C H A P T E R 1 (SCHOOL)

2 0 0
                                    

•│PLAGIARISM│•

is illegal if it infringes an author's intellectual property rights, including copyright or trademark. For example, the owner of a copyright can sue a plagiarizer in federal court for copyright violation. The plagiarist in turn may have to pay the copyright owner of the plagiarized works the amount he or she actually lost because of the infringement, in addition to paying attorney's fees.

♪♫♬♪♫♬♪♫♬♪♫♬♪♫♬

This is a work of fiction.

Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳➳

ⒻⓄⓇ ⓂⓄⓇⒺ ⒾⓂⓅⓄⓇⓉⒶⓃⓉ ⓊⓅⒹⒶⓉⒺⓈ
Kindly Visit The Following:

Facebook: FAULIN SAMSON
➢https://www.facebook.com/faulin.shane?ref=bookmarks

Twitter: @Chempot_
➢https://twitter.com/AestheticIsLayp

© 2019 by Chempzz (LOVE)
All Rights Reserved.

JUNE 2020

FAULIN

Ang sabi nila, if masyado kang nacucurious sa buhay pag-ibig, gusto mo ng maranasan.

Ngunit hindi yon madali. Kung gusto mong maranasan ngunit ayaw naman ng taong makakapartner mo, what's the sense?

Lahat ng tao gusto maranasan ang pagmamahal. Ang sabi nila bumabagal ang ikot ng mundo mo. Napakasarap sa pakiramdam---

Shhhhk

'Those shits are in my mind again. Ano'ng alam ko 'jan?'

-___-

I was in the middle of my whatsoever dream nang may manggising saakin.

"Bangon na. First day." She said at inalis ang kumot ko.

"Anong oras na ba tita?" I asked while yawning.

"9:00 a.m, bumangon ka na jan si Tricia naliligo na".

0__0?

"Ang aga naman?!" Pagdadabog ko.

"Aba. Hahanapin ninyo pa ang room niyo. Bilisan mo jan".

Bumangon na ako at di na siya hinintay umalis. Kumuha na ako ng mga isusuot ko at tumungo sa banyo.

Iniwan ko talaga ang phone ko na nakacharge dahil alam kong hindi nanaman ako matatapos ng mabilis sa  pagligo. Skl baket?

Pagkatapos ng ilang minutong pagligo ko, nagbihis na ako at lumabas ng kwarto para pumunta ng kusina. Nakita ko si Tricia na nakabihis na at ayos na ayos.

'Ssshkkk ode wow ikaw na maganda haup. 2nd year highschool palang dalagang dalaga na'

"Kumain ka na bilisan mo" sabi ni tita Rona

'Madaling madali ka ghourl?'

Umupo na ako at kumain na den. Hindi pa man ako nakakasubo, nagsalita nanaman si Tita.

"Magpicture ka daw sabi ni Mommy mo. Send mo sakanya"

-____- shhhk

"Tapos na ako kumain. Kunin ko na bag ko" pumasok ako ulit sa kwarto at kinuha ang bag ko.

"Tara---"

"Yung buhok mo naman bruha. Ayusin mo muna mukha mo bag---!"

"Sa school na. Babyeee!"

Lumabas na kami at sumakay ng tricycle. Hindi naman kami siguro malelate dahil malapit lang ang school na pinapasukan namen.

After 5 minutes, andito na kami. Nagbayad kamj ng bente at pumasok na ng school.

WELCOME BACK TO SCHOOL STUDENTS!

Nakapaskil sa gate ng school.
'SHHHk baka WELCOME BACK TO HELL'

HAHA

Pagkapasok namin, naghiwalay na kami ng landas ni Tricia. Sa kanan ako at sa kaliwa naman siya. Pinagmasdan ko ang Campus. Hindi naman talaga siya totally na campus. Isa itong pampublikong paaralan at maliit lamang siya kumpara sa dati kong pinapasukan na paaralan.

Mula sa gate, matatanaw mo ang dalawang palapaging building dito sa kanan. Pag dating mo doon ay nasa sulok ka na ng building kung saan mayroong hagdan. Umakyat ako sa itaas dahil balak kong doon muna maghanap ng room ko.

Ikinagulat ko baka late ako dahil sa rami ng mga estudyante.

"Excuse me? Anong room to?"

"Ahh Newton at Rizal po" sabi ng lalaki.

"Bakit dalawa?"

"Kami po ay Newton. 3rd year highschool po kami. Am shift. Rizal po yung isa dahil pang 4th year po"

Ahh..  so mga Am shift pa pala tong mga to.

"Anong grade ka na po ate?"

"4th year na ako hehe. Napaaga ata ako. Osya. Sige salamat hanapin ko lang pangalan ko"

"Sige po."

Patuloy pa den akong naghahanap sa bawat silid-aralan ng palapag na 'to. Nasa dulohan na ako nang magsilabasan ang mga estudyante. Sinulyapan ko ang aking relo ng makita kong 12:01 pm na.

Lagot. Late na ako ng isang minuto? Pero ngayon palang sila lumalabas eh?

Dali dali akong bumaba kasama ang mga estudyante. Bumalik muna ako sa dati kong pwesto sa ibaba. Tinignan ko ang unang room doon at pawanf computer lab ito sa dami ng mga pc's.

Ganoon rin ang kabilang room. Napunta ako sa gitna at doon ko nakita ang principal's office at karugtong o katabi nito ang clinic. Pinagmasdan ko ang office. Makikita mo doon ang mga estudyanteng ngayon palamang mag eenroll. At mga magulang na kasama nila.

Bago ako tumungo sa susunod na room, tumingin muna ako sa mga rooms na natignan ko na. Nakita ko na may pumasok na teacher sa computer lab at may napansing babae sa harap ng hagdan.

Nagtatali ito ng buhok ng wala ng suklay suklay. Lumapit ako ng lumapit para matignan ng maige ang babae.

Di ako judger ah. Pero parang Officer to ng School.

Mukha siyang something na may authority na ewan sa school na to. Ay basta ewan.

Tumalikod na ako at nagmadaling hinanap na ang room ko. And guess what. Sa dulo ako. Sa baba.

9- Maxwell
10-Campos.

Hello campos! Be good to me shhhk!

LoveWhere stories live. Discover now