#8

377 7 0
                                    

8.

"Tristan, ano ba! nasasaktan ako!"

"Teka nga lang~"

"Oyyyy!"

Ayaw mo talaga tumigil ah -___-

Hinila ko pabalik yung kamay ko na kanina pa niya hila hila.

Nabigla naman daw siya pero di pa ako tapos. 

"Yuri, halika n-----Ouuuuucccch!"

Napasigaw siya. Namumulupot sa sakit.

"What was that for?!"

"What was that for mo mukha mo! Kanina pa ako nagmamaka-awa sayong tumigil muna sandali dahil hinihingal na ako!!!!"

Natahimik siya bigla. Eh kasi naman! Bakit niya ba sinuntok yung lalake kanina sa tabing dagat? Y-yung Trey ba yun? Ahh! Ewan.

"Look, I'm sorry. I think we need to get out of here."

"ANO?!"

"Yuri, may nakakakilala na sa akin dito. Kailangan na natin umalis."

Hihilain na sana niya ulit yung kamay ko pero madali ko itong nabawi.

"Anong aalis? Gabi na Tristan. Sabi mo magpapalipas muna tayo dito. At sino ba yung lalaking yun?!"

My Runaway Groom (Tao and Yuri Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon