Chapter 5: Me over Dancing? or Dancing over Me?

105 3 0
                                    

Chapter 5: Me over Dancing? or

                     Dancing over Me?

~ Santhy's P.O.V. ~

"Good day and thank you, Ma'am Sombrano."

"Bro. Nga pala. May praktis tayo mamaya sa studio."

Paalala ni Bryan sa akin.

"Mamaya? May pupuntahan kasi ako eh."

"Bro, di naman sa nangingialam ha. Pero simula kasi na naging kayo ni Deetry, di ka na nagpapakita sa grupo. Kaya dun, last chance mo na raw ngayon sabi ni Sir Ernest."

"O sige. Sige. Pupunta na ako mamaya. Sabay na tayo."

"Ok. Kaw bahala. Tawagin mo lang ako pagkatapos ng TLE classes natin. Nasa room 29 kami. Kayo?"

"Room 17."

Umalis na si bryan papunta sa room niya. Ako naman hinahanap si Deetry para makapagsabi na di ako makakahatid sa kanya pauwi.

"Deetry! Love! Sandali." Huminto siya sa paglalakad.

"Oh? Bakit?"

"'Di kita mahahatid mamaya eh."

"Ganun ba? O sige. Magco-commute na lang ako. Sige, ingat."

Tumalikod na siya pero hinila ko siya pabalik.

"Sigurado ka? Okay lang sa'yo?"

"Syempre naman nuh. I can manage yourself. Don't worry."

"May competition kasi eh. Kailangan na naming magpraktis."

"No problem. Sige na. Baka mahuli ka pa sa klase mo."

"Bye. I love you."

"I love you, too."

Pagkatapos nga ng TLE class dumiretso na kami ni Bryan sa studio. Nagpraktis. Pagod. Pero nag-aalala pa rin ako kay Deetry. Tawagan ko muna.

"Hello, Love?"

"Yeah. Tapos na ba ang praktis niyo?"

"Di pa. Tinawagan lang kita para masecure kung naka-uwi ka na."

"Oo, kanina pa. Baba mo muna 'to. Baka makaisturbo."

"Mamaya na. Gamot mo? Nainom mo na ba?"

"Yup. Thanks sa concern."

"Funtillar! Stop that call! Practice muna!"

Sir Ernest naman eh.

"Love, got to go. Bye. I love you."

"Bye. Love you more." We end up our conversation.

"Next time, focus when it comes to the practice."

"I'm sorry, sir."

Pagkatapos nun, ilang days din ang pagprapraktis namin at di ko na siya nahahatid. Pero bumabawi naman ako sa kanya. Tuwing praktis tinatawagan ko siya kahit alam kong hindi naman pwede. Yun nga lang agad namang pinapababa ni Sir sa akin. Si Sir Ernest ang president ng troupe.

Isang araw, pagkatapos ng praktis namin, kinausap ako ng masinsinan ni Sir Ernest.

"Santhy, let's talk before you go home."

Nang nakalabas na ang mga tao sa studio, nag-usap na kami.

"Napapansin ko lang kasi. Nawawalan ka na ng concentration tuwing praktis natin. Wala namang masama kung tinatawagan mo ang girlfriend mo pero napapasobra ka yata. Nagkikita naman kayo diba? Bawat oras ba talaga kailangan kamustahin mo siya?"

Dance Through The Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon