayari sa kanya, kung okay lang ba s'ya. Hinihiling ko nalang sa gabi na 'to na sana ay nasa maayos na kalagayan s'ya at okay s'ya ngayon.
•
ang pagtatapos ng isang hindi gaano kasayang graduation ball.
BINABASA MO ANG
Friends not Forever
Fiksi Penggemar[ON-GOING] What if nahuhulog kana sa kaibigan mo nang hindi mo nalalaman? Nahuhulog ka na sa kanya habang s'ya naman ay nahuhulog sa ibang taong, hinding-hindi ikaw. Paano mo makakayanan ang nararamdaman mo para sa kanya? Is it Friends Forever or...