My Angel

1.8K 73 27
                                    

Malapit na naman ang undas. Kaya eto kami ngayon sa sementeryo para maglinis ng puntod nina Lolo at Lola. Kasama ko sina Papa, Mama, si Kuya pati yung tatlo kong pinsan. Ayoko nga sumama e, kaso mapilit sila.

Habang naglilinis sila ng puntod, tumakas ako at naglakad-lakad muna sa paligid. Napansin ko yung lalaki na nakaupo dun sa may damuhan. Mag-isa lang siya. Kanina ko pa siya nakita dun, pagdating pa lang namin. Mukha siyang malungkot. Hindi ko alam kung bakit pero nilapitan ko siya.

"Hi!" Bati ko sa kanya.

Tinaas niya yung ulo niya para makita ako. Shocks! Ang gwapo niya.

"Hello!" Sabay ngiti sa akin.

Ano ba yan? Nakakatuwa naman. Kaya pala pilit akong dinala ng paa ko dito, kasi naman may gwapo pala dito.

"Upo ka..." Alok niya sa akin.

Umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang siya. Nakatitig lang siya dun sa puntod na may maraming bulaklak. Ako naman nakatitig lang sa kanya. Haha! Ang gwapo niya kasi talaga. Ang cute ng mata niya, matangos ang ilong, makinis ang balat, maputi, malambing ang mata. Basta ang pogi niya. Medyo kulang nga lang sa height pero okay lang, hindi rin naman ako katangkaran e.

"Pasensya ka na kung nakakaistorbo ako sa'yo. Kanina pa kasi kita napansin na wala kang kasama dito." Sabi ko sa kanya para naman mabasag yung katahimikan namin.

"Okay lang." Matipid niyang sagot.

"Bakit nga ba mag-isa ka lang dito? Nasan family mo?"

"Sa a-uno pa sila pupunta dito e."

"Ahhh..." Tugon ko sa kanya. Muli nabalot na naman ng katahimikan ang paligid. Awkward siguro sa kanya yung sitwasyon namin kasi hindi naman kami magkakilala. Pwes magpapakilala ako.

"Ahm, naiilang ka ba sa akin? Siguro dapat magpakilala muna ako sayo. Ako nga pala si Bea."

"Alam ko." Sabi niya. Alam niya? Kilala niya ko?

"Ha? Pano?"

"Narinig ko kasi na tinawag ka nung lalaki kanina na Bea. Yung naka-cap na binata."

"Ahh, kuya ko yun. E ikaw ano bang pangalan mo?"

"Angelo. Ako si Angelo." Wow, ang ganda ng name niya. Bagay sa kaniya, mukha kasi siyang anghel.

Nagkwentuhan lang kami. Nalaman ko na dalawa lang silang magkapatid. Tapos college na rin siya tulad ko. Magka-age lang din kami. Naikwento ko din sa kanya yung ilang bagay na gusto niyang malaman. Siguro mga isang oras din kaming nagkausap.

"Bea, tara na! Uuwi na tayo!" Sigaw ni kuya sa akin. Napalingon kami pareho sa kanya. Tumayo kaming pareho.

"Sige kuya, susunod na ako."

Lumingon ako kay Angelo.

"Sige, kailangan ko ng umalis. Teka, magkikita pa ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, siguro. Palagi naman akong nandito e."

"Talaga? Okay sige. Kita na lang tayo ulit."

"Nice meeting you, Bea! Ingat ka!" Tapos kumaway siya sa akin.

Umalis na kami. Hanggang pag-uwi namin, hindi ko pa rin makalimutan yung mukha niya. Sana pumunta ulit kami dun sa cemetery bukas para makita ko ulit siya. Sabi niya kasi palagi siya nandun e. Nung tinanong ko si Papa kung pupunta kami ulit bukas dun, sabi niya hindi na daw. Sa november 1 na lang daw kami ulit babalik doon. Sayang naman, ang tagal pa namin ulit magkikita.

====================================================

November 1, Undas. Nagpunta na kami sa sementeryo tulad ng nakaugalian. Dumirecho kami sa puntod nina Lolo at Lola para ipagtirik sila ng kandila at maglagay ng bulaklak. Nagdasal din kami para sa kanila. After nun, naglakad-lakad ako, expecting na makita si Angelo. Pagdaan ko dun sa place kung saan ko siya nakita, wala naman siya dun. Maraming tao sa place na yun pero wala si Angelo. Kaya bumalik muna ako sa puntod nina Lola. After ilang hours, bumalik ako dun baka kasi nandun na siya. Pero wala pa rin. Kaya nagtanong na ako.

"Bata, bata..." Tinawag ko yung batang naglalaro malapit sa puntod kung saan ko nakita si Angelo. Lumapit yung bata sa akin.

"Bakit po?"

"Kasama mo ba si Angelo?"

"Angelo? Si kuya Angelo?"

"Kapatid mo ba siya? Ibig sabihin ikaw si Carl?" Nagnod siya.

"Nasaan kuya mo?"

"Si kuya po..." Mahinang sabi niya tapos naglakad palapit sa puntod. Sinundan ko siya. "Mama..."

"O bakit?" Pagkatanong nung mama niya tinuro niya ako. Gusto niya ata sa mama niya na lang ako magtanong. Natakot yata sa akin. Di bale na nga.

"Hello po! Tanong ko lang po kung nasaan si Angelo? Kasama niyo po ba siya?"

"Si Angelo?! Kaibigan ka ba niya?"

Nagnod ako.

"I guess hindi mo pa alam."

"Ang alin po?"

"I don't know kung bakit hindi mo nalaman about sa nangyari sa kanya if he was your friend... But he passed away three months ago. Car accident."

Naggive way siya dun sa puntod tapos hinawi yung mga bulaklak na nakalagay sa ibabaw. Nakita ko yung name na nakalagay sa puntod. Angelo Vargas. Nakita ko rin yung picture na nakalagay sa tabi ng puntod niya. Siya nga si Angelo. Pero paano? Patay na siya? Pero sino yung nakausap ko noong isang araw? Paano ko siya nakausap kung patay na siya? Ang daming tanong sa isip ko. Naguguluhan ako. Posible ba talaga yun? Totoo ba 'to?

Habang nakatitig ako sa puntod niya, may paru-parong dumapo sa braso ko. Unti-unti kong tinaas yung braso ko. Pagkakita ko, white butterfly.

"Angelo..." Yan lang ang tangi kong nasabi pagkakita ko sa butterfly. Napangiti na lang ako. Alam ko siya 'to. Hindi ko man alam kung paano at bakit ko siya nakausap, masaya pa rin ako na nakilala ko siya. Kahit mahirap paniwalaan, ang sarap maniwala na nangyari yun.

======================================================

Lumipas ang mga araw, palagi ko siyang napapanaginipan. Laging nagrerewind sa utak ko yung time na nagpaalam ako sa kanya para umuwi.

"Nice meeting you, Bea!"

"Palagi naman akong nandito e."

"Angelo. Ako si Angelo."

Paulit-ulit niyang sinasabi yan sa panaginip ko. Tapos ngi-ngiti. Sa tingin ko nahulog na talaga ang loob ko sa kanya sa maikling panahon na nagkakilala kami. Mahirap man paniwalaan at panindigan, masaya ako na nangyari sa akin yun. Tuwing may paru-parong lumalapit sa akin, alam kong siya yun. Ngayon alam ko na kung bakit paulit-ulit na naririnig kong sinasabi niya sa akin na...

"Palagi naman ako nandito e."

Alam ko palagi siyang nandyan sa tabi ko, binabantayan ako. Ang anghel ng buhay ko, si Angelo.

One Shot Stories (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon